Wednesday, February 20, 2008
World War 1 comes to an end.
Isang araw na naman ang nagdaan at napakarami ulet ang nangyari. Grrrrr!
English. The Cask of Amontillado. Ano daw?! Ayun nag-discuss kami ng short story na gawa ni Edgar Allan Poe. Maganda naman siya. Nakakatakot. Weird. Flambeux?! Groupwork din. Wheel of Whammy! Hahaha. Nagpakabaliw kami ni Mommy Dhey kanina! Nakakahiya! Ayos lang din. Masaya naman eh. Physics. Wala si Sir. Hiyess. Laro mode kami kanina. LEGO!!! Feeling bata. Kwento-kwentuhan. Kantahan. Marami din ang nag-emote. Hehehe. Chemistry. Aral. Review nung reviewer. Kwentuhan with Maam Editha. Marine Engineering. Ansaya. Get's ko yung lesson. Haha. Lunch. Kumain kami. Hotdog Confederation. D Best. Nestle Chocolate. Text Message Jokes Reading Session. Go Benjo! Hehehe. Tawanan mode. Mathematics. Student Teacher. Ms. Katrina Paula Loresto. Factorization. Kwentuhan. Crochet. As usual di na naman ako nakinig. Math eh. Kadiri! Filipino. Bangkang Papel. Martial Law. Hulaan mo. Jingle Jingle Jingle. Maam D. After nun nagpraktis na kami ng turn-over. Masaya ako dahil maganda ang partner ko. Kaso di ko alam pangalan. Aalamin ko na lang bukas. Kaya yan.
Natapos na din sa wakas ang World War 1. Hay.... Mabuti naman at natapos na. Nagkaaminan na ng mga pagkakamali. Nailabas na ang dapat mailabas. Isa na lang ang kulang. Si Ms. 2. Bakit pa kasi siya nag-absent. Ano yun?! Pinapakita niya ba na hindi niya kaya? Na tinatakasan niya problema niya? O di naman kaya'y nagpapaubaya na siya. Ewan ko ba. Basta siya na lang nakakaalam nun. Tsaka eto pa. Kung gusto mo talagang maayos na ang lahat, dapat ikaw mismo ay naroon na rin. Sa pinapakita mo eh para bang pinapakita mo na ayaw na ayaw mong makipagbati. Eto ah. Alam ko nasaktan ka. At Nakasakit ka din ng iba. Kaya pwede ba... ayusin mo na problema mo! Para wala ng gulo. Ok?! Siguro naman kilala niyo na siya. Hindi ko intensyong mang-away. Iyon lang ang aking masasabi tungkol sa iyo. sa mga pangyayari. It's my opinion. And it's not bad to say what you feel right?! Para naman kay Ms. 11. Oo.. tapos na ang problema niyo kaya pwede ba for once tumahimik ka. Kasi the way you explain ay para bang lagi kang handang makipag-gera. Sana naman maging kalmado ka sa pagsasalita. Yun ang payo ko. Payo lang yan. At sana gawin mo. Para sa ikaka-ayos ng problema niyo. Wag ka ding padalos-dalos sa mga sinasabi mo. Minsan kasi masakit na. Tsaka wag ka mag todo emote. Nakakairita eh. Tama na yung normal na iyak lang. Ayos na ako dun. Again. Ayokong makipag-away. Just an opinion. Ok?! Ms. 9. Bilang bida sa tinaguriang World War. Hanga ako sa tapang mo. Hindi ko akalain na magagawa mo iyon. At least alam ko na nailabas mo na nararamdaman mo. At iyon ang maganda. Bagaman hindi mo sinunod payo ko hanga pa din ako sa iyo. Alam ko mahirap ang ginawa mong desisyon at least walang nangyaring masama. Tsaka eto pa. Wag kang magpakatanaga, sorry for the word, kasi narinig ko na sinabi mo na "Nasasaktan ako dahil umiiyak siya..." Hello?!!! Pwede ba! Huwag mong isipin na umiiyak siya. Isipin mo na umiiyak ka din dahil sa kanya. At take note: Siya yung nagpapaiyak sa iyo. Bakit ka maaawa. Sana naman minsan lang isipin mo sarili mo?! Huwag lang puro siya. Ayos ba?! Isang munting payo. Ingatan mo na relasyon niyo. Kapag nag-away pa ulet kayo sige subukan niyo. Lalaban na ako. Ipagtatanggol kita. Pangako iyan. Naks. Ano to Telenovela?! Last but not the least. Mr. 2. Sana naman sa mga nangyari noong nakaraang araw ay nalaman mo na ang pagkakamali mo. Wag kang padalos-dalos sa iyong desisyon. Isipin mo na may nasasaktan ka sa ginagawa mo. HUWAG NA HUWAG MO DIN IWANAN YUNG BABAE AT SAKA KA NA LANG BABALIK HANGGANG NAREALIZE NA NIYA YUNG PROBLEM OK?! Hayaan mo na kayong dalawa ang umayos nun. Eto lagi mong tatandaan. May kaibigan siya at may kaibigan ka din. Huwag kang magseselos dahil lagi niyang kasama mga kabigan niya. Dahil noong wala ka pa sa buhay niya ay nariyan na yang mga kaibigan niya. At wala kang magagawa doon. Ikaw din naman may kaibigan diba? Siguro naman maiintindihan mo ang sitwasyon. Iwasang magalit agad. Control your temper please. Nagmamakaawa naman ako. Maraming nadadamay eh. Tsaka wag na wag kang gagawa ng mga stunts na ni isang matinong tao hindi dinare na gawin yun. Ok. Wag ka mag over react. Ang pangit tignan. Promise. Ayan ang masasabi ko sa iyo. Peace tayo. Sa lahat ng namention ko at pinayuhan/pinagsabihan sa post kong ito... Peace tayo. Ayokong makipag-away. :D!
Turn-over na bukas. After nun Promenade na namin. Hay. Ang bilis ng araw. Nakakainis. Ayoko pang mahiwalay sa Hertz. Perpekto na kami eh. Mahal na namin ang isa't-isa. I Love you Hertz. Dapat may outing yan ah. Hehe. Goodluck! Labyu!
i know that i have loved you ... at 5:19 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities