Saturday, March 15, 2008
Si Melysa. Ang tagapangalaga ng lupa.
Noong nakaraan ay nakilala na natin ang Circle of Friends.
Sila ay naatasang kunin ang MONACO mula kay Foroka, isang demonyo. Malayo ang kanilang lalakbayin patungong Okality. Ang Okality ay pinamumugaran ng mga demonyo at mga masasamang nilalang. Walang sinuman ang nakakalabas ng buhay dito.
Takot at pangamba ang namamayani sa apat. Paano nila magagapi ang isang makapangyarihang demonyo? Apat lang sila at pawang mga baguhan sa pakikipaglaban. At isa pa. Nasaan ang Okality?! Ito ang tanong na talagang nagpagulo sa kanilang isip.
"Paano natin mahahanap ang Okality?!" sabi ni Jedd.
"Abay malay ko sa inyo!" sagot ni Sora.
"Nye! Hindi niyo pala alam kung saan iyong pupuntahan natin eh." Sabi ni Benjie na parang nagyayabang.
"E ikaw alam mo ba?" sambit ni Alekxis.
"Hindi eh." nahihiyang sagot ni Benjie.
"E yun naman pala eh!" sabi ng tatlo. At bigla silang nagtawanan.
Binisita muna nila si Annalyn, ang pinakamagandang dilag sa imperyo ng Le Keplere, bago nila simulan ang kanilang paglalakbay. Kailangan kasi nila malaman ang daan patungong Okality. Gusto din nila malaman ang kahinaan ni Foroka.
"Ang Okality ay makikita sa pina-dulo ng ating mundo. Sinasabi ko sa inyo. Mahirap ang pumunta dito. Maraming mga halimaw ang nakapalibot sa lugar na iyon. Kaya't mag-iingat kayo." sabi ni Annalyn.
"Maraming salamat sa iyong impormasyon na ibinigay sa amin Annalyn!" sabi ni Jedd.
"May alam po ba kayong paraan kung paano namin magagapi ang demonyo?" sabi ni Sora.
"Patawarin ninyo ako dahil wala akong alam diyan." sagot ni Annalyn.
"Ayos lang iyon." ani ni Alekx.
"Teka. Heto dalhin ninyo ito." May inabot na payong si Annalyn.
"Ano ito?" sabi ni Benjie na nagtataka kung bakit siya binigyan ng payong.
"Makikita ninyo na isa lamang siyang payong. Ngunit kakaiba ito sa mga payong. Kapag ito'y inyong binuksan ay may lalabas na shield na magproprotekta sa inyo. Gamitin ninyo sana ito ng mabuti. " Iyon ang mga huling salitang namutawi sa bibig ni Annalyn.
"Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay! Siya nga pala. Puntahan ninyo si Kris sa kanyang sanktwaryo ng katalinuhan. Siguradong may makukuha kayong mahalagang impormasyon galing sa kanya. Makikita niyo siya sa may gubat ng Azotea. " Sabi ni Pauline, ang babaing nagtataglay ng pinakamahabang buhok sa lupain.
"Sige po!" sabi ng apat at papunta na sila sa sanktwaryo ng katalinuhan ni Kris.
Medyo malayo pa ang sanktwaryo ng katalinuhan ni Kris. Si Kris, sa pagkakaalam ng apat, ay ang pinakamatalinong salamangkero sa Hertlandia. Hawak niya ang kapangyarihan ng tubig.
Sa kabilang dako.
Nakaupo si Foroka sa kanyang trono.
"ANO?! Nagpadala si Reyna Jeremae na mula sa Hertzlandia para kunin ang MONACO na ngayon ay nasa akin!!! Hindi ako papayag! Mumble! Pumunta ka doon at patayin sila." sabi ni Foroka sabay alis.
"Masusunod po, mahal na Foroka..." sabi ni Mumble.
At iyon na nga. Pinadala na ni Foroka si Mumble, Isang penguin, para sugpuin ang apat na hinirang.
"Wow! May karnabal oh!" tuwang-tuwa si Alekx ng makita niya iyon.
"Alekx. Mas importante ang ating paglalakbay." sabi ni Benjie.
"Minsan lang naman to eh. Tsaka malay natin may mga tao dito na nakakaalam kung papaano puksain si Foroka." sagot naman ni Alekx.
"Oo nga naman Benjie. Magpakasaya na muna tayo ng sandali." Sabi ni Jedd na sabik na rin pumunta sa karnabal na iyon.
At iyon na nga. Nagpunta sila sa karnabal na iyon. Habang nasa rurok na sila sa pagkalibang ay nakita biglang dumating si Mumble. Ito na nga ba ang ikinakatakot ng apat. Ang madamay ang mga inosenteng tao sa kanilang misyon. Dali-dali nilang pinuntahan si Mumble upang kalabanin ito.
"Sino ka at ano ang pakay mo dito?" galit na tanong ni Soraya.
"Ako si Mumble at ipinadala ako ni Panginoong Foroka para patayin kayo!!!" sagot ni Mumble.
"Pwes! Hindi mangyayari iyan! Go Circle of Friends!!!" sabi ni Jedd.
Nagsimula na silang maglaban. Pinatugtog na ni Sora ang kanyang plawta ngunit nakailag si Mumble sa kanyang ataka. Ginamit ni Mumble ang kanyang atakeng "Icicle Spears" at natamaan ang apat. Hindi sila makagalaw. Malubha ang tamang kanilang natamo.
"Ahahaha! Ganyan pala kahina ang Circle of Friends! Pwes. Kamtin niyo na ang katapusan niyo!!!" sabi ni Mumble at hinanda na niya ang kanyang pinakamalakas na atake. Ang "Ice Explosion."
Nang gagawin na niya ito ay biglang may nagkulong sa kanya sa isang tipak ng lupa. Nagtaka ang Circle of Friends kung sino ang may gawa noon.
"Tapusin niyo na siya!" sabi ng isang binibining kumokontrol sa lupa.
"Sige!"
"Sama-samang kapangyarihan ng Circle of Friends. Hyaaah!" sabi ng apat. At biglang naglaho ng parang bula si Mumble.
"Yehey!" sabi ni Alekx.
"Ang ating unang tagumpay!" sabi ni Jedd.
"Asahan ninyong marami pang darating na ganyan." sabi ng babaeng tumulong sa kanila.
"Maraming salamat po. Sino po ba kayo?" tanong ni Sora.
"Ako ay si Melysa!!! Hawak ko ang kapangyarihan ng lupa." sabi ni Melysa.
Si Melysa ay ang pinakamahusay na payaso sa karnabal. Taglay din niya ang elemento ng lupa.
"Melysa. Napakahusay ng iyong ginawa. Maaari mo ba kaming tulungan." isang pakiusap mula kay Benjie.
"O sige ba. Nais ko na din namang puksain si Foroka. Dahil siya ang sumira ng aming kabuhayan. Sinira niya ang mga lupang sinasaka ng aking pamilya. Pagbabayaran niya ang lahat ng ginawa niya!" galit na sabi ni Melysa.
"Ganun po ba? Sige po. Maghihiganti po tayo." sabi ni Jedd sabay yakap kay Melysa.
Nakatagpo na sila ng bagong kakampi. Si Melysa. Ang tagapangalaga ng lupa.
Malalaman na kaya nila ang sikreto ni Foroka?
Ano pa kayang mga nilalang ang kanilang kakalabanin?
Abangan...
i know that i have loved you ... at 11:22 PM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities