if i never see your face again ...
then i will find you and love you once more
time after time

Monday, March 17, 2008

Si Patty. Ang Apprentice ng Hangin.


Nasaksihan natin ang pagkamatay ng isa sa mga Circle of Friends. Si Alekx. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Tuluyan na ba siyang mawawala. Narito na ang ating kwento.

"Alekx. ALEKX!!!!! WAG MO KAMING IWAN!!!!" mahihinuha sa pahayag na ito ni Sora na siya ang pinaka-apektado sa pagkawala ng kanyang kaibigan.

"Tahan na Sora... Tahan na." sabi ni Jedd.

"Hindee! Hindi ako papayag. Hinding-hindi!" sabi ni Sora.

"Healing Voice!" kumanta siya ngunit walang nangyari.

"Healing Voiceeee!" ilang beses niyang inulit ngunit wala na talaga si Alekx.

"Sora. Wala na siya. Tanggapin na natin iyon." sabi ni Benjie habang may tumutulong luha sa kanyang mga mata.

"Wala man lang akong nagawa para protektahan siya. Hindi man lang natin nagamit ang payong na ibinigay sa atin ng pinakamagandang dilag sa ating imperyo na si Annalyn. Wala man lang akong nagawa! Napakasama kong kaibigan! Napakasama!!!!!" ito ang mga nasabi ni Sora.

Umiyak siya ng umiyak sa kanyang nawalang kaibigan. Ngunit may nangyaring hindi inaasahan. Noong tumulo ang luha ni Sora sa pisngi ng kanyang kaibigan ay biglang nagliwanag ang paligid.

"Anong nangyayari?" sabi ni Peter.

"Huh? May paparating! Mula sa langit. Bumukas ang lagusan patungong langit!" gulat na gulat si Jedd sa mga nangyayari.

"Alekx. Wag niyo muna kunin si Alekx. Huwag pa!" sabi ni Sora.

Ngunit may biglang sumagot sa kanya. Isang mahinhing boses ang biglang nagsalita.

"Wag kang mag-alala Sora. Hindi kami naparito para kunin na si Alekx." sabi ng isang anghel.

"Kung ganun, ano ang inyong pakay? Maaari ko bang malaman?" tanong ni Sora.

"Bago ang lahat. Ako nga pala si Kenna. Naparito ako upang buhaying muli si Alekx." sagot ni Kenna.

"Talaga po?" tuwang-tuwang sabi ni Sora.

"Oo. Alam ko kasing may mahalagang misyon kayong ginagawa." sabi ni Kenna.

"Maraming Salamat po!!!" sagot ni Sora.

"Resurrection Light!"

Sa pagbigkas ng mga salitang iyon ay bigla na lang lumutang ang katawan ni Alekx. Siya ay napapalibutan ng iba't-ibang kulay ng mga ilaw. Hanggang sa dahan-dahan siyang bumaba na may buhay.

"Sora! Benjie! Jedd!" masasabi na talagang masaya si Alekx sa kanyang muling pagbabalik.

"Alekx!" sabi ng apat.

"Maraming salamat po!" sabi ni Melysa.

"Walang anuman. Sige. Aalis na ako. Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay!" sabi ni Kenna sabay lipad na siya patungong langit kung saan nakatira ang mga anghel.

"Paalam!" sabi nilang lahat.

"Isang himala ang naganap! Totoong mayroong Diyos! Magdiwang!" sabi ni Peter.

"Alekx! Akala ko wala ka na! Pero masaya na ako. Nandito ka na at iyon ang importante." sabi ni Sora habang kayakap si Alekx.

"Maraming salamat guys! Salamat sa pag-aalala!" sabi ni Alekx.

"Halika na! Punta na tayo sa Azotea!" sabi ni Jedd.

"Maaari ba akong sumama sa inyong paglalakbay?" tanong ni Peter.

"Sige po ba! Tara na po!" sabi ni Melysa.

At nagpatuloy na sila sa kanilang paglalakbay patungong Azotea.

Sa kabilang dako... Sa himlayan ng Demonyong si Foroka.

"Binigo mo ako Doraemon! Ayan tuloy napala mo! Ahahahaha! Hmmm... Saan kaya ang susunod na madadaan nila?! Ahhh... Ang Bayan ng Tibag. Takoyaki Girl! Ikaw na ang bahala sa Circle of friends. Siguraduhin mong magagapi mo na sila!" sabi ni Foroka.

"Masusunod." sagot ni Takoyaki girl.

Sa Bayan ng Tibag....

Magkakaroon ng fiesta ng mga prutas at gulay sa mga darating na araw. Ito ay kanilang tradisyon na nagpapakita ng kanilang pasasalamat dahil sa kanilang masaganang ani. Lahat ay naghahanda para sa gaganaping okasyon.

"Maligayang pagdating sa aming lugar!" sabi ni Gia na nakasoot ng costume ng isang papaya.

"Ang galing! Isang papaya oh! Pero napakaliit naman niya para maging papaya." tukso ni Peter.

"Wag kang ganyan. Nasa banyaga tayong lugar kaya respetuhin natin ang mga bagay at mga taong naririto." sabi ni Jedd.

"Tama ka diyan Jedd!" sang-ayon ni Benjie.

"Ang pagdiriwang ay mangyayari bukas ng umaga. Inaasahan namin kayo doon! Maging masaya sana ang inyong pagbisita sa aming lugar!" sabi ni Gia.

Tunay ngang napakaganda ng lugar. Lahat ng bahay ay may iba't-ibang dekorasyon. Lahat din ng mga tao doon ay naka-costume ng prutas. Napakasaya at napaka-aliwalas ng lugar. Siguradong magiging masaya ang kanilang pagbisita sa Bayan ng Tibag.

Sa kanilang pagmamasid mayroon silang nakitang isang babae. Hindi siya nakadamit ng prutas o gulay. Nagtaka ang Circle of Friends kaya't nilapitan nila ang babae.

"Anong pong problema niyo, binibini?" tanong ni Melysa.

"Lumayo kayo sa akin!" sagot ni Patty.

"Nagtatanong lang naman kami. Gusto ka naming tulungan." sabi ni Peter.

"Wag niyo kong kausapin!" sabi ni Patty.

"Wag kang mag-alala. Wala kaming gagawing masama sa iyo. Handa ka naming tulungan." mahinhin na sabi ni Sora.

"Ayoko kasing makita ang pagdiriwang na gaganapin dito sa aming baryo. *sob* May masama kasing nangyari noong nakaraang taon. *sob* Ganitong araw din." sabi ni Patty.

"Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ni Alekx.

"Pinatay kasi ang aking pamilya. Walang awa nilang pinatay ang aking pamilya! Nakita ko sa aking dalawang mata kung paano sila kinitilan ng kanilang buhay! Mga walang hiya sila!" sagot ni Patty.

"Sino? Si Foroka ba?" tanong ni Peter.

"Oo. Ang walang hiyang Forokang iyon ang pumatay sa aking pamilya!!!! Maghihiganti ako sa kanya! Pagbabayaran niya lahat ng kanyang ginawa!" sabi ni Patty.

"Wag kang mag-alala. Kasama mo kami. Hindi ka namin iiwan. Gusto ka naming tulungan." sabi ni Jedd.

"Ganun po ba? Maraming salamat po!" sabi ni Patty.

"Tara pasok kayo sa aming bahay. May hinanda po kami."

"Maraming Salamat!" sabi ng anim.

Si Patty ay estudyante ng isang guro na nakokontrol ng hangin. Siya ay tinuturuang makontrol ang elemnto ng hangin. Siya ay kinupkop ng kanyang lola na kilala bilang Strawberry Shortcake. Magaling kasi siyang gumawa ng mga matatamis na pagkain at nakilala siya sa pag-gawa ng mga ganoon.

"Magandang araw po!"

"Magandang araw din sa inyo! Turista ba kayo sa aming lugar?" sabi ni Strawberry Shortcake.

"Opo. Napadaan lang po kami dahil po ay binigyan kami ng misyon ni reyna Jeremae." sagot ni Benjie.

"Ah. Ganun ba? Dito na kayo magpalipas ng gabi. Wala ng ibang lugar diyan na pwedeng pagtirahan ngayong panahong ito." sabi ni Strawberry Shortcake.

"Maraming Salamat po!!!"

Nagkwentuhan sila buong gabi. Napag-usapan nila ang mga iba't-ibang magagandang bagay na magaganap kinabukasan. Makalipas ng mahabang kwentuhan ay naisipan nilang matulog na. Sigurado sila na isang nakakapagod na araw ang magaganap bukas at kailangan nila ng lakas.

"Magandang Umaga!"

"Magandang Umaga din. Masayang araw ang naghihintay sa atin! Magpakasaya tayong lahat sa darating na fiesta!" sabi ni Strawberry Shortcake.

"Sigurado po iyan!" sabi ni Alekx.

Lumabas na sila sa bahay. Sa labas ay makikita ang isang mahabang lamesa punong-puno ng iba't-ibang putahe na gawa lamang sa mga prutas at gulay. Lahat ay nagsasaya na.

"Wow! Ganito pala magdiwang ang mga taong nandirito!" sabi ni Sora.

"Oo nga! Napakakulay ng buong paligid!" sabi ni Peter.

"Tradisyon na kasi sa bayan namin ang magpasalamat sa mga masasaganang aning aming natatanggap." sabi ni Patty.

Naistorbo lamang ng may isang dumating na hindi kanais-nais.

"Ako ba'y hindi imbitado sa piging na ito? Ang sama naman ng ugali ninyong hindi ako imbitahan. Takoyaki Bombs." sabi ni Takoyaki Girl.

"Hala! Kampon ni Foroka! Kailangan natin siyang matalo bago pa mapahamak ang lahat!" sabi ni Jedd.

"Go Circle of Friends!" sabi ni Benjie.

"Aba! Narito nga pala ang Circle of Friends. Humanda kayo sa inyong katapusan! Ahahahaha!" sabi ni Takoyaki Girl.

"Takoyaki Whip!"

"Kalasag ng Payong!" sabi ni Alekx.

Isang shield ang prumotekta sa buong Circle of Friends.

"Hyaaah!" sabi ni Benjie. Natamaan si Takoyaki Girl ng kanyang espada.

"Arggghhh! Takoyaki Blasters!"

"Aaaaah!"

"Winds of Admonishment!" sabi ni Patty,

"Ano to?! Bakit di ako makagalaw?! Walang hiya kayo Circle of Friends!" sabi ni Takoyaki Girl habang sinusubukan niyang pumiglas sa tali ng hangin na nagpapahirap sa kanya.

"Circle of Friends! Tapusin natin siya!" sabi ni Sora.

"Friendship Blast!!!"

"HINNNNNDDDDEEEEEE!!!!!" sabi ni Takoyaki Girl.

At biglang nawala si Takoyaki Girl. Natalo na siya ng Circle of Friends. Wala na siya.

"Yey!"

"Isa na namang kawal ni Foroka ang ating natalo!"

"Go Circle of Friends!"

Totoo ngang natalo na nila ang isa pa sa mga kampon ni Foroka. Ngunit marami pang dadating.

Malalagpasan pa kaya nila ito?

Magtatagumpay kaya sila sa kanilang misyon.

Subaybayan...

i know that i have loved you ... at 4:58 AM
fate crumbled all around 0 identities

` me. ;

    Photobucket
    Welcome to my blog.
    Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
    "Jedd" for short
    I am 15 years old.
    A third year student of Manila Science.
    Diligence
    Kepler
    Hertz
    DILIKEHERTZ

` here.waiting ;

` my music. ;

'let's talk.



^reminds;me*of

  • March 2009
  • December 2008
  • November 2008
  • October 2008
  • September 2008
  • August 2008
  • June 2008
  • May 2008
  • April 2008
  • March 2008
  • February 2008
  • January 2008