if i never see your face again ...
then i will find you and love you once more
time after time

Sunday, March 23, 2008

Ang Pagtatapos.


At iyon na nga. Nagpatuloy na ang kanilang pakikipaglaban kay Foroka. Pareho silang may hangarin na mabago ang daigdig. Ngunit sino nga ba ang mananalo? Ang mga alagad ng kabutihan? O ang mg kampon ng kasamaan?

Narito na ang ating kwento.

"Marble Dust!" sabi ni Foroka.

"Celestial Arrow!" sabi ni Jedd

"Jedd! Ang Monaco!" sabi ni Jeremae.

"Hindi ako papayag!!! Foroka Breath!" sabi ni Foroka.

"Ahhhh!" sabi ni Jedd na muntik nang matamaan ng atake ni Foroka.

"Mag-ingat ka! Wag mo siyang mamaliitin." sabi ni Jeremae.

"Ang mga brilyante! Ilabas niyo na!" sabi ni Jera.

"BRILYANTE NG LUPA!"

"BRILYANTE NG APOY!"

"BRILYANTE NG HANGIN!"

"BRILYANTE NG TUBIG!"

"Gamitin niyo na ang kakayahan ng bawat brilyante niyo!" sabi ni Jera.

"Huh?"

"Magtiwala lang kayo sa kakayahan ng inyong brilyante!" sabi ni Jera.

"Magtiwala?"

"Sa kakayahan?"

"Ng aming?"

"Mga brilyante?"

"Itigil na ang inyong kalokohan! Lumaban na kayo! Barbiturates Flood!"

"Ahhhhhhhhhh!"

"Sige na! Hanapin niyo na ang dapat niyong hanapin! Kami na ang bahala dito!" sabi ni Jera.

"Ngunit..."

"Jedd. Ito na ang tamang pagkakataon!" sabi ni Jeremae.

"Opo."

Sa senyales na iyon ay iniwan na nila Jeremae at Jedd ang lima at nagpatuloy sila sa paghahanap ng Monaco.

"Emerald Typhoon!"

"Ruby Fire!"

"Amber Earthquake!"

"Sapphire Whirlwind!"

"Ahhhh! Ano ito?! Hindi ako makakapayag! Web of Impurity!"

"Argghhh..."

"Melysa!!!"

"Ahahahaha! Mask of Darkness!"

"Peter!!!"

"Paano ba yan? Unti-unti ko na kayong natatalo! *evil laugh* Dark Shot!"

"Patty!!!"

"Ikaw na lang ang natitira, aking kapatid. Papahirapan muna kita bago kita patayin."

"Subukan mo lang! Mananalo pa din ang kabutihan laban sa kasamaan!" sabi ni Kris.

"Yun ang akala mo! Foroka Flame!"

"Waaah!"

"Ngayon! Gate of Darkness!!!"

"Kailangan niyo pagsamahin ang apat na brilyante! Yun lamang ang tanging paraan!" sabi ni Jera.

"BRILYANTE NG LUPA!"

"BRILYANTE NG APOY!"

"BRILYANTE NG HANGIN!"

"BRILYANTE NG TUBIG!"

"Magsama-sama kayo! Sundin ang aking utos! Ilabas ang tunay na anyo!" sabi ni Jera.

Nagsama-sama ang apat na brilyante. Maya-maya lamang ang buong paligid ay napalibutan ng matinding liwanag. Matapos noon ay nabuo ang isang brilyante. Ang brilyanteng naglalaman ng apat na elemento.

"Ngayon. Ito na ang katapusan mo Foroka! Diamond Sword!" sabi ni Jera.

Ang brilyante ay naging isang malaking espada.

"Heaven's Strike!"

"Hah! Hindi ito mangyayari! Ahhhh! Maghihiganti ako sa inyo! Magbabalik ako! At sa aking pagbabalik ay sisiguruhin kong matatalo ko na kayo!" ito ang mga huling salitang namutawi sa bibig ni Foroka.

Nagkaroon ng isang malakas na pagsabog.

"Heaven's Protection!"

Ilang sandali pa ang nakalipas ay nagsimula na ang pagguho ng palasyo.

"Tara! Umalis na tayo rito!"

"Halika na!"

"Bilisan niyo!"

"Gumuguho na ang palasyo!!!"

Habang...

"Eto na po ba ang Monaco na pinapakuha ninyo sa amin?" tanong ni Jedd.

