Friday, October 24, 2008
YARI KA MAMA!
Paano ko kaya sisimulan ang post kong ito?
Masyado kasi akong masaya kaya ako nagpost ngayon eh. Kahit na medyo masakit ang aking ulo... tuloy pa rin. Inspired eh. Ahaha!
Well, isang nakawiwindang na araw ang naganap. Ngayon kasi ang party namin para sa aming minamahal na nanay, si Mama Carlos or Mama na lang for short (para sa lawrence lang iyan ah. wag feeling yung iba. haha. nang-away daw ba? peace!) Kaarawan niya kasi noong lunes, October 20.
So. Ikikwento ko na ang mga nangyari.
Uwian noon.
Nagpulong-pulong ang lawrence sa aming gagawin. May mga napagplanuhan na rin kasi kaming mga gagawin. Isa kasing napaka-surprise party ang ibibigay namin. May mga planong may mag-aaway, masusunog yung homeroom, masisira yung dvd at sasabog ang tv. Lahat iyan mangyayari para lang mapapunta namin si Mama sa quadrangle at maipakita sa kanya na hindi namin nakalimutan ang kaniyang kaarawan. Matapos noon ay pumwesto na kami sa kanya-kanya naming lugar. Scripted nga pala ang lahat ng mangyayari.
Eto na. Nagkaroon ng mainit na banggaan sina Aron at Fermin. Sila ay nagsapakan at nagbubugan sa gita ng quad. Lahat ng mga tao na naroon ay nagulat. Ang mga tao sa lawrence ay biglang rumesponde sa mga nag-aaway. Tinawag nila si Mama at to the rescue naman ang aming adviser. Nang makarating siya doon ay biglang may sumigaw... "Yari ka!" At nagkantahan na ang lahat. Marami ang nawindang, nagulantang, kinilabutan at namangha sa mga naganap. Pati ang aming Mama ay sadyang nagulat. Hindi raw niya inexpect ang mga nangyari. At noon ding iyon ay nalaman na ni Mama ang tunay na pakay namin. Na hindi pala totoo ang lahat, na ang pag-aaway na naganap kahapon ay kapekean lang, na kahit kailan ay hindi namin nakalimutan ang kanyang kaarawan. Masaya na si Mama.
Hanep! Ang galing ng Lawrence umarte! Biruin mo ah. Lahat ng tao sa quad talagang napanganga sa kanilang mga nakita. Di kasi normal sa Manila Science High School na may nagbubugbugan at nag-aaway. Lalo na't hindi normal na ginagawa ito sa gitna pa ng quad. Matitino kasi mga Mascians eh. Haha. Nakatutuwa talaga ang mga eksena kanina. Tila ang Lawrence lang ang natatawa sa mga nangyayari. Paano kaya kung totoo lahat ng iyon no? May nagpapatayan sa gitna? Ano kaya gagawin mo?! Well, kami lang nakagawa noon. Haha. First ever. Yabang. Weh?! Basta ayun! Wag na lang kayong magtanong.
LAWRENCE!

After noon. Kainan na. Haha. Ang saya. Ang dami naming pagkain. Parang Christmas Party. Haha. Nabusog ako e. Yum! Nagkwentuhan na lang kami about sa mga naganap. Tawanan lang kami habang ibinabalita namin kay Mama ang totoong nangyari. Haha.
At iyan ang nangyari sa araw na ito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang Lawrence. Masaya na ako at nariyan sila at kasama ko. :D

"Happy! Shalalala!"
i know that i have loved you ... at 4:44 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities
Monday, October 6, 2008
The Magical Room
Isang rebelasyon ang nangyari ngayong araw. Muli ay aking natuklasan na may maganda pa rin namang lugar na natitira sa Manila Science High School.
Ang pintuan sa napakagandang lugar na ito ay hindi kadalas kapansin-pansin. Lagi mo lang siyang madaraanan ngunit hindi mo alam na sa likod ng pintuang ito may nagbabadyang misteryo na matagal nang nakatago sa publiko at naghihintay lamang na ito ay matagpuan mo.
Maski ako nagulat na may pintuan pala sa lugar na iyon. Lagi naman akong dumaraan sa pasilyong iyon ngunit kahit kailan ay hindi ko napansin o hindi man lang dumako sa aking mga mapanmasid na mga mata ang pintuang iyon.
Pinasok ko ang nasabing pintuan at nabigla at namangha kami sa aming mga nakita. Isang museo na matagal na palang nakatago sa mga pader ng gusaling iyon. Naglalaman ito ng mga iba't ibang mga artifacts at ang ilan sa mga ito ay galing pa sa ibang bansa. May mga manika, lumang mga barya, mga kasuotan, mga kabibe, at may dalawang taong taga-tribo pang babati sa iyo sa iyong pagpasok dito.
Kamangha-mangha ang lugar na ito. Medyo maalikabok nga lang at talagang naluma na ng panahon. Pero alam ko rin naman na sa patuloy na paglilinis at pag-aalaga sa mga nakapaloob dito ay sigurado babalik sa dati ang kanyang kagandahan.
Ilang sandali pa ay kinailangan ko nang lisanin ang napakagandang lugar na ito. Masakit mang isipin na ito ay akin nang iiwan pero dapat ko na itong gawin. Iniisip ko habang ako'y papalabas ng kwartong iyon na balang araw ay makakabalik ako rito at akin muling makikita ang kagandahan ng kwartong iyon.
Isinara na ang pintuan at kinandado. Masakit isipin na lagi lang itong nakasarado para sa publiko. Sayang naman kung hindi ito malalaman at makikita ng mga taong nagnanais din makakita ng ganitong kakaibang lugar. Sayang naman.
Tuluyan ko nang nilisan ang nasabing lugar. Puno ng kasiyahan ang aking damdamin sa aking paglisan. Pangako ko sa aking sarili na makakabalik pa ako roon. At kaya ko iyong gawin.
" It's a small world after all...."

i know that i have loved you ... at 5:10 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities