Monday, October 6, 2008
The Magical Room
"Nakatutuwang isipin na ang isang napakalumang gusali ay naglalaman ng mga magagandang kayamanan na matagal na nitong pinangangalagaan..."
Isang rebelasyon ang nangyari ngayong araw. Muli ay aking natuklasan na may maganda pa rin namang lugar na natitira sa Manila Science High School.
Ang pintuan sa napakagandang lugar na ito ay hindi kadalas kapansin-pansin. Lagi mo lang siyang madaraanan ngunit hindi mo alam na sa likod ng pintuang ito may nagbabadyang misteryo na matagal nang nakatago sa publiko at naghihintay lamang na ito ay matagpuan mo.
Maski ako nagulat na may pintuan pala sa lugar na iyon. Lagi naman akong dumaraan sa pasilyong iyon ngunit kahit kailan ay hindi ko napansin o hindi man lang dumako sa aking mga mapanmasid na mga mata ang pintuang iyon.
Pinasok ko ang nasabing pintuan at nabigla at namangha kami sa aming mga nakita. Isang museo na matagal na palang nakatago sa mga pader ng gusaling iyon. Naglalaman ito ng mga iba't ibang mga artifacts at ang ilan sa mga ito ay galing pa sa ibang bansa. May mga manika, lumang mga barya, mga kasuotan, mga kabibe, at may dalawang taong taga-tribo pang babati sa iyo sa iyong pagpasok dito.
Kamangha-mangha ang lugar na ito. Medyo maalikabok nga lang at talagang naluma na ng panahon. Pero alam ko rin naman na sa patuloy na paglilinis at pag-aalaga sa mga nakapaloob dito ay sigurado babalik sa dati ang kanyang kagandahan.
Ilang sandali pa ay kinailangan ko nang lisanin ang napakagandang lugar na ito. Masakit mang isipin na ito ay akin nang iiwan pero dapat ko na itong gawin. Iniisip ko habang ako'y papalabas ng kwartong iyon na balang araw ay makakabalik ako rito at akin muling makikita ang kagandahan ng kwartong iyon.
Isinara na ang pintuan at kinandado. Masakit isipin na lagi lang itong nakasarado para sa publiko. Sayang naman kung hindi ito malalaman at makikita ng mga taong nagnanais din makakita ng ganitong kakaibang lugar. Sayang naman.
Tuluyan ko nang nilisan ang nasabing lugar. Puno ng kasiyahan ang aking damdamin sa aking paglisan. Pangako ko sa aking sarili na makakabalik pa ako roon. At kaya ko iyong gawin.
" It's a small world after all...."

i know that i have loved you ... at 5:10 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities