Monday, March 31, 2008
Ang pagtatakipsilim.
Masaya ako at muli ay nagkaroon pa ako ng pagkakataong makasama ang aking pinakamamahal na section.
Umagang-umaga pa lang ay kabadong-kabado na ako dahil ,sa wakas, makikita ko na ang aking report card. Nakakatakot!!!
Card Giving.
Masaya ako dahil halos lahat ng grade ko nagtaasan except sa ABR na iyan. Nakakainis talaga! Pero kahit papaano ay napatunayan ko sa aking sarili na kaya kong abutin ang rurok ng tagumpay kung aking lamang itong nanaisin.
MOA.
Matagal na naming pinagpaplanuhan na pumunta ng MOA. At ngayon lang siya natupad. Hay. Isang achievement na iyon! Hahaha.
Ayun. First time ko nga pala sa may Baclaran! Nakakatakot. Para bang kahit saan ka tumingin ay may mga nanlilisik ang mga mata sa iyo. Grrrr. Yung tipo bang may gagawing masama sa iyo. Hay. Mabuti na lamang at nakalagpas kami doon ng buo pa naman ang aming katawan at kumpleto pa ang aming mga gamit. Ahahaha!
Masaya naman sa MOA. Marami din kaming nagawa doon. Una. Umikot. Ikalawa. Kumain. Ikatlo. Nag-ice cream. Ikaapat. Pumunta sa palikuran. Ikalima. Naglakad. Ikaanim. Naglaro sa Tom's World. Ikapito. Nawala. Ikawalo. Nagkaroon ng misunderstandings. Ikasiyam. Nag-window shopping. At ikasampu. Nagpaka-VAIN. Yes. Andami din naming nagawa kanina. Although hindi siya ganun kasaya sa tingin ninyo ay naging masaya pa rin ang araw na ito para sa akin dahil Hertz ang aking kapiling.
Ang pinakapaborito kong parte ngayong araw na ito ay ang pagkakasaksi namin sa paglubog ng araw. Napakaganda ng tanawing aming nakita. Maaliwalas ang hangin. Tahimik ang paligid kahit papaano. At ang sarap pakinggan ng mga alon. Nakakarelax talaga.
Punyeta nga lang talaga ung guwardiya dun. Ang daming pinagbabawal kala mo kung sino. Hello?! Tanga ba siya?! Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin yung mga iyon! Feeling niya ganun siya katalino. Di hamak naman na mas matalino kami sa kanya. Bawal daw kasi humiga. Baka raw magkaroon ng tsunami at hindi daw namin siya makikita. DUH? Ang aliwalas ng paligid may tsunami! Ano kami? Bobo? At teka. Alam din namin kung ano ang mga hudyat kung paparating na ba ang tsunami. Bawal din daw tumayo. Kasi daw baka liparin kami ng hangin. Pucha naman oo! Ano ba siya? Nag-aral ba siya?! Ang tanga! Pero ako ilang beses na humihiga at kapag sinisita niya ako ay inaaway ko talaga siya. "Kuya! Wait lang! Ayun yung helicopter ko! Baka hindi ako makita eh." Ayan yung isang sinabi ko at bigla siyang natameme at nag-walk out. Grabe! Nakakairita talaga siya. Kainis.
Ayan ang sunset na naganap kanina. Waaah! Ang cute niya! Ang sarap niya tignan. Ako, nung nakatingin ako diyan ay panandaliang nawala sa akin mga problema ko. Pero pagkatapos. Hala! Nagsibalikan na sila. Nyahaha!
Ampangit ko sa pic na yan! Kadiri talaga! Nyahaha! So ayun. Andaming nangyari ngayong araw. Nakakapagod nga eh. Sobra. Hay. Pagpasensyahan kung medyo lamog lamog ang post kong ito. Lamog din kasi gumawa eh. Hehehe. Basta. Salamat Hertz! Pinasaya ninyo ako!
"Kahit ano mangyari. Mananatili pa rin akong Hertz. Pramis!"
Maraming maraming salamat talaga Hertz! Sobra ninyo na naman akong pinasaya ngayong araw. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang sectiong ito kahit kanino man. Mahal na mahal ko kayo. Salamat sa lahat!
" You just call out my name
And you know wherever I am
I'll come running to see you again
Winter, spring, summer or fall
All you got to do is call
And I'll be there, yes i will
You've got a friend"
And you know wherever I am
I'll come running to see you again
Winter, spring, summer or fall
All you got to do is call
And I'll be there, yes i will
You've got a friend"
i know that i have loved you ... at 7:55 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities