if i never see your face again ...
then i will find you and love you once more
time after time

Friday, March 28, 2008

HERTZ. Ang section na minahal kong lubos.

"Ang pula ng MATA ko!!!! "

Last Day ng Hertz.

Kahit medyo Haggard at sobrang Pagod na namin ay tuloy pa rin ang kasiyahan.

Ayoko pa talagang mahiwalay sa Hertz.

Waaaaah!

Maraming unexpected things ang nangyari. SOBRANG DAMI.

Noong umpisa pa lang ng schoolyear ay nag-conclude na ako na hindi ako magiging masaya dito. Sinabi ko sa sarili ko na mas masaya pa rin ako sa Kepler kaysa sa Hertz. Pero bigla itong nagbago. Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo kong nagugustuhan ang Hertz. Mas lalo ko pang nakakapalagayan ng loob ang bawat isang tao sa sectiong ito. Mas lalo kong naging panatag sa araw-araw na makakasama ko sila. Sobra sobra na ang kasiyahang aking nadarama kapag nasa Hertz ako.

Marami na rin kaming mga problemang napagdaanan at sa kabutihang palad lahat ng ito ay aming napagtagumpayan. Kahit kailan ay hindi ko naisip na ganito ako magiging kasaya sa Hertz. Sa Hertz ako nakakita ng kaligayahang matagal ko nang hinahanap. Dito ako namulat sa bagay-bagay. Dito ako natutong magmahal ng lubos. At sa Hertz ako ay tunay na tinanggap.

Sa aking 10 taon na pag-aaral sa mundong ito. Sa Hertz lang ako nakatagpo ng mga taong lubusang tumanggap sa akin. Ito lang talaga ang section na minahal ko ng sobra-sobra. Dito din ako umiyak ng sobra sobra. Super unexpected talaga ang lahat.

Hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng araw na tayo ay magkakasama. Alam ko ang ating pagkakawalay sa isa't-isa ay mas lalo pang magpapatibay ng ating pagsasama. Lagi ko kayong maaalala araw-araw at gabi-gabi. Hinding-hindi ko kayang kalimutan ang pinakamasayang sectiong ito. Magpakailanman.

Sa totoo lang ay kahapon pa ako umiiyak. Lalo na nung nalaman ko na ang aking magiging section sa susunod na taon. Lahat na ata ng sulok ng aming bahay ay iniyakan ko eh. Sobra sobra kong mamimiss ang Hertz. Noong nalaman ko iyon bigla na lamang tumulo ang mga luha na kahit kailan ay hindi ko inakala. Makalipas ng ilang segundo ay sobrang pula na ng aking mga mata sa kakaiyak. Alam ko na madali akong umiyak kasi sobra ko kayong minahal eh. Hindi ko na nga alam kong iyon ba ay "Tears of Joy" o "Tears of Sadness" eh. Basta alam ko na minahal ko ang sectiong ito like no other.

Hiwa-hiwalay na nga talaga kami pero ang aming mga puso ay mananatiling magkakasama hanggang wakas.Sayang nga lang at hindi kami magkakasama sa susunod na taon. Sana ngayong 4th year na lang talaga kami naging magkakaklase! Sana!!!

Salamat Hertz sa lahat.

Mamimiss ko ang Circle of Friends, Holy Alliance, Continental Army, KWAH, Imagination people, Social Family, Social Triumvirate, Powerpuff Gals, Jewel Sisters at GC people.

Mamimiss ko din si JA, Xander, Benjie, Jaycee, Erald, Jake, Arnan, Renz, Peter, Adrian, Kristoffer, at si Amram.

Isama mo na din si Kenna, Katrina, Jeremae, Pauline, Andrea, Patty, Anika, Sylvia, Ianna, Alekxis, Beverly, Annalyn, Georgia, Melysa, Soraya, at Jeralyn.

Mamimiss ko ang M12!!!!!

Mamimiss ko ang HERTZ! At lahat ng mga pinaggagawa natin noong tayo ay magkakasama.

Salamat Hertz sa mga alaala. Kahit mabuti ito o masama man. Sobra sobra ko kayong maaala. Wag kayong mag-alala mananatili kayo sa aking puso magpakailanman. Pangako ko iyan.

Sa Hertz lang talaga ako umiyak! Ansama niyo! Joke lang! Kawawa mata ko!

Hertz.

Ito ang pangalang tatatak sa aking puso.

Hertz.

Ang pangkat na tanging nagpaiyak sa akin ng lubusan.

Hertz.

Mahal ko kayong lahat!

MARAMING SALAMAT TALAGA SA LAHAT HERTZ! HINDING-HINDI KO KAYO MAKAKALIMUTAN! T_T

Ito nga pala sinabi sa akin ni Benjie kanina lang na sobra akong natouch.

bj5_11: jedd, mamimiss kta after 2 yrs nang pagiging mag kaklase natin, marami kang iniwan na memories na ittreasure ko, minahal kta not just an ordianry classm8 but like a true friend and a true sibling, mamimiss kta, d ko mallimutan ang halakhakan natin, pagaawayan natin, at paghaharutan natin, SALAMAT JEDD,maraming salamat sa lahat labyu!!!

Mamimiss ko kayo talaga! Waaaah! T_T

Pagpasenyahan niyo na kung hindi ko masyadong ma-express ang sarili ko dito. Hindi kasi ako masyadong magaling sa mga salita. Pero alam niyo naman siguro kung gaano ko kayo kamahal.

"These are the best days of my life...."

P.S. Marami ang nagsasabing mukha akong aswang diyan sa pic. Pasensya naman!

i know that i have loved you ... at 6:56 AM
fate crumbled all around 0 identities

` me. ;

    Photobucket
    Welcome to my blog.
    Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
    "Jedd" for short
    I am 15 years old.
    A third year student of Manila Science.
    Diligence
    Kepler
    Hertz
    DILIKEHERTZ

` here.waiting ;

` my music. ;

'let's talk.



^reminds;me*of

  • March 2009
  • December 2008
  • November 2008
  • October 2008
  • September 2008
  • August 2008
  • June 2008
  • May 2008
  • April 2008
  • March 2008
  • February 2008
  • January 2008