Thursday, December 4, 2008
Happiest Day of the Week!
"Napakasaya ng araw na ito, sana maulit ang mga ganitong masasayang araw."
Hindi ako makapaniwala na ganito magiging kasaya ang araw ko. Noong umaga kasi halos badtrip kaming lahat. Paano, duty nga kami pero wala namang nakikinig ni isa sa amin. Lahat sila nagmamatigas ang ulo, gumagawa ng kung ano ano, nakikipagharutan, nag-iingay at kung ano ano pa. Wala man lang respeto sa program na ginagawa. (Awts. Parang ganun din ako kung minsan ah. Haha!)
Our Beloved Teachers!
Ngayon ay ang araw ng mga guro. Day off nila ngayon kung tawagin. Naghanda ng kani-kanilang presentasyon ang mga estudyante sa bawat year level. May kumanta, sumayaw, at gumawa ng skit. Mayroon ding card giving, token giving at gift giving. Lahat na ng pwedeng ibigay ay binigay na. Ayos naman ang lahat. Masaya nga eh. Kasi walang klase. Hehe.
With Sir, Formal?Happy Teachers Day Mama!
Pagkatapos ng isang napakagandang program nagsibalikan na ang lahat sa kani-kanilang homeroom. At doon, nagpakavain na naman ang aking minamahal na section. Picture dito, picture diyan. Lahat na ata ng pwedeng picturan piniktyuran na. Tapos sa sobrang nais naming magkaroon ng remembrance sa aming student teacher sa English ay sinama na rin namin siya sa vanity moments ng Lawrence.
With Sir ulet, Wacky?
Pero lahat ng kasiyahang iyan ay nagwakas nang pumunta kami sa T.L.E. (Para namang happiness sucker ang tle.) Masaya rin naman ang tle kaya nga lang maysadong maraming ginagawa at marami ring dapat gawin. Hay...
Gumagawa na nga lang ang emo pa.Bumalik na kami sa aming homeroom pagkatapos noon. Tambay na naman. Noong uwian na ay napag-isip-isipan naming maglinis at ang paglilinis na iyon ay nauwi sa pagdedecorate ng aming homeroom.
Tenen!
Dahil na rin sa napakaraming kahoy sa aming homeroom ay napagtripan namin ang kawawang kahoy na ito. Nakatutuwa nga dahil ito ay nasa hugis "L" na initials ng aming section. Kaya ayun. Kaso hindi pa siya tapos dahil puro larawan namin ang ilalagay namin diyan.
L!
Dahil sa pagod na kami at gutom na rin naman. Nagpunta na kami sa mahiwagang karinderya ni Ginalyn. Di naman to kay Ginalyn eh. Trip lang. Pagtapos kumain ay nagpunta kami sa mini stop para sa dessert.
Gene, Tang.
Sino itong babaeng ito?
Glazelle at Jedd.
Sino itong babaeng ito?
Glazelle at Jedd.
Dahil ayaw pa nga naming umuwi. Bumalik kami sa school para manood kaso hindi pa rin gumagana ang outlet sa aming kwarto kaya balik kami sa pagdedesign nito.
Si Alyssa tumutingin sa mga baby pics.
Tenen ulit!
Tenen ulit!
Gabi na rin kami nakauwi. Kwentuhan at tawanan lang ginawa namin doon. Nagkandahawaan ng kabobohan at kabobohan. At syempre. Kailan ba naman mawawala ang pinagpipitagang picture taking?!
Phew. Nakakapagod man ang araw na ito. Lahat naman kami ay naging masaya. Sana talaga maulit ang ganitong araw.
"Sana maulit muli..."
i know that i have loved you ... at 5:58 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities