Saturday, November 22, 2008
First Place kami sa Mardi Gras! Congrats Lawrence!
"Played Alive..."
Ang saya saya ko nung araw na iyon. Lalo na ang aking section. Ang lahat ng aming pinaghirapan ay nagbunga. Kapag may tiyaga, talaga nga namang may nilaga. Haha. Yum!Sobrang late na ang post na ito pero siguro gagawin ko na lang din. Wala lang. Karapat dapat naman kasi sigurong ipost eh. Yabang eh no? Di naman.
Nobyembre 14, 2008. Naganap ang isang patimpalak na nilahukan ng walong pangkat ng ikaapat na taon. Isang Mardi Gras contest. Naglaban-laban ang iba't-ibang pangkat. May kanya-kanyang estilo silang ginawa para mapaganda nila ang kanilang sayaw. May mga props, stunts, costumes at kung ano-ano pa. Mahihinuhang talagang pinaghandaan nila ito.
Pangatlong nagpresenta ang aking minamahal na pangkat, Lawrence. Nakakakaba sa quadrangle. Marami ang nanonood. Hindi lang marami kundi lahat ng Mascians pati ang mga teachers ay naroroon. Talagang kakabahan kapag nandoon ka na. So ayun, sumayaw na kami. Hindi na siya ganoon kakakaba kapag sumasayaw ka na. Parang praktis lang ito eh, sinabi ko sa aking sarili para kahit papaano ay mawala ang kaba ko. Natapos naman ang sayaw namin. Kaso mas lalo kaming kinabahan nang magpresent na ang iba pang section. Ang gagaling nila. Lahat talaga ay may potensyal na na manalo. Pero isa lang dapat ang tanghalin na manalo diba? Kaya sobrang higpit ang laban.

Nung iaanounce na ang mga nanalo biglang natahimik ang paligid. Isa-isang tinawag ang mga nakatanggap ng ikatlo at ikakalawang parangal. Newton at Roentgen. Hindi pa rin natatawag ang pangalan ng section ko kaya mas lalo na akong kinabahan. At sa wakas, sinabi na rin ang nakatanggap ng unang gantimpala. Lawrence. Nung una ay hindi pa kami makapaniwala pero sa huli ay nalaman namin na totoo nga pala ang lahat. Sa tindi ng aming emosyong naramdaman ay bigla kaming nagtatalon mula sa aming pagkakaupo. Napakasaya ng araw. Napakasarap ng pakiramdam kapag ikaw ay nananalo.
"We're on the top of the world..."
i know that i have loved you ... at 5:11 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities