if i never see your face again ...
then i will find you and love you once more
time after time

Tuesday, March 18, 2008

Si Kris. Ang Salamangkero ng Tubig.


Sa wakas... Narating na din ng Circle of Friends ang Azotea.

"Yes! Nasa Azotea na tayo!" sabi ni Jedd.

"Oo nga. Sa wakas mahahanap na natin ang kahinaan ng demonyong si Foroka!" sabi ni Sora.

"Nalalapit na rin ang kanyang katapusan!" sabi ni Benjie.

"O ano pang hinihintay niyo! Hanapin na natin ang sanktwaryo ng katalinuhan!" sabi ni Alekx.

"Teka... Saan ba ung saktwaryo ng katalinuhan?" tanong ni Peter.

"Uhhhmmm..." sagot ni Melysa.

"Ang sanktwaryo ng katalinuhan sa pagkakaalam ko..." sabi ni Patty. "ay pagmamay-ari ng isang salamangkero na si Kris. Marami ang nagsasabing hawak niya ang elemento ng tubig." pagpapatuloy ni Patty.

"Ahhh... Siya nga daw ang pinakamatalino sa lupain." dagdag ni Benjie.

"Tara! Hanapin na natin ang kanyang tirahan." sabik na sabi ni Alekx.

Nagpatuloy na sila sa paghahanap ng sanktwaryo. Malaki ang Azotea. Maraming mga puno at mga halaman ang naririto. Maganda ang lugar. Mahalimuyak at sariwa ang hangin. Tunay ngang kaaya-aya ang makapunta rito.

Dumako tayo sa lugar na puno ng kasamaan... Ang Okality.

"ARRRRGGGH!!! Punyetang mga Circle of Friends na iyan! Lagi na lang tayo natatalo! Nakakainis!!!!" sabi ni Foroka.

"Hmmmm.... Ano kaya ang pwede kong maging sunod na alagad?" pagpapatuloy ni Foroka.

"Ahhh! Alam ko na! Muning... Muning..." dagdag ni Foroka.

"Gene Mutation!!!"

"Maraming Salamat, Panginoong Foroka sa inyong pagbibigay ng buhay sa akin. Anong maipaglilingkod ko?" sabi ni Kitty Lady.

"Ah! Kitty Lady. Nais ko lang naman na patayin mo ang Circle of Friends!!! *evil laugh*" sagot ni Foroka.

"Yun lang po ba? Masusunod!" sabi ni Kitty Lady.

Medyo nahirapan sila sa paghahanap sa tirahan ni Kris. Mabuti na lang at may nasalubong silang lubos na nakakakilala sa salamangkero.

"Maaari po bang magtanong?" sabi ni Peter.

"Ano po ang aking maipaglilingkod?" sabi ni Ianna.

"Maari mo bang ituro sa amin ang daan patungo sa sanktwaryo?" tanong ni Melysa.

"Ahhh... Ang Magaling na Salamangkerong si Kris ba? Aba'y alam ko po kung nasaan iyon!" pagmamayabang na sabi ni Ianna.

"Bakit? Kaano-ano mo siya?" tanong ni Patty.

"Ako po ang kanyang estudyante. At ito po ang aking alaga. Si Xander." sabi ni Ianna habang kalong-kalong niya ang isang baboy.

"Huh? Alaga mo BABOY?" tila nanlalait si Jedd ng sabihin niya ito.

"Hindi po siya basta-bastang baboy. May kakayahan siyang lumipad at mag-shape-shift. Isa po siya sa pinakamagagaling na baboy sa balat ng lupa." sabi ni Ianna.

"Ah... Ganun ba?" tanong ni Alekx.

"Siyang tunay. Halina po kayo at puntahan na natin ang sanktwaryo." sabi ni Ianna.

"Tara na! Go Circle Of Friends!" sabi ni Sora.

"Ahooo! Ahooo!! Ahooo!!!"

Malaki ang sanktwaryo ng katalinuhan. Mahahalata mo na ang mga pundasyon ng sanktwaryong ito ay gawa lamang sa mahika. Isang magaling na salamangkero si Kris.

"Wow! Ang laki!"

"Oo nga! Kamangha-mangha!"

"Ito pala ang sinasabi nilang sanktwaryo ng katalinuhan..."

"Maganda ang pagkakagawa!"

"Astig!"

"Pasok na po tayo" sabi ni Ianna.

Pagpasok sa loob ay talagang namangha ang grupo. Punong-puno ng iba't-ibang koleksyon ng mga libro na mula sa iba't-ibang panig ng mundo. Libro dito, libro diyan. Kahit saang anggulo ay makakita ka ng mga libro.

"Ito po ang sanktwaryo ng katalinuhan." sabi ni Ianna.

"Ianna, mukhang may mga bisita tayo!" sabi ni Kris.

"Sa katunayan ay mayroon po! Sila po ang Circle of Friends. May nais daw po silang tanungin mula sa inyo." sabi ni Ianna.

"Ganun ba? Sabihin mong maghintay lang sila ng sandali sapagkat matatapos na ang aking potion para maging tao na ni Xander." sabi ni Kris.

"Maraming Salamat po!!!" tuwang-tuwa si Ianna ng marinig ang balita.

"Halina kayo. Ipapakita ko sa inyo kung papaano ko nagagawa ang aking mahika. Ianna, dalhin mo na si Xander." sabi ni Kris.

"Masusunod po." sabi ni Ianna.

Pumunta sila sa isang maliit na kwarto. Ito ay puno ng iba't-ibang potion at mga kagamitan sa paggawa nito. Dito susubukan ang bagong gawang potion ni Kris.

"Handa ka na ba Xander?" tanong ni Kris.

"Oink! Oink" sagot ni Xander.

Unti-unting pinatak ang potion sa katawan ni Xander. Nagkaroon ng ilang sandali ng may biglang nangyari.

"Oink. Tao na ako!" sabi ni Xander.

"Wow! Salamat po talaga!" sabi ni Ianna.

"Astig! Ang galing niyo po Kris!" sabi ng Circle of Friends.

"Ano ba ang gusto ninyong malaman sa akin?" tanong ni Kris.

"Pwede po ba nating pag-usapan ito ng tayo-tayo lang?" pakiusap ni Patty.

"Sige. Doon tayo sa aking obserbatoryo." sabi ni Kris.

Maraming mga hagdanang pinagdaanan ang grupo. Nasa pinkatuktok kasi ng sanktwaryo ang obserbatoryo. Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin sila.

"Ito ang aking obserbatoryo! Sige. Humanap na kayo ng inyong mauupuan." sabi ni Kris.

"Ano na ang aking maipaglilingkod ko sa inyo?" pagpapatuloy ni Kris.

"Gusto po namin kasing itanong ang mga kahinaan ni Foroka..." sabi ni Jedd.

"Ahhhh... Ganun ba? Sige. Ikikwento ko na lang ang kanyang buhay tutal siya naman ay naging ampon kong kapatid." sabi ni Kris.

"Umuulan noon at habang papauwi ang aking mga magulang ay nakarinig sila ng iyak ng isang bata. Iyon si Foroka. Isa siyang sanggol. Kinupkop siya ng aming pamilya dahil wala siyang pagtitirahan. Inalagaan siya ng aking mga magulang. Tinuring siyang anak. Nang ako'y dumating sa mundong ito..." napahinto si Kris. "puro kasamaan ang umiikot sa kanyang isip. Ilang beses na rin niya akong pinagtangkaang patayin. Ito ang patunay." ipinikita ang kanyang peklat sa kanyang mukha. Hindi ito gaano kalaki ngunit mahahalata na malalim ang pagkakasugat nito.

"Ano po ang nangyari diyan?" tanong ni Peter.

"Kumuha siya ng kutsilyo at sinubukan niya akong patayin. Mabuti na lang at ito nga lang ang napala ko eh. Nandun kasi ang aking mga magulang kaya nailigtas nila ako sa tiyak na kapahamakan." pagpapatuloy ni Kris. "Matapos noon ay nagkulong siya sa kanyang kwarto. Isang araw nadiskubre namin na gumagamit siya ng kapangyarihang itim. Dahil doon napagalitan siya at dahil sa inis siya ay naglayas. Matapos ng insidenteng iyon wala na kaming balita tungkol sa kanya. Hanggang sa dumating ang araw na nagsimula na siyang magkalat ng lagim." sabi ni Kris.

"Ah. May alam po ba kayong paraan kung papaano matatalo si Foroka?" tanong ni Benjie.

"Kung magsasama-sama lahat ng elemento siya ay magagapi...." sagot ni Kris.

"Huh? Paano po iyon?" tanong ni Alekx.

"Kailangang magsama-sama ang apat na elemento. Iyon ay para maglaho na ang kadiliman." saot ni Kris.

"Hindi ko pa rin po maintindihan? Bakit po siya pumapatay? Ano ang kanyang pakay?" tanong ni Sora.

"Hindi ko rin alam kung bakit siya pumapatay. Ang alam ko lang ay gusto niyang maghari ang kadiliman sa buong mundo." sagot ni Kris.

"Ang ibig sabihin po ba eh. Kailangan magsasama-sama ang mga taong may hawak ng mga pangunahing elemento? Tulad ng apoy, tubig, hangin, at lupa?" tanong ni Melysa.

"Nangyari na rin iyan sa ating kasaysayan. Marami ang nagsasabi kapag nagsama na lahat ng may hawak ng mge elementong iyon ay lalabas na ang Relic Bearer." sabi ni Kris.

"Relic??? Bearer???" tanong ni Peter.

"Tama ka dyan. Relic Bearer. Siya ay si Jera. Siya ang pinakamakapangyarihan at siya ang nagbibigay at nagpapanatili ng balanse sa ating mundo." dagdag ni Kris.

"Ibig sabihin ba tayong apat ang tinutukoy sa kasaysayan?" tanong ni Patty.

"Tayong apat?" tanong ni Kris.

"Kayong apat po. Kayo po ang napiling tagapagmana ng mga elemento." sagot ni Jedd.

"Nagmana ng mga elemento? Ang alam ko isa lang itong alamat." sabi ni Kris.

"Totoo po iyon. Sa katunayan po ay kumpleto na po kayo." dagdag ni Benjie.

"ANO? Ang apat na napiling magpanatili ng balanse sa ating mundo ay nabubuhay pala?" sabi ni Kris.

"Opo. At kayong apat po iyon." sabi ni Sora.

"Si Melysa ang tagapangalaga ng lupa. Si Peter ay ang Panday ng apoy. Si Patty ay ang Apprentice ng hangin at kayo po ay ang... Salamangkero ng Tubig." sabi ni Alekx.

"Di ako makapaniwala. Akala ko ang aking kapangyarihan ay normal lamang dahil ito ay katangian din ng aking pamilya. Pero. Ako? Magliligtas ng mundo? Di kapani-paniwala!" sabi ni Kris.

"Totoo po iyon Kris. Lahat ng nandirito ay totoo. Lahat ng iyong nakikita ay totoo. Hindi siya gawa ng iyong imahinasyon. Ito ay ang realidad. At dito dapat tayong mabuhay. Dapat natin siyang tanggapin." sabi ni Patty.

Nagkaroon ng kaunting katahimikan. Nang biglang...

Braaag. Crrraaccckkk! BANNNGGG...

"Placenta Blasters!!!" sabi ng isang babaeng nasa ibaba ng sanktwaryo.

"Lumabas kayo diyan Circle of Friends! Alam kong nandyan lang kayo!" kanyang pagpapatuloy.

"Huh? Sino iyon?" sabi ni Peter.

"Isang pusang mukhang tao?" sabi ni Benjie.

"O di naman kaya'y tao na mukhang pusa?" dagdag ni Jedd.

"Sa tingin ba ninyo kampon ulit siya ni Foroka?" tanong ni Alekx.

"Malamang!" sabi ni Melysa.

"Sino pa ba ang maghahanap sa atin. Diba siya lang?" sabi ni Patty.

"Siya siguro si Kitty Lady!!!" nagpatawa si Sora.

"Tama na ang pagtatawanan. Bumaba na tayo. Baka masira pa ang aking sanktwaryo!" sabi ni Kris.

Dali-dali silang bumaba at tumungo sila sa labas ng sanktwaryo.

"Nandito lang pala kayo! Ahahaha! Humanda kayo! Placenta Blasters!" sabi ni Kitty Girl.

"Kalasag ng Payong!"

"Apoptosis Acid!"

"Magical Arrow!"

"Arrrrgh! WBC ACID RAIN!!!!!"

"Earth Barrier!"

"Nauubos na pasyensya ko!!! Histamine Explosion!!!"

"Tsunami Blast!"

"Ouch! Endougenous Pyrogen Rays!"

"Sword of Lightning!"

"Grrrrr... Erectile Tissue Bombs!"

"Winds of Admonishment!!!"

"Ano?!! Hindi ako papayag!"

"Circle of Friends!!! Strike of the Stars!"

"Ahhhhh!" at dahil doon naglaho na si Kitty Girl.

Nalaman na nila kung papaano matatalo si Foroka. Nakatagpo na rin sila ng mga kaalyadong tutulong sa pagsupil sa kanya. Hinding-hindi na mapipigilan ang kanilang mithiin. Ang maibalik ang dati. Ang maayos at payapang mundo.

Sino itong Relic Bearer na nakasaad sa alamat?

Siya na ba ang susi para maayos na ang lahat?

Magtatagumpay pa din ba ang ating grupo?

Abangan....

i know that i have loved you ... at 8:17 AM
fate crumbled all around 0 identities

` me. ;

    Photobucket
    Welcome to my blog.
    Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
    "Jedd" for short
    I am 15 years old.
    A third year student of Manila Science.
    Diligence
    Kepler
    Hertz
    DILIKEHERTZ

` here.waiting ;

` my music. ;

'let's talk.



^reminds;me*of

  • March 2009
  • December 2008
  • November 2008
  • October 2008
  • September 2008
  • August 2008
  • June 2008
  • May 2008
  • April 2008
  • March 2008
  • February 2008
  • January 2008