if i never see your face again ...
then i will find you and love you once more
time after time

Saturday, March 15, 2008

Circle of Friends.


Narito ang kwento ng Circle of Friends.

Si Sora ay ang pinakamagaling na mang-aawit sa imperyo. Ang kanyang boses ay may kakayahang magpagaling ng anumang karamdaman. Siya ay kilala bilang "The Healing Voice"

Si Jedd ay isang magaling mamamana . Laging tumatama ang kanyang mga palaso sa kanyang nais na patamaan. Siya ay tinaguriang "Master of the Archers"

Si Benjie ay isang espesyalista sa mga espada. Magaling siyang humawak ng kahit anumang klase ng espada. Siya ay ang "The Great Swordsman"

Si Annalyn ay ang pinakamagandang dilag sa imperyo. No questions asked. Period.

Magkasama sina Jedd, Sora, Annalyn at Benjie. Silang apat ay galing sa imperyo ng Le Keplere. Ang imperyo ng Le Keplere ay sadyang malaki. Marami ang gustong magpabagsak sa kanila dahil sa malawak na lupang sakop nila. Ngunit sila ay naging matatag at nalagpasan nila lahat ng mga sulinaring kanilang hinarap. Ngunit isang araw, isang taong taga-imperyo ang nagtaksil sa kanila. At dahil doon nagkaroon ng Gyerang Sibil. Nagkagulo ang mga mamayan. Nabahala ang reyna kaya't ipinatapon ang taksil sa Elba. Nawala na siya at nanatiling maayos at matiwasay ang imperyo.

Dumating na ang panahon na dapat ng maghiwahiwalay ang mga mamamayan ng imperyo. Nais kasi ni Reyna Bon na mapanatili ang kaayusan sa kanyang imperyo kaya't inatasan niya ang lahat ng kanyang tagapasunod upang gawin ito.

Naatasan sina Jedd, Sora at Benjie kasama ang pinakamagandang dilag sa imperyo ng Le Keplere na si Annalyn na pumunta sila sa isang malayong lugar. Isang lugar na kahit kailan ay hindi pa nila napuntahan. Marami ang nakapagsasabing hindi daw mainam para sa isang tao ang manirahan dito. Mahirap daw mabuhay lugar na iyon.Kahit hindi sila sigurado kung ano ang naghihintay sa kanila doon ay ipinagpatuloy pa rin nila ang paglalakbay. Ang paglalakbay patungong Hertzlandia.

Nanibago ang apat sa lugar. Iba kasi ang ugali ng mga tao doon mula sa mga tao sa kanilang imperyo. Marami silang nakilalang tao doon. Isa na rito ay si Alekx. Siya ang pinaka-unang naging kaibigan ng tatlo.

Si Alekx ay isang mahusay na pintor. Ang kanyang mga gawa ay kilala sa buong mundo. May kakayahan siyang buhayin lahat ng kanyang iginuguhit. Kilala siya bilang "The Amazing Painter"

Kung itatanong ninyo kung bakit tatlo sapagkat ang pinakamagandang dilag na si Annalyn ay nakisama sa mga magagandang dilag din sa lugar na iyon. Mayroon kasi siyang espesyal na misyon na dapat niyang magampanan.

Sina Sora, Jedd, Benjie at Alekx ay naging matatalik na kaibigan. Ang kanilang samahan ay tinawag na Circle of Friends. Apat lamang sila ngunit marami silang napagdaanang mga problema na kanila rin namang napagtagumpayan.

Nabalitaan ng reyna ng lupaing iyon na si Jeremae ang tungkol dito. Kaya't dali-dali niyang pinatawag ang mga kasapi ng grupong iyon. At binigyan niya sila ng isang matinding pagsubok. Isang pagsubok na magpapatunay ng kanilang katatagan at tiwala sa isa't-isa. Ang pagsubok na iyon ay dapat nilang makuha ang MONACO sa kamay ni Foroka.

Ang MONACO ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa lahi ng mga Hertzsheys.

Noong umpisa ay natakot ang apat.

"Ngunit paano po namin matatalo ang isang kahindik-hindik na demonyo, mahal na reyna?" ani ni Soraya na talagang litong-lito sa mga nagaganap.

"Tama po si Soraya, mahal na reyna. Wala po kaming laban sa kanya!" sabi ni Alekx na halatang nanginginig na sa takot.

"Wala po kaming kapangyarihan. Kahit nga po armas ay wala kami eh." sabi ni Jedd na pautal-utal.

"Mahirap ang inyong pinapagawa sa amin, kamahalan." sabi ni Benjie na tila hindi siya makahinga.

"Huwag kayong mag-alala. Bibiyayaan ko kayo ng mga armas." ito ang mga unang salita ng reyna.

"Renzo. Akin na ang mga armas." Dali-daling dinala ni Renzo ang mga armas sa mahal na reyna.

"Soraya. Sa iyo ko ibibigay ang plawtang ito. Kapag narinig ng kalaban ang tunog na nanggagaling dito ay tiyak mapaparalisa sila. Heto. Kunin mo."

"Maraming salamat po, Reyna Jeremae"

"Alekx. Ipinagkakaloob ko sa iyo ang kapang ito. Kapag ito'y iyong isinoot ikaw ay magiging invisible. Eto."

"Salamat."

"Jedd. Tanggapin mo naman ang pana at palasong ito. Lahat ng matatamaan nito ay makakatulog ng mahimbing. Gamitin mo ito ng maayos."

"Astig! Salamat po kamahalan!"

"At ikaw naman Benjie. Narito ang isang espada. Ang espadang ito ay may kakayahang hatiin lahat ng kanyang madadapuan. Mag-ingat sa paggamit."

"Salamat po, mahal na reyna!"

"Natanggap niyo na ang mga armas na inyong gagamitin sa pagpuksa kay Foroka. Gawin ninyo lahat ng inyong makakaya maibalik lamang ang MONACO na nasa kanyang pag-aari. Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay."

"Opo" Sagot nilang lahat at sinimulan na nilang ang kanilang paglalakbay.

Ano na kaya ang mangyayari sa Circle of Friends sa kanilang paglalakbay patungo sa kaharian ni Foroka?

Magtatagumpay ba sila sa kanilang misyon na maibalik ang MONACO?

Magkakaroon pa ba sila ng mga bagong kaalyado sa misyong ito?

Abangan...

i know that i have loved you ... at 3:00 PM
fate crumbled all around 0 identities

` me. ;

    Photobucket
    Welcome to my blog.
    Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
    "Jedd" for short
    I am 15 years old.
    A third year student of Manila Science.
    Diligence
    Kepler
    Hertz
    DILIKEHERTZ

` here.waiting ;

` my music. ;

'let's talk.



^reminds;me*of