Tuesday, February 19, 2008
World War 1 na ito!!!
Hindi naman ako makapaniwala sa mga nangyari nung uwian na. Naging maayos naman ang araw dahil mula 1:00 ay na-excuse na kami para magpraktis ng gagawin sa turn-over sa darating na Thursday. Akala ko lahat ng Hertz ay masaya na. Hindi pala.
Maganda ang araw ko at siguro sa ibang fellow Hertz. English nag-discuss ng "Annabel Lee" Ang ganda nito. Nakakaiyak! EMO!!! Haha. Physics! Hiyesss. Racing! Nakakatuwa ang experiment! Takbuhan na! Ewan ko ba...Basta masaya ako nung Physics. Tapos. Chemistry. G.C. Mode. Tumabi ako kina Anika's group o mas kilala bilang G.C. People ng Hertz. Ayun. Madami akong natutunan! Marunong na akong magpangalan ng mga Hydrocarbons! Di na ako masyado nalilito! Hahaha. Lunch. MAGIC SHOW!!! Ang galing talaga nina Jaycee, Erald, Jake, at J.A. Bilib na ako! Kaya niyo yan! Math. Notes Mode ako kanina. Kahit di nakikinig basta nagnonotes ako. Tinatamad ako eh. Actually lagi akong tinatamad. T.H.E. Nagpunta kami Auditorium para mag-ayos ng lamesa. Bonding Moments din kami doon. Nagkwentuhan din kami nila Maam Causon at nagshare kami ng ibang secrets namin sa kanya. I love Maam Causon! Hahaha. Pagkatapos noon excuse na kami. Praktis na kasi kami ng praktis. Turn-over Ceremony and Promenade. Basta. Hindi nga ako na-eexcite eh. Ewan!!!
Natapos ang praktis marami nang nagsi-uwian. Ako pumunta muna ako ng canteen at bumili ng pagkain. Akala ko masaya ang lahat. Hindi pala iyon tama. Mali pala ako. Maling-mali. Kasama ko si Kristofather na naglilibot ng Masci. Nagkaroon din ng Mini Dili Reuinion ulet. Kwentuhan Mode lang kami. Tapos napadaan kami ng C.R. Lagi naman kasi namin yun ginagawa eh. Ayun. Natagpuan namin ang mga "Super Gals" Nagulat ako kung bakit sila nag-iiyakan. Umpisa pa lang ay alam ko na kung anu ang nangyayari kaso hindi ko alam ang buong istorya. Pagpasensyahan niyo na lang ako. Ayun. Pinilit kong alamin kung ano ang nangyayari. Kasi kaibigan ko iyon at alam ko nangangailangan sila ng payo. Nalaman ko ang punot-dulo. Sinusubukan kong icomfort ang isa sa kanila dahil todo ang hagulgol niya. Makalipas ng ilang minuto natahimik na sila. Ayun. Akala ko tapos na. Mali na naman ako. Lagi na lang. Umpisa pa lang pala iyon ng totoong gera. Dumating na kasi sila "Mag-Besfriend" Nagkaroon ng kaunting sagutan. Tapos habang tumatagal lalong umiinit ang palitan ng mga salita. Walang gustong magpakababa. Walang gustong magpatalo. Ang parehong panig ay nagnanais ng tagumpay. Noong naririnig ko iyong sagutan, bumabalot na ang galit sa aking damdamin. Pinipigilan ko nga lang ilabas ang aking galit dahil alam ko panibagong isyu na naman ito. Ayoko nang madamay sa kahit ano pang gulo. Kahit kailan. Buti na lang nagpigil ako kundi dagdag away na naman ito. Nagkaroon ng kaunting "ceasefire" Panandaliang tumahimik ang lugar. Maririnig mo lang ang mga hinaing ng mga taong kasama sa problema. Tila ba isang World War ang naganap. Siguro kung hindi napigilan ang galit ng bawat panig malamang nagkasakitan na sila. Buti na lang hindi iyon nangyari. Buti na lang talaga.
Mahirap pumanig sa ganitong sitwasyon. Ang bawat grupo ay may sari-sariling stand sa problema. Pareho silang may mali. Pareho silang may ginawang masama. Pareho nilang sinasaktan ang isa't-isa. Kaya as much as possible sinusubukan kong maging patas. Neutral. Pero hindi talaga maiiwasan na may papanigan ka. Alam ko alam niyo yun at mahirap iyon.
Ito lang maipapayo ko... Kung hindi talaga kayo sa isa't-isa, huwag niyong ipagpilitan ang sarili niyo. Kung ganyan din naman lagi ang nangyayari ay mabuti nang itigil niyo na lahat. Masakit man pero sa tingin ko ito lang ang tanging paraan.
Iyan ang nangyari ngayong araw. Nakakalungkot isipin na may ganito palang nangyayari. Sana hindi na maulit. At sana kung ano man ang naumpisahan ay matapos na ng maayos. Sana magkabati ang bawat panig. Hiling ko ay sana maintindihan nila ang kanilang pagkakamali at wag lang nilang isipin ang sarili nila. Isipin nila na sa bawat gagawin natin ay may nasasaktan. Wag maging selfish. Ayan. Super Moral Lesson na ito!!!
"I hope it'll end well." ^^,
i know that i have loved you ... at 3:19 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities