Wednesday, March 19, 2008
Si Jera. The Relic Bearer.
Matapos ang kanilang laban kay Kitty Girl napagdesisyunan ng Circle of Friends na puntahan ang templo ni Jera.
"Kailangan na natin buhaying muli si Jera!"
"Ngunit saan ba ang kanyang templo?"
"Isa lang iyong alamat!"
"Malay natin meron diba?"
"Paano tayo nakakasiguro kung tunay nga na mayroong Relic Bearer?!"
"Diba nakasaad sa alamat na dapat magsama-sama ang apat na pangunahing elemento?"
"Syang tunay pero...."
"Pero ano?!"
"Pero paano natin mapapalabas ang templo? Ano ang mga dapat gawin?"
"Tama ka.Pero kailangan pa rin nating subukan!"
Habang nag-aaway ang Circle of Friends...
Nagpaplanong muli si Foroka kung paano sila mawawala sa mundong ito.
"ARRRGGGGH!!! Nakakainis na yang Circle of Friends! Humanda sila sa akin! Dahil ako na mismo ang papatay sa kanila!!!" sabi ni Foroka.
"Ngunit mahal na Foroka. Papaano kung matalo din kayo nila?" sabi ni Grimace.
"Ayaw mo akong maglaho Grimace. Pwes. Ikaw ang aking ipapadala para sila ay tapusin mo! Ahahahahaha!" sabi ni Foroka.
"Pero....."
"Walang pero-pero. Humayo ka at tapusin sila!"
"Sige po..."
Hindi man naisin ni Grimace ang kanyang gagawin ay napilitan pa rin siyang sundin ito.
Malayo rin ang kanilang nilakbay para makarating rito. Ang Maceda. Dito nakahimlay ang templo ni Jera, ang Relic Bearer.
"Sa wakas! Narito lang pala ang templo!" sabi ni Benjie
"Totoo ang alamat!" sabi ni Peter.
"Tara. Pumasok na tayo sa loob." sabi ni Sora.
Pumasok na sila sa loob ng templo. Malaki ang templo. Sa mga haligi ng templo ay makikita ang iba't-ibang relics. Ito ay nasa iba't-ibang hugis at laki. Lahat ay nagkaroon ng malaking parte sa pagpapanatili ng balanse sa pagitan ng liwanag at kadiliman.
"Wow!" sabi ni Alekx
"Ang mga relics..... ang dami nila!" sabi ni Melysa.
Muli silang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakapunta sila sa isang malaking kwarto. Nasa kwartong ito ang istatwa ni Jera.
"Siya ba si Jera?" sabi ni Jedd.
"Siya ba ang tinaguriang Relic Bearer ng alamat?" sabi ni Kris.
"Marahil siya na nga iyan." sabi ni Patty.
"Tignan mo ang pagkakaukit sa kanya." sabi ni Peter.
"Napakagaling ng gumawa nito!" sabi ni Melysa.
"Tignan niyo. May relic siyang hawak!" sabi ni Sora.
"Oo nga!" sabi ni Alekx.
"Pero anong klaseng relic kaya iyon?" tanong ni Benjie.
"Marahil yan ang kanyang huling relic na ginamit sa pagliligtas sa ating mundo." sagot ni Jedd.
"Teka teka! Naguguluhan ako! Ano ba ang mga relic?" tanong ni Patty.
"Ang mga relic ay mga bagay na ginagamit para mailigtas ang kahit sino o kahit ano sa kapahamakan." sagot ni Kris.
"Mailigtas? Sa kapahamakan?" sabi ni Peter.
"Oo. Ito ay nagtataglay ng kapangyarihan upang mailayo tayo sa tiyak na kapahamakan." sabi ni Kris.
"Ito rin ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon sa mga bagay-bagay." dagdag ni Sora.
"Naikwento sa amin ni Reyna Jeremae na noong unang panahon ginamit ang relic upang matigil ang digmaan sa Hertzlandia." sabi ni Jedd.
"Siyang tunay. Ganyan rin ang nangyari sa imperyo ng Le Keplere. Gumamit si Reyna Bon ng relic upang magapi niya ang kanyang mga kaaway." sabi ni Benjie.
"Talaga. Ang alam ko mga makakapangyarihang tao lang ang pwedeng gumamit nito." sabi ni Melysa.
"Oo. Tama ka diyan Melysa." sabi ni Alekx.
"Kaya din kaya natin makagamit nito?" tanong ni Patty.
"Siguro." sagot ni Alekx..
"Makapangyarihan naman tayo ah?" sabi ni Sora.
"Di natin alam...." sabi ni Jedd.
"Hayyy...." sabi ni Patty.
Makalipas ng ilan sandali ay nakaramdam sila ng lindol.
"Ano iyon?" sabi ni Jedd.
"Mukhang may kalabang paparating!" sabi ni Peter.
"Sino naman kaya iyon?" sabi ni Alekx.
"Hindi natin alam." sabi ni Melysa.
"Baka isa siya sa kampon ni Foroka." sabi ni Benjie.
"Si Foroka lang naman ang ating mortal na kaaway eh." sabi ni Patty.
"Malapit na siya." sabi ni Sora.
"Maghanda na tayo!" sabi ni Kris.
Sa lagusan ng kwarto ay may biglang lumabas na isang kulay lila na halimaw.
"Sabi ko na nga ba't naririto lang kayo." sabi ni Grimace.
"Sino ka at anong gusto mong mangyari?!" sabi ni Peter.
"Ako si Grimace at narito lang naman ako para tapusin kayong lahat!" sabi ni Grimace.
"Trigonometric Seals of Entrapment!" atake ni Grimace.
"Ahhhh!"
"Hindi kayo makakalabas diyan. Isang taong matalino lang sa Matematika ang makakalabas diyan. Ahahahahaha!" sabi ni Grimace.
"Ah. Ganun ba?!" pagmamayabang ni Benjie.
"Huh?! Bakit ka naririto?! Dapat nasa loob ka!" sabi ni Grimace.
"Matalino ata ako sa Matematika." sabi ni Benjie.
"Ano?! Humanda ka!" sabi ni Grimace.
"Benjie! Kunin mo itong kapa!" sabi ni Alekx.
"Ok! Hindi mo ko makikita! Ahahaha. Hanapin mo ako." sabi ni Benjie.
"MSA Card Cutters!"
"Whoah!"
"Angle of Elevation Beam!"
"Sword of the Storm!"
"Haha! Angle of Depression Rays!"
"Ahhhh!"
"Benjie!!!!"
"Ahahaha. Sino pang lalaban sa akin?!"
"Wala na tayong pag-asa." sabi ni Jedd.
"SohCahToa Explosion!!!"
"Arrrrrrrrrgggggggggggggggghhhhhhhhhhhhh"
"Nagkakamali ka diyan!" sabi ng isang boses.
"Huh?"
"Sino yan? Ang liwanag ng paligid!" sabi ni Kris.
"Ako si Anika. At narito ako para ibigay sa inyo ang apat na brilyante." sabi ni Anika.
"Brilyante?" tanong ni Patty.
"Oo. Mga Brilyante. Matagal na dapat ito sa inyo pero ngayon ko lang maibibigay." sabi ni Anika.
"Ngunit para saan ito?" tanong ni Peter.
"Malalaman niyo din iyan." sabi ni Anika at bigla na siyang naglaho.
"Teka lang!" sabi ni Melysa.
"Wala na siya." sabi ni Kris.
"Ano pang hinihintay niyo! Gamitin niyo na iyan!" sabi ni Alekx.
"Oo nga! Bilis!" sabi ni Jedd.
"Gamitin niyo na ang mga brilyante para makalabas na tayo dito!" sabi ni Sora.
"BRILYANTE NG LUPA!" sabi ni Melysa.
"BRILYANTE NG APOY!" sabi ni Peter.
"BRILYANTE NG HANGIN!" sabi ni Patty.
"BRILYANTE NG TUBIG!" sabi ni Kris.
Nagkaroon ng iba't-ibang liwanag na nanggagaling sa kanilang mga brilyante.
"Hyes!" sabi ni Benjie na nahihirapan.
"Humanda ka Grimace!" sabi ng Circle of Friends!"
"SOHCAHTOA EXPLOSION!!!"
"Astro Laser!"
"AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!" sabi ni Grimace at bigla na lang siyang naglaho.
"Yey!"
"Benjie, Ayos ka lang?" sabi ni Sora.
"Ayos lang ako." sabi ni Benjie.
"Tignan niyo! Ang mga brilyante." sabi ni Jedd.
"Oo nga!" sabi ni Alekx.
Ang mga brilyante ay luminya sa harap ng estatwa ni Jera. At biglang nagkaroon matinding liwanag.
"Ahhh"
Ilang saglit pa ang estatwa ay muling nabuhay. Ang Relic Bearer na si Jera ay muling nagbalik.
"Bakit ninyo ako ginising mula sa aking pagkakatulog?" sabi ni Jera.
"Nais po namin ang iyong tulong sa pagpuksa sa kasamaan." sabi ni Kris.
"Laganap na po ang kasamaan dito sa ating mundo." sabi ni Melysa.
"Kung pwede po sana ay tulungan ninyo kami." sabi ni Peter.
"Tulungan niyo po kaming magapi ang kasamaan!" sabi ni Patty.
"Ganun ba? Sige. Sasama ako." sabi ni Jera.
Nakuha na nila ang tulong ng Relic Bearer. Haharapin na nila si Foroka.
Magtatagumpay ba sila sa pagpuksa sa kasamaan?
Ano-ano pa kayang mangyayari sa ating grupo.
Abangan...
i know that i have loved you ... at 8:27 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities