if i never see your face again ...
then i will find you and love you once more
time after time

Friday, October 24, 2008

YARI KA MAMA!

"Napakasaya ng araw na ito. I love Lawrence! Your'e The Best!"

Paano ko kaya sisimulan ang post kong ito?

Masyado kasi akong masaya kaya ako nagpost ngayon eh. Kahit na medyo masakit ang aking ulo... tuloy pa rin. Inspired eh. Ahaha!

Well, isang nakawiwindang na araw ang naganap. Ngayon kasi ang party namin para sa aming minamahal na nanay, si Mama Carlos or Mama na lang for short (para sa lawrence lang iyan ah. wag feeling yung iba. haha. nang-away daw ba? peace!) Kaarawan niya kasi noong lunes, October 20.

So. Ikikwento ko na ang mga nangyari.

Uwian noon.

Nagpulong-pulong ang lawrence sa aming gagawin. May mga napagplanuhan na rin kasi kaming mga gagawin. Isa kasing napaka-surprise party ang ibibigay namin. May mga planong may mag-aaway, masusunog yung homeroom, masisira yung dvd at sasabog ang tv. Lahat iyan mangyayari para lang mapapunta namin si Mama sa quadrangle at maipakita sa kanya na hindi namin nakalimutan ang kaniyang kaarawan. Matapos noon ay pumwesto na kami sa kanya-kanya naming lugar. Scripted nga pala ang lahat ng mangyayari.

Eto na. Nagkaroon ng mainit na banggaan sina Aron at Fermin. Sila ay nagsapakan at nagbubugan sa gita ng quad. Lahat ng mga tao na naroon ay nagulat. Ang mga tao sa lawrence ay biglang rumesponde sa mga nag-aaway. Tinawag nila si Mama at to the rescue naman ang aming adviser. Nang makarating siya doon ay biglang may sumigaw... "Yari ka!" At nagkantahan na ang lahat. Marami ang nawindang, nagulantang, kinilabutan at namangha sa mga naganap. Pati ang aming Mama ay sadyang nagulat. Hindi raw niya inexpect ang mga nangyari. At noon ding iyon ay nalaman na ni Mama ang tunay na pakay namin. Na hindi pala totoo ang lahat, na ang pag-aaway na naganap kahapon ay kapekean lang, na kahit kailan ay hindi namin nakalimutan ang kanyang kaarawan. Masaya na si Mama.

Happy Birthday Mama!

Hanep! Ang galing ng Lawrence umarte! Biruin mo ah. Lahat ng tao sa quad talagang napanganga sa kanilang mga nakita. Di kasi normal sa Manila Science High School na may nagbubugbugan at nag-aaway. Lalo na't hindi normal na ginagawa ito sa gitna pa ng quad. Matitino kasi mga Mascians eh. Haha. Nakatutuwa talaga ang mga eksena kanina. Tila ang Lawrence lang ang natatawa sa mga nangyayari. Paano kaya kung totoo lahat ng iyon no? May nagpapatayan sa gitna? Ano kaya gagawin mo?! Well, kami lang nakagawa noon. Haha. First ever. Yabang. Weh?! Basta ayun! Wag na lang kayong magtanong.

LAWRENCE!

After noon. Kainan na. Haha. Ang saya. Ang dami naming pagkain. Parang Christmas Party. Haha. Nabusog ako e. Yum! Nagkwentuhan na lang kami about sa mga naganap. Tawanan lang kami habang ibinabalita namin kay Mama ang totoong nangyari. Haha.

At iyan ang nangyari sa araw na ito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang Lawrence. Masaya na ako at nariyan sila at kasama ko. :D


P.S. Pasensya kung hindi detailed masyado. Iyan lang ang highlight ng mga naganap. Hehe.

"Happy! Shalalala!"

i know that i have loved you ... at 4:44 AM
fate crumbled all around 0 identities

` me. ;

    Photobucket
    Welcome to my blog.
    Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
    "Jedd" for short
    I am 15 years old.
    A third year student of Manila Science.
    Diligence
    Kepler
    Hertz
    DILIKEHERTZ

` here.waiting ;

` my music. ;

'let's talk.



^reminds;me*of