if i never see your face again ...
then i will find you and love you once more
time after time

Monday, September 8, 2008

Ano ba ang mga nangyayari?

"Sinusubukang kong isipin na natural lang sa tao ang magbago... pero tama bang ang pagbabagong nagaganap sa atin ang siyang magpapasira ng isang magandang relasyong pinatibay ng panahon?"

Hindi ko talaga lubos maisip na talagang sa sobrang ikli ng panahon ay magkakaroon ng sandamakmak na pagbabago ang mangyayari sa aking buhay. Mga pagbabagong nakasisira ng mga relasyon ko sa ibang tao.

Nakakaiyak dahil ang mga taong pinakamalapit sa aking puso ay siya ring nagkakaroon ng malalaking pagbabago sa kanilang mga sarili. Oo, maganda magkaroon ng kahit kaunting pagbabago pero huwag naman sanang ipagtabuyan ako sa oras na kailanganin kita. Ang sinasabi ko lang ay nais ko lang sanang bumalik sa dating taong nakilala. Iyong taong minahal ko at pinahalagahan ko dahil sa kung ano siya at kung ano ang pagkakakilala ko sa kanya. Ayokong masira ang ating pinagsamahan dahil lamang sa kung ano mang nangyayaring sa iyo. Huwag mo naman sanang kalimutan na kaya kita nagustuhan bilang kaibigan dahil na rin sa pag-uugali mo pero kung magbago ka o well. Magtitimpi na lang siguro ako hangga't sa kaya ko.

Hindi lang iisang tao ang pinatatamaan ko sa post kong ito. Nawa'y maging aware kayo sa kung sino kaya at sa kung ano kayo. Kilala niyo naman siguro kung sino kayo. Ako. Inaamin ko na talagang nagkaroon ako ng kahit kaunting pagbabago sa aking sarili pero hindi ko naman isinasanla ang ating pinagsamahan para lang sa ikabubuti ng isa o ng wala sa atin.

Hay. Basta ako. Mananatili na lang ako sa kung ano ako. Hindi ko naman kailangan magpakasubsob sa pag-aaral para lang makuha ang atensyon ng mga tao eh. Hindi ko rin naman kailangan na isanla ang pagsasama natin ng higit na 2 taon. Mas lalong hindi ko dapat magbago para lang sa ikasasaya ng isang tao. Kung ano ako ng magustuhan ako ng mga tao mananatili akong ganoon.

Sawa na ako sa ganito eh. Noong umpisa napipigil ko pa ang aking sarili. Baka sa mga susunod na araw ay hindi. O Lord. Tulungan niyo po sana akong magtimpi. Alam ko na pagbibigyan niyo naman ako diba?

Naiinis lang talaga ako sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi lang siguro ako makapaglabas ng aking hinanakit dahil na rin siguro sa mga kung ano mang kondisyon ang nakahanda para sa akin. Siguro hanggang sa blogpost ko na lang ito maipapahayag ang aking nararamdaman.

Ayun. Ang haba neto ah. Phew. Nakapaglabas na rin. Amen.

Isa lang masasabi ko. Tinawag na UNITY kasi dapat UNITED! Kung gusto niyo ng sariling republika na kung saan kayo ang nasusunod, pwes maaari kayong gumawa ng sarili pero huwag na huwag niyo lang ako idadamay sa isang munting kahibangan na ginagawa ninyo.

"I remember the days...."

i know that i have loved you ... at 5:56 AM
fate crumbled all around 0 identities

` me. ;

    Photobucket
    Welcome to my blog.
    Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
    "Jedd" for short
    I am 15 years old.
    A third year student of Manila Science.
    Diligence
    Kepler
    Hertz
    DILIKEHERTZ

` here.waiting ;

` my music. ;

'let's talk.



^reminds;me*of