"Oo! Iyan na nga! Teka ano iyon?" sagot ni Jeremae.

"Ang palasyo! Gumuguho na ang palasyo ni Foroka! Tara na!" sabi ni Jedd.

"Sige!"

Sa labas ng palasyo....

"Huh? Nasaan na si Neddavella?!" sabi ni Sora.

"Anong nangyari sa mga kinakalaban natin?" sabi ng KWAH.

"Ang Jewel Sisters! Nahimatay!" sabi ni Alekx.

"Marahil nawala na ang spell na nagkokontrol sa kanila." sabi ni Benjie.

Lahat ng pumanig kay Foroka ay tuluyan nang naglaho. Ang tanging natira na lamang sa kanila ay mga abo.

Nakalabas na rin sa palasyo sina Jeremae, Jedd, Jera, Kris, Peter, Melysa, at Patty. Sila ay may dalang ngiti sa kanilang mga mukha.

"Sa wakas natapos na siya!"

"Wala na si Foroka!"

"Maghahari na muli ang kabutihan!"

"Yehey!"

Panandaliang nanahimik ang lahat.

"Nagampanan ko na ang aking tungkulin. Babalik na ako sa aking pinanggalingan. Maraming Salamat! Inaasahan ko na proprotektahan ninyo ang mundong ito. Paalam! Alam ko magkikita pa tayong muli!" sabi ni Jera.

Nagkaroon ng pakpak si Jera. Maputi at magarbong mga pakpak. At lumipad na siya patungong kalangitan.

"Paalam!"

Ilang sandali pa ay dumating na ang iba nilang kaalyado.

"Guys! Nandito na ako!" sabi ni Sora.

"Sora! Nagtagumpay tayo! Wala na si Foroka!" sabi ni Alekx.

"Natapos na rin ang ating misyon." sabi ni Benjie.

"Narito na ang Monaco!" sabi ni Jedd.

"Magaling, magaling, magaling!" sabi ni Jeremae.

"Tapos na ba talaga ang kaguluhan?" tanong ni Patty.

"Oo. Tapos na siya." sagot ni Jeremae.

"Di kaya magbabalik ulit si Foroka?" tanong ni Peter.

"Wag kayong mag-alala. Hindi na siya makababalik dito." sagot ni Jeremae.

"Magdiwang tayo! Yey!" sabi ni Melysa.

"O Foroka! Aking ampon na kapatid. Yan tuloy ang iyong napala. Sinuway mo ang utos ni Mama at Papa. Buti nga sa iyo." sabi ni Kris.

"Ayos lang yan Kris." sabi ni Jeremae.

"Halika na! Bumalik na tayo sa Hertzlandia!" sabi ng KWAH.

Naglakbay muli sila pabalik ng Hertzlandia. Punong-puno ng kasiyahan ang kanilang mga damdamin.

Sa Hertzlandia....

"Yes! Tayo'y magdiwang!"

Nagdiwang ang buong mundo sa pagkawala ni Foroka. Sa wakas. Kabutihan na ang maghahari sa sanlibutan. Puro pagmamahalan na rin ang mangingibabaw sa puso ng bawat tao. Wala nang kaguluhan. Payapa na ang paligid.

Masaya na sana ang lahat nang biglang...

"Huh? Ano iyon?"

May isang bulalakaw ang bumagsak mula sa kalangitan.

"Tara puntahan natin!"

Nagmadali sila sa lugar kung saan bumagsak ang bulalakaw.

"Teka. Ano iyan?"

"Isang Alien!"

"Waaaah!"

Sino kaya ang kakatwang nilalang na bumagsak mula sa kalangitan? Siya na kaya ang panibagong makakalaban ng ating mga bida?

MALAY NATIN!

~~~~~ The End ~~~~~

i know that i have loved you ... at 5:20 AM
fate crumbled all around 0 identities

` me. ;

    Photobucket
    Welcome to my blog.
    Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
    "Jedd" for short
    I am 15 years old.
    A third year student of Manila Science.
    Diligence
    Kepler
    Hertz
    DILIKEHERTZ

` here.waiting ;

` my music. ;

'let's talk.



^reminds;me*of

  • March 2009
  • December 2008
  • November 2008
  • October 2008
  • September 2008
  • August 2008
  • June 2008
  • May 2008
  • April 2008
  • March 2008
  • February 2008
  • January 2008