if i never see your face again ...
then i will find you and love you once more
time after time

Friday, March 21, 2008

Holy Alliance!


Nagpalipas muna sila ng isang gabi sa Maceda bago pumunta sa Okality. Bukas na kasi ang araw na kanilang pinakahihintay. Ang araw na kung saan mababawi na nila ang Monaco. Ang araw na kung saan matatapos na lahat ng kasamaan ni Foroka. Bukas na bukas. Maibabalik na rin ang lahat sa dati.

Tahimik ang gabi. Tanging ang mga ingay lang ng mga insekto ang iyong maririnig. Hindi mapakali ang Circle of Friends. Kinakabahan sila sa kung ano man ang mangyayari kinabukasan.

"Huwag kayong matakot." sabi ni Melysa na sinusubukang pakalmahin ang grupo.

"Nakarating na rin tayo dito. Wag na tayong uurong." sabi ni Jedd.

"Laban kung laban!" sabi ni Peter.

"Kailangan na nating tapusin ang paghahari ni Foroka!" sabi ni Alekx.

"Tama! Sayang naman ang mga taong umaasa sa atin!" sabi ni Sora.

"Sayang ang mga pangarap ng bawat tao." sabi ni Benjie.

"Wag natin silang bibiguin." sabi ni Kris.

"Magpakatatag kayo aking mga hinirang. Naaalala ko pa nung kinailangan din ako ng buong mundo. Maraming buhay ay nasayang sa pakikipaglaban. Maraming inosenteng tao ang nadamay. Masakit. Sobrang sakit. Kaya magtiwala kayo sa inyong mga sarili. Wag ninyong hahayaan ang inyong mga kinakatakutan ay balutin kayo. Maniwala kayo na magtatagumpay kayo. Wag kayong kakabahan. Maging determinado kayo sa pagpuksa sa kasamaan. Kaya natin yan Circle of Friends. Magagapi na rin natin ang kasamaan." sabi ni Jera.

"Kaya natin yan!"

Mahimbing nakatulog ang grupo. Tila lubos na ang kanilang pagtitiwala sa kanilang sarili. Alam kasi nila na kaya nilang magtagumpay kung kaya maniniwala lang sila.

Kinaumagahan...

"Matagal din tayong hindi nagkita Circle of Friends." sabi ng isang pamilyar na boses.

"Reyna Jeremae!!!"

"Mabuti naman at naaalala niyo pa rin ako. Kumusta na kayo?" sabi ni Jeremae.

"Mabuti naman po." sabi ni Sora.

"Ano po ang pakay ninyo?" tanong ni Jedd.

"Nandito ako para sumama sa inyo. Sa inyong pakikipaglaban kay Foroka." sagot ni Jeremae.

"Talaga po ba?" tanong ni Alekx.

"Oo. Nagdala pa nga ako ng mga makakatulong natin sa pakikipaglaban." sagot ni Jeremae.

"Sila po ba iyon?" sabi ni Benjie sabay turo doon sa grupo ng mga taong nasa kanyang likuran.

"Sila ang KWAH. Magagaling silang makipaglaban. Marami na rin silang nagaping mga halimaw. Sila ang nagprotekta sa kaharian ng Hertlandia noong nagkaroon ng giyera." sagot ni Jeremae.

"Magandang araw!" sabi ni Dhea.

"Magandang araw din po!"

"Kami nga pala ang KWAH na handang tumulong sa inyo." sabi ni Jake.

"Ganun po ba?" tanong ni Sora.

"Siyang tunay! Sa katunayan nagiging robot kami!" pagmamayabang ni Erald.

"Talaga po?!" tanong ni Benjie.

"Syempre naman. Ako ata ang pinakamakisig at pinagwapo sa balat ng lupa." sabi ni Jaycee.

"Nye." sabi ni Jedd.

"Ok Guys! Formation!" sabi ni J.A.

"KWAH VOLT IN!"

"Wow!" sabi ni Alekx.

"Mag-ingat ka! Wag mong hahawakan ang robot namin. Baka ikaw ay masunog." sabi ni Adrian.

"Ok." sabi naman ni Alekx.

Biglang nagdilim ang kalangitan at isa-isang bumaba ang mga parte ng katawan ng kanilang robot. Tila isang biyaya ng langit ang pagkakabuo nito.

Unti-unting nabubuo ang robot ng Kwah. Makalipas ng ilang sandali ay nabuo na rin ito.

"BOLTEZ KWAH!"

"Mahusay!" sabi ni Benjie.

"Ngunit paano sila babalik sa dati?" tanong ni Sora.

"Madali lang yan kaibigan." sagot ni Arnan.

"KWAH VOLT OUT!"

At dahan-dahang bumalik sa kalangitan ang robot.

"Huwag na kayong magsayang ng inyong enerhiya KWAH! Isang malaking laban ang ating kakaharapin. Magpahinga muna kayo." sabi ni Jeremae.

"Ok po."

Lumipat ang kanyang tingin sa Circle of Friends.

"Siya nga pala. Mayroon akong regalo sa inyo." sabi ni Jeremae.

"Ano po iyon?" tanong ni Jedd.

Pumito si Jeremae at biglang nagsidatingan ang iba't-ibang klaseng nilalang.

"Sila ang inyong mga bagong makakasama sa ating paglalakbay. Sila ang magiging alaga ninyo magmula ngayon." sabi ni Jeremae.

"Sora. Sa iyo ko ipinagkakaloob ang Griffin. Dahil sa tibay ng iyong loob sa pagharap sa mga suliranin."

"Wow!" sabi ni Sora.

"Alekx. Pegasus naman ang sa iyo. Dahil sa payapa mong pakikitungo kahit ang mismong kaharap mo na ay ang iyong sariling kaaway."

"Maraming salamat!" sabi ni Alekx.

"Jedd. Narito ang phoenix para sa iyo. Dahil sa nag-aalab na determinasyon mong makuha ang iyong minimithi."

"Astig!" sabi ni Jedd.

"At Benjie. Ito ang Dragon. Dahil sa malawak mong pag-iisip at sa taglay mong katapangan."

"Whoah!" sabi ni Benjie.

"Kailangan na nating magmadali. Kailangan na nating mapuksa ang ating kalaban." sabi ni Jeremae.

Nagkakaroon din ng pulong ang apat na nagmamay-ari ng elemento.

"Ang mga brilyante ninyo... Pakaingatan niyo ito. Gamitin lang kapag kinakailangan." sabi ni Jera.

"Masusunod po!"

"Tawagin niyo lang ang inyong mga brilyante at magkakaroon kayo ng pakpak." sabi ni Jera.

"BRILYANTE NG LUPA!"

"BRILYANTE NG APOY!"

"BRILYANTE NG HANGIN!"

"BRILYANTE NG TUBIG!"

Unti-unting nagkapakpak ang apat. Binubuo ito ng kumikinang na mga balahibong naayon sa elemento ng apat.

Kayumanggi para kay Melysa.

Pula para kay Peter.

Berde para kay Patty.

At Asul naman ang kay Kris.

"Astig!"

Ilang sandali pa ay nagsimula na sila sa kanilang paglalakbay.

"Handa na ba kayo?!" sabi ni Jeremae.

"Handa na kami!"

"Handa na kami!"

"Handa narin kami!"

"Kung gayon ay tayo na!"

Ang Circle of Friends ay sumakay na sa kani-kanilang mga alaga.

Ang mga hinirang ni Jera ay handa ng lumipad gamit ang kanilang pakpak.

Ang KWAH ay naging robot muli.

Sila na ngayon ang Holy Alliance.

Isang samahan na ang tanging mithiin ay mapuksa na ang kasamaan.

Handa na silang kalabanin si Foroka.

Sa kabilang dako...

Naghahanda na rin si Foroka para sa nalalapit na digmaan.

"Ahahahaha! Humanda kayo sa akin! Pagsisisihan ninyo na ako ang inyong kinalaban! Ahahaha!" sabi ni Foroka.

Nalalapit na ang katapusan ng ating kwento.

Tuluyan na kayang mapupuksa ang pwersa ng kadiliman?

O baka naman tuluyan na itong maghari sa buong mundo?

Ano kaya ang mangingibabaw?

Ang kabutihan?

O ang kasamaan?

Abangan....

i know that i have loved you ... at 3:11 AM
fate crumbled all around 0 identities

` me. ;

    Photobucket
    Welcome to my blog.
    Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
    "Jedd" for short
    I am 15 years old.
    A third year student of Manila Science.
    Diligence
    Kepler
    Hertz
    DILIKEHERTZ

` here.waiting ;

` my music. ;

'let's talk.



^reminds;me*of

  • March 2009
  • December 2008
  • November 2008
  • October 2008
  • September 2008
  • August 2008
  • June 2008
  • May 2008
  • April 2008
  • March 2008
  • February 2008
  • January 2008