Wednesday, August 27, 2008
A Day of First Times.
"First timer ako!"
National Career Assessment Examination (NCAE), ng mga fourth years ngayon. Ito ang nakapagsasabi sa amin kung sa anong larangan kami babagay at kung ano dapat ang aming kuning career pagdating ng araw.
Madali lang ung test kaso nakakaboring sagutan. Yung iba common sense at yung iba wala lang. Ito na yata ang pinakamadaling test na aking nakuha ngayong high school.
Pagkatapos ng test ay pumunta kami sa bahay ni Patty, aking kaklase, sa kanilang bahay upang magpraktis ng presentation namin sa English.
At dito na papasok ang mga first time experiences ko ngayong araw.
Unang First time:
Nag-LRT kami, ung papuntang Monumento, at bumaba ng D. Jose. Ngayon lang ako nakasakay ng papunta doon. Hindi naman kasi iyon ang normal na ruta ko pauwi.
Ikalawang First time:
Pagbaba ng LRT 1 ay sumakay naman kami ng LRT 2. Medyo matagal nga lang kaming naghintay. Susyal na nga eh. May machine na nagbibigay ng mga tickets. Parang America na nga eh. Kaso pagtingin mo sa labas ay makakakita ka ng maraming squatters. At hindi iyon ang first time kong makakita ng squatters area. Marami dito sa Pilipinas niyan. Naglipana.
Ikatlong First time:
Sumakay ako sa isang napaliit na tricycle. Take note. Apat kaming sumakay noon. Napaka-hindi public friendly ung vehicle. Kadiri!
Ikaapat na First Time:
Nakakairita yung machine sa LRT 2. Nung nagpasok ba naman ako ng P50.00 ay sinuklian ako ng P42.00 na puro tig-pipiso. Mukha tuloy akong nanghingi ng limos sa sandamukal na barya sa aking bulsa.
Ikalimang First time:
First time kong muntik ng mawala sa may Recto. Buti na lang ay may mga taong handang tumulong sa iyo sa anumang oras.
Ayan. Ang daming nangyari ngayong araw. Nakakapagod.
"This is the first time..."

i know that i have loved you ... at 11:47 PM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities