Sunday, March 16, 2008
Si Peter. Ang Panday ng Apoy.
Noong nakaraan ay nakilala na ng Circle of Friends si Melysa. Nagkaroon na sila ng bagong kakampi sa pagsupil kay Foroka, isang demonyo.
Tinatahak nila ang daan patungong Azotea, ang lugar kung saan matatagpuan ang sanktwaryo ng katalinuhan ni Kris. Sa kanilang pakikipaglaban kay Mumble noong nakaraan ay nasira ang espada ni Benjie. Ngayon. Kailangan nilang makahanap ng isang panday para umayos nito.
"Melysa, may kakilala ka ba na makakaayos ng espada ko?" tanong ni Benjie.
"Siyang tunay. Mayroon akong kakilala na isang panday sa Baryo Cupang. Malapit lang iyon mula dito. Maaari muna natin iyong puntahan nang maayos na ang iyong espada." sagot naman ni Melysa.
"Ayos! Pupunta na muna tayo sa Baryo Cupang para mapaayos na natin ang espada ni Benjie!" sabi ni Jedd na tila sabik sa mga magaganap.
Samantala....
"ANO?! Natalo nila si Mumble?! Magaling. Mas nagiging interasado ako sa Circle of Friends." sabi ni Foroka sabay tawa siya ng malakas.
"Uhhmmm.... Mahal na demonyong Foroka. Hayaan niyo pong ako na ang tumapos sa Circle of Friends. Magsisi sila sa pagpatay nila kay Mumble." sabi ni Doraemon.
"Sige! Siguraduhin mo lang na matatalo mo sila Doraemon kundi ikaw ang aking papatayin!" sabi ni Foroka.
"Masusunod." sagot naman ni Doraemon.
"Papunta sila sa maliit na baryo ng Cupang. Gamitin mo iyon para makapaghiganti ka. Sige. Humayo ka na!!!" sabi ni Foroka.
At umalis na si Doraemon sa pugad ni Foroka.
Nakarating na ang Circle of Friends at si Melysa sa Baryo Cupang.
"Mabuhay! Maligayang pagdating sa Baryo Cupang!" sabi ni Sylvia.
"Wow! Ang ganda pala dito!" sabi ni Alekx na manghang-mangha sa paligid.
"Oo nga. Ang liit ng lugar pero napakaganda ng lugar." sabi ni Sora.
"Ano pong maipaglilingkod ko?" sabi ni Sylvia.
"Kailangan po kasi namin ng isang panday na mag-aayos ng espada ng aking kaibigan." mahinhin na sabi ni Jedd.
"Isang panday po ba? Dito po nakatira ang pinakamagaling na panday sa buong mundo." sagot ni Sylvia.
"Siya ba si Peter? Ang Panday ng Apoy?" tanong ni Melysa na tila kilala niya ang taong kanilang hinahanap.
"Siyang tunay. Naroon po ang kanyang tirahan doon sa pinakamalaking puno. Sigurado pong matutuwa siya inyong pagdating." sabi ni Sylvia.
"Maraming Salamat!" sabi ni Benjie.
Umalis na ang apat at pumunta na sila sa bahay kung saan naroroon ang panday.
"Tok, tok, tok. Tao po?!" sabi ni Benjie.
Biglang bumukas ang pintuan.
"Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" sabi ni Peter.
"Uhmmm... Gusto po namin magpaayos ng espada." sabi ni Benjie.
"Ganun ba? Pasok kayo." malugod na tinanggap ni Peter ang panibagong trabaho.
Pumasok na sila sa loob. Mahahalata sa bahay ng Panday ay marami siyang koleksyon ng iba't-ibang uri ng espada.
"Upo kayo." sabi ni Peter.
"Maraming salamat po." sabi ng lima.
"Aha. Ang espadang ito ay hinulma pa sa Hertlandia, tama ba ako?" sabi ni Peter na tila gulat sa kanyang nakikita.
"Opo. Sa katunayan po ay bigay po iyan sa amin ng mahal na reynang Jeremae." sagot na Benjie.
"Ah... Si Jeremae. Isang mabait na reyna." sabi ni Peter.
"Oo nga po eh." sagot ni Jedd.
"Paano ba nasira ang isang matibay na espadang katulad neto?" tanong ni Peter.
"Naputol po kasi siya ng kalabanin namin si Mumble." sabi ni Alekx.
"Mumble? Isa sa mga alagad ni Foroka?!" sabi ni Peter.
"Opo. Yung Penguin. Medyo nahirapan nga kami sa pagtalo sa kanya eh." sabi ni Alekx.
"Si Mumble. Naaalala ko na siya. Lalo na ang demonyong si Foroka." sabi ni Peter na tila inaalala ang mga nangyari noong nakaraan.
"Bakit po ba? May nagawa po ba siyang masama sa inyo?" tanong ni Sora.
"Ganito kasi iyon. Bata pa ako noon ng mangyari ang insidenteng ito. Naglalaro ako noon ng apoy. Nabiyayaan kasi ako ng kapangyarihan na kontrolin ang apoy. Tinuturuan na kasi ako ng tatay ko na gumawa ng espada ng biglang dumating si Foroka at ang kanyang mga tauhan at kinuha nila ang aking buong pamilya. Nakuha kong makapagtago sa may bahay namin sa puno. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Maghihiganti ako sa kanila. Hinding-hindi ko siya mapapatawad." sabi ni Peter habang may luhang tumutulo sa kanyang mga mata.
"Wag ka mag-alala Peter. Kasama mo kaming pupuksa sa demonyong iyon. Pangako." sabi ni Jedd.
"Tama na ang drama. Sisimulan ko na ang pag-aayos ng iyong espada. Matatapos ko ito kinabukasan. Maaari na kayong matulog dito." sabi ni Peter at bigla na siyang nawala patungo sa kanyang laboratoryo.
"Maraming Salamat po." sabi ng lima.
Dumating na ang gabi at hindi na nakabalik ang panday. Abala siya sa paggawa ng espada ni Benjie. Sinisigurado niya na matatapos niya ito sa lalong madaling panahon. Sinisigurado din niya na maibabalik niya ang dating ayos nito.
Umaga na nang matapos ng Panday ang espada. Napakaganda nito. Naibalik ni Peter ang dating kinang sa talim ng espada. Sabi niya na ito ang espadang tatalo kay Foroka.
"Ito na ang iyong espada o." sabi ni Peter habang inaabot niya ang espada kay Benjie.
"Maraming salamat po!" sabi ni Benjie.
Sa gitna ng pagkwekwentuhan ay bigla silang nakarinig ng mga taong tumitili. At tila mga bahay na nasisira.
"Ano iyong ingay na iyon?" sabi ni Jedd.
"May kalaban. Sa tingin ko isa siya sa kampon ni Foroka." sabi ni Alekx.
Lumabas sila ng bahay upang malaman kung ano nga ang nagaganap.
"Aba! Nakita na natin ang Circle of Friends. Diyan lang pala kayo nagtatago. At sino iyon. Aking kaibigan. Ang Panday ng mga Apoy! Peter. Matagal na din tayong hindi nagkita!" sabi ni Doraemon.
"Kahit kailan ay hindi kita naging kabigan Doraemon!!!" sagot ni Peter.
"Aba. Sinasagot mo na ako ng ganyan ngayon. Pwes. Magsisisi ka! Boomerang Blade!" sabay atake si Doraemon.
"Ughhh..." Sabi ni Peter sa kanyang pag-iwas sa Boomerang.
"Magaling, magaling, magaling!" insulto ni Doraemon.
"Tumigil ka!" sabi ni Sora sabay pinatugtog niya ang kanyang plawta.
"Arrrrgggh! Anong nangyayari sa akin?!" sabi ni Doraemon na hirap na hirap.
"Buti nga sa iyo! Palaso ng Kabutihan!" sabi ni Jedd.
"Humanda kayo. Spiral Flash!" Iyon ang huling tira ni Doraemon.
Nakailag ang lahat pero si Alekx ay lubhang natamaan ng atake ni Doraemon.
"Ako ng tatapos sa iyo. Apoy ng Katapangan!" sabi ni Peter.
"HINDEEEE!!!" eto ang mga huling salita ni Doraemon matapos noon ay naging abo na lamang siya.
"Alekx. ALekx. ALEkx. ALEKx. ALEKX!!!!" naghihinagpis na sabi ni Sora.
"Alekx. Gumising ka." sabi ni Jedd.
"Magpakatatag ka. Kailangan pa natin maipaghiganti ang mga taong naagrabyado ni Foroka." sabi ni Benjie.
Nanghina ng lubusan si Alekx. Malubha ang kanyang mga sugat.
"Pagagalingin kita Alekx." matapos noon ay kinanta na ni Sora ang kantang may kakayahang magpagaling ngunit walang nangyari.
Ano na kaya ang nangyari kay Alekx?
Tuluyan na kaya siyang mawawala sa piling ng Circle of Friends?
Abangan...
i know that i have loved you ... at 2:27 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities