if i never see your face again ...
then i will find you and love you once more
time after time

Thursday, March 27, 2008

Hertz. My Beloved Section.


Ito na post ko about sa Hertz.

Masaya ako sa Hertz Dahil:


Nandyan si Trigo Frend. Lagi niya akong napapangiti kada nag-uusap kami. Kahit medyo mabigat ang kamay nito di ko pa rin siya makakalimutan.

Nandyan din si Lollipop. Hindi ko akalain na magiging close kami ng ganito. Mamimiss ko mga yakap at kung ano-ano pang pinaggagawa naming kalokohan. Walang kalimutan ah.

Nandyan si Benjo. Napakatalino neitong batang ito. Bespren namin siya at laging naming kasama. Masarap kasama pero medyo lagi akong napagtritripan. Hoy Benjo! Relic ah.

Nandyan ang Makisig at Gwapo "daw" na si Kuya Jaycee. Naging parang kuya siya sa akin. Masyado siyang maaalalahanin sa kapwa niya. Mabait din siya pag tinotopak. Kuya Jaycee Good Luck!

Nandyan si Sugar. Kahit hindi kami masyado naging close neto ay sinubukan niya pa rin makipagkaibigan sa akin. Naging mabuti kang kaibigan at maraming salamat sa lahat!

Nandyan si Jakey. Nakakagulat isipin na ang isang magulong batang ito ay aking makikilala ngayong 3rd year. Hindi man kami naging ganun kaclose, naramdaman ko pa din ang kanyang pag-aalala. Thanks for being my friend.

Nandyan si Bespren Arnani. Grabe to ah. Kahit papaano ay nag-oopen to sa akin which is na-a-appreciate ko nang lubusan. Hinding-hindi rin kita malilimutan.

Nandyan si Tito Renz. Wow! Di ko akalain na magiging kaibigan ko siya. Di ko akalain na rerespetuhin niya ako. Unexpected talaga lahat. Salamat sa respeto at pagmamahal na ibinigay mo sa akin!

Nandyan si Donut. Peterrr! Isa ka sa mga taong sobra-sobra kong mamimiss! Hinding-hindi ko kakalimutan ang mga moments na magkakasama tayo. Salamat talaga sa lahat. Salamat dahil isa ka sa naging matalik kong kaibigan. Hinding-hindi kita makakalimutan. Pangako iyan

Nandyan si Papa Dri. Waaah! Mamimiss ko yung "uod" mo! Adrian! Mamimiss talaga kita! Ang bait bait mo pala talaga.

Nandyan si Kristofather. Hindi ko talaga ma-imagine na isa ka sa mga naging importanteng tao sa aking buhay 3rd year. Alam ko na magkaklase tayo next year. Pero Maraming Maraming Salamat talaga dahil isa ka sa mga taong sinubukang umintindi sa akin. Isa ka sa mga taong nagmahal sa akin. At asahan mo na magiging ganun din ako para sa iyo. I love you Fader!

Nandyan si Andre. Ah. Ito. Di ko ito makakalimutan. Kung wala siya sa Hertz wala kaming mascot. Wala kaming mapagtritripan. Pero masaya ako dahil ngayong taon mas lalong tumibay ang pagkakaibigan natin na talagang ibang-iba nung 1st year.

Nandyan si Monkey Girl. Pinasasaya mo ako araw-araw. Natutuwa ako kapag sobra ka nang tumawa. Grabe. Hagikgik na ba iyon? Hehe. Mamimiss ko itong unggoy na ito.

Nandyan si Cupcake. Kahit may kaunting misunderstandings noon ay mamimiss pa rin kita. Mamimiss ko mga pagsayaw mo at pati na rin yung pagkanta mo. Haha. Cupcake mamimiss ko din mga yakap mo. Sobra.

Nandyan si Jeremother. EMAE!!! Mamimiss talaga kita ng sobra-sobra. Alam ko magkalapit lang pila ng section natin next year pero hindi iyon sapat! Gusto kitang makasama! Pede ka bang lumipat? Please. I love you Jeremae. Walang kalimutan ah. Pota ka pag kinalimutan mo ako. Ok?

Nandyan si ABR Friend. Mamimiss ko buhok mo! Mamimiss ko pataasan natin ng grades sa A.B.R. In short mamimiss kita! Sobra-sobra!

Nandyan si Mommy Dhey. Nice. President daw ng LAWRENCE! Susuportahan kita. Pramis ko yan! Mamimiss ko kembang moments mo. Next year ulit!

Nandyan si Honey. OMG! Ang middle finger ko tumataas! Nyahaha. Honey! Mamimiss ko iyon! Mamimiss ko Social Bonding Moments natin! Kaklase kita next year kaya good luck sayo!

Nandyan si La Blue Girl. Kaklase pala kita?! Watdah! Ayun. Natutuwa ako pag nagsheshare ka ng iyong mga one-of-a-kind-experiences. Marami din akong natutunan kapag kausap kita. Sana ipagpatuloy mo iyon. Sana din gumaling ka na sa Fili next year!

Nandyan si P.S. Ang astig ng boses mo! Ang tining! Isa iyon sa mga factor kung bakit kita mamimiss. Pati na rin mga ngiti mo. Sobra ka! Hehe.

Nandyan si Sister. Nagkahiwalay na nga tayo pero my love and care will be always there. Mamimiss ko ang pagkanta at pagindak mo. Nakakahumaling! Sister. Wag ka mag-alala ah. Nandito lang ako.

Nandyan si Lukaret. Mamimiss ko bonding moments natin. Mamimiss ko din yung mga yaoi mo! Astig yun! Salamat at isa ka sa naging closest frends ko sa 3rd year life ko. Wag nga pala kayo mag-alala. Aabot sa inyo yun!

Nandyan si Honeybunch. I love you Honeybunch. Di ko makakalimutan na naging kaklase kita. Wala akong masasabi dahil naging mabuting kaibigan ka sa akin at lubos ang aking pasasalamat dun. Miss ya!

Nandyan si Masang Frend. Nyay! 3 taon na tayong magkaklase! Astig! Salamat nga pala sa pagpapasensya mo sa akin ah. Salamat sa friendship. Salamat sa lahat. Hindi ka namin iiwan next year! Asahan mo yan!

Nandyan si Papaya. Mamimiss ko din ito. Kahit ganun siya mamimiss ko pa din siya. Ang papaya niya. Ang kanyang kagagahan. Ang kanyang kabaliwan. Lahat! Ang kanyang pagiging unano! Lahat mamimiss ko! Nang buo!

Nandyan si Cuddler. Si Cuddler ang isa sa mga closest friends ko sa Hertz. Mamimiss ko mga yakap mo. Salamat nga pala sa lahat! Hinding-hindi kita makakalimutan. Yakapin mo ako lagi ah.

Nandyan si Susa. SORAAA! Hinding-hindi kita makakalimutan! Masyado ka na naging malapit sa puso ko. Alam mo yung malapit? Mas malapit pa dun. Salamat nga pala sa lahat. Sa pagpapasensya mo. Sa pag-iintindi mo sa mga kagaguhan ko. Sa lahat. Ikaw nga talaga naging nanay ko sa school. Mamimiss kita! SOBRA!!!!!!

Nandyan si Luntian. Mamimiss din kita dahil sa iyong katahimikan. Salamat at pinakatiwalaan mo ako. Salamat sa mga times na pinapakopya mo ako. Talagang nakatulong iyon sa akin. Ilabyu Jera.

Bukas huling araw na. Ayoko pa talagang isipin na ito na talaga ang huli. Alam ko naging makulit at pasaway akong bata sa aking pangkat. Sana mapatawad niyo ako. Salamat sa lahat. Dito ako natuto kung pano ang lumaban. Kung pano maging matatag. Kung pano maging masaya. Kung pano umiyak. Lahat na ng kailangan kong malaman nalaman ko na dahil sa inyo. Maraming salamat sa lahat.

Ito ang pinakaminahal kong pangkat. Minahal ko kayo ng lubos. Mas lubos pa sa mga nakaraan kong mga section. Kulang ang mga salita para masabi ko lahat ng aking nararamdaman.

MAHAL NA MAHAL KO ANG HERTZ! SOBRA! MAMIMISS KO KAYONG LAHAT! DITO LANG AKO NAKARAMDAM NG TUNAY NA KALIGAYAHAN. HINDI KO PINAGSISISIHAN NA NAGING HERTZ AKO! MAHAL NA MAHAL KO KAYO!

"I knew I loved you before I met you."

i know that i have loved you ... at 6:27 AM
fate crumbled all around 0 identities

` me. ;

    Photobucket
    Welcome to my blog.
    Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
    "Jedd" for short
    I am 15 years old.
    A third year student of Manila Science.
    Diligence
    Kepler
    Hertz
    DILIKEHERTZ

` here.waiting ;

` my music. ;

'let's talk.



^reminds;me*of

  • March 2009
  • December 2008
  • November 2008
  • October 2008
  • September 2008
  • August 2008
  • June 2008
  • May 2008
  • April 2008
  • March 2008
  • February 2008
  • January 2008