Wednesday, August 27, 2008
A Day of First Times.
National Career Assessment Examination (NCAE), ng mga fourth years ngayon. Ito ang nakapagsasabi sa amin kung sa anong larangan kami babagay at kung ano dapat ang aming kuning career pagdating ng araw.
Madali lang ung test kaso nakakaboring sagutan. Yung iba common sense at yung iba wala lang. Ito na yata ang pinakamadaling test na aking nakuha ngayong high school.
Pagkatapos ng test ay pumunta kami sa bahay ni Patty, aking kaklase, sa kanilang bahay upang magpraktis ng presentation namin sa English.
At dito na papasok ang mga first time experiences ko ngayong araw.
Unang First time:
Nag-LRT kami, ung papuntang Monumento, at bumaba ng D. Jose. Ngayon lang ako nakasakay ng papunta doon. Hindi naman kasi iyon ang normal na ruta ko pauwi.
Ikalawang First time:
Pagbaba ng LRT 1 ay sumakay naman kami ng LRT 2. Medyo matagal nga lang kaming naghintay. Susyal na nga eh. May machine na nagbibigay ng mga tickets. Parang America na nga eh. Kaso pagtingin mo sa labas ay makakakita ka ng maraming squatters. At hindi iyon ang first time kong makakita ng squatters area. Marami dito sa Pilipinas niyan. Naglipana.
Ikatlong First time:
Sumakay ako sa isang napaliit na tricycle. Take note. Apat kaming sumakay noon. Napaka-hindi public friendly ung vehicle. Kadiri!
Ikaapat na First Time:
Nakakairita yung machine sa LRT 2. Nung nagpasok ba naman ako ng P50.00 ay sinuklian ako ng P42.00 na puro tig-pipiso. Mukha tuloy akong nanghingi ng limos sa sandamukal na barya sa aking bulsa.
Ikalimang First time:
First time kong muntik ng mawala sa may Recto. Buti na lang ay may mga taong handang tumulong sa iyo sa anumang oras.
Ayan. Ang daming nangyari ngayong araw. Nakakapagod.
"This is the first time..."
i know that i have loved you ... at 11:47 PM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities
Saturday, August 9, 2008
Projects, Periodic Tests, and Arrrrgh! Screw that!
Hiyess! Sa wakas, tapos na lahat ng First Periodic Test ngayong 4th year. Ayos lang naman. Maraming mahirap na subject. Nakakaiyak. Buti na lang maraming 'SCRATCH PAPER" ang nagkalat. Hehe.
Medyo nagugustuhan ko na Lawrence. Pero siyempre iba pa rin yung Hertz. Siguro nga, we're destined to be classmates this year and I'm thankful na kahit papaano matitino yung mga kaklase ko. Although yung iba hindi.
Halos tapos ko na lahat ng projects. T.L.E. na lang talaga problema ko! Waaaah! Wala kaming materials dito sa bahay at hindi ko alam kung paano gumawa. Goodluck na lang sakin. Math. Pffft. Di ko alam kung ano yung project doon. Basta may sasagutan dun sa binigay na maduming papel. Yun ung papel na brown na ginagamit kada periodic test. Ayun.
So. Ano ba balita tungkol sa buhay ko? Wala naman. Kakausad lang sa isang madugong pagsusulit. Next week, another quarter na naman. Sana kahit papaano matataas na marka ang aking makuha. Pagbubutihin ko na nga rin pag-aaral ko para kahit papaano ay makasagot ako kapag may test.
Napasa ko na rin pala Ateneo Form ko.
My Schedule is:
September 14, 2008.
Sunday.
12:00 pm - 5:00 pm.
Ateneo High School.
Room 23.
One month pa bago mag-ACET. Kinakabahan tuloy ako. Sana makapasa ako. Kaya ko to!
"This is the time of my life...."

i know that i have loved you ... at 6:11 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities
Saturday, August 2, 2008
UPCAT.
Ngayon araw naganap ang pinakahihintay ng nakararami, ang UPCAT.
August 2, 2008.
12:30 pm.
Institue of Physics.
Pavillion 3.
University of the Phillipines.
Diliman, Quezon City.
O ayan. Masaya ako at natapos na rin ang UPCAT. Maraming paghahanda din ang ginawa para lang sa araw na ito.
Ayos naman ang UPCAT. Para lang siyang Periodic Test. Pero hindi ito iyong basta bastang Periodic Test na minsan ikaw ay bumabagsak. Dito kailangan mong pumasa dahil ito ang makapagsasabi sa iyo kung ano ang magiging ikaw pagalaki mo.
Ako mismo ang humuhubog ng aking kapalaran. Anomang maliit na desisyong gagawin ko ngayong araw ay magkakaroon ng malaking epekto sa hinaharap. Ang simleng hindi paggawa ng assignment mo ay may malaking epekto kinabukasan. Cramming. Hay nako. Buhay nga naman.
Ang UPCAT ay nagaganap lamang 1 beses sa isang taon. Isang beses ka rin kukuha ng exam sa buong buhay mo. Sa isang beses na kukuha ka ng pagsusulit na ito ay kailangan mo ring ibigay ang lahat ng iyong makakaya para lang sa bagay na ito.
Ang isang simpleng panalangin ay makakapagdulot ng malaking bagay para sa isang tao. Ito ay mabisa sa lahat ng oras. Lagi mo lang tatandaan na ang Diyos kahit kailan ay hindi ka niya iiwan. Ikaw ay kanyang tutulungan, gagabayan, proprotektahan at siya rin ang magtuturo sa iyo ng tamang daan na dapat mong tahakin. Kailangan mo lang magtiwala sa kanya at mararating mo rin ang gusto mo puntahan.
Wag mo ring iisipin na hindi mo kayang maabot ang isang bagay. Isaisip mo na kaya mo itong gawin. Magtiwala ka sa iyong sarili na kaya mo ito.
Pagsamasamahin mo lahat ng nabanggit sa itaas at magiging maayos ang iyong palagay. Ako? Nagtiwala ako sa aking kakahayan at nanghingi ng katalinuhan na nagmumula sa Poong Maykapal para masagutan ko ang UPCAT.
Hinihiniling ko na sana lahat ng kumuha ng UPCAT ay makapasa. Goodluck!
I love God very much. Thank you for everything!
"There can be miracles, when you believe, though hope is frail, it's hard to kill,
Who knows what miracles you can achieve, when you believe, somehow you will
You will when you believe!"

i know that i have loved you ... at 7:58 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities