Monday, March 3, 2008
F.A.T. Last day na!
Last day na ng hinupak na F.A.T. na iyan! Phew! Nakaraos na din kami, Hertz , sa mga examinations na aming nakasagupa noong nakaraang linggo.
Add-ons ang natira. Trigonometry, Physics, Advance Biology, and Technical Writing. Buti na lang inalis yung Computer Science kundi lamog na lamog na ang utak ko. Hay. Buti na lang talaga. Mas mahirap pa nga yung mga add-ons kesa sa original eh. Buhay nga naman.
First test... TRIGO!!! Grabe! Ang malas ko kanina! Hindi ako makapaniwala na iyon ang subject na sasagutan ko. Natakot ako. Napaluha pa nga ako dahil wala akong alam. As in wala talaga. Nasan na kayo Holy Alliance? Nasan na ang mga taong kailangan ko?! Tulong! Ouch. Ayun. Wala talaga akong masagutan kaya nanghula na lang ako. Pero may iba naman akong sagot na sigurado kaso mabibilang mo lang ang mga siguradong sagot sa aking kamay. Hay. Wala kasing relic. At medyo minalas lang talaga ako. Awwww.
2nd Test... T.W. Ayos lang. Nakakalito nga lang. Amp! Bali-baliktad ata sagot ko dun! Nako. Bahala na. Nasagutan ko na eh. Wala ng pwedeng baguhin. Tapos na. Pero ayos lang. At least may alam ako dun.
3rd Test... Physics! Hyess! Relic! Ayun. Sa wakas. Nakatanggap ako ng relic at nasagutan ko din siya ng maayos. Salamat Holy Alliance. Mahal ko kayo.
Last test... A.B.R. Naks. Stored Knowledge ang ginamit ko dito sa test na ito. Mabuti na lang at nagbasa-basa ako ng konti. Konti lang naman. Hindi naman ako katulad ng ibang tao na back to back kung magbasa n libro. Kasama pa yung Index at Glossary. Haha.
Maayos ang naging flow ng araw ko. Maaga ako nakauwi at masaya din ako. Hay. Salamat talaga Hertz sa lahat ng mga ginawa niyo sa akin. Thank you relic! :D!
"We're all in this together!"
i know that i have loved you ... at 2:12 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities