Thursday, February 21, 2008
What a Turn-over!
Ngayong araw na ito naganap na din ang aming pinakaiintay na event. Ang Turn-over Ceremony. Hay. Ilang araw din namin ito prinaktis. Umaraw man o umulan tuloy pa din. Hindi ko nga sigurado kung pupunta pa ako bukas eh. Haha. Joke. Hmmmm.... Sana lang hindi ako magkasakit. :D!
Mga 4:00 ng hapon nagsimula yung turn-over. Umaambon noon. Kaasar. Punong-puno na ng droplets ng tubig ang ulo ko! Grrrrr. Ayun. Nagkaroon ng matagal na Processional ba yung tawag. Basta. Binigyan din kami ng Rose at Diploma. Ang cute nung rose. Kulay puti siya. Haha. Habang naglalakad ako eh nagulat ako na may mga petals ng iba't-ibang bulaklak sa may carpet. Take note. Pula yung carpet. Hahaha. Tapos ayun umupo na ako sa aking kulay puti at plastic na upuan na may pangalan na "Rosegem" Ayun ng picture picture muna ako kasama yung aking bulaklak kasi alam ko maya-maya ay mahihiwalay na ako sa kanya. Huhu.
Yung Turn-over ay may theme na. "Gateway to excellence, Journey of Transcendence" Ang lalim nga eh. Di ko maintindihan. Harhar. Ayun. Ang daming speech. Hanggang sa dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ang paglilipat ng bulaklak at kandila. Ang rose na hawak namin ay mapupunta sa 4th yr. at ang candle naman ay sa 3rd yr. Bye Rosey! Ayun. Ampangit ng description ng section ko. Kaasar! Kakakaba dun sa stage. Di ka kasi sigurado kung sino partner mo eh. Ako. Ayos lang partner ko. Kahit hindi. Sana si Ate Ganda partner ko sa promenade. Sana nga! Lord, please I beg you! Ayun. Pagbaba ko ng stage namatay yung kandila ko. Ewan ko dun. Napatakan ata ng ulan. Haha. Pagkaupo... Na-O.P. ako sa mga katabi ko. Puro 4th year! Waaaah. Hindi ako makapagsalita. Buti na lang andun si Xander. Nakakausap ko siya kahit papano. Nagkantahan na ng "I'll be there for you" Maayos naman. After nun, nagkaroon ng konting speech yung mga tao. Tapos picturan na kami, Hertz. Eto yung kinalabasan.
After ng piktyuran kinuha namin pagkain namin. SANDWICH AT JUICE!!! Pero in fairness masarap yung sandwich. Tinawag din namin si Maam D para magpapicture with her. Pumunta naman siya and then nagpunta kami sa stage para mag-papicture ulet. Magulo si Manong Photographer. Kainis! Eto yung pic namin with Maam D nung una.
"I'll be there for you"
i know that i have loved you ... at 4:12 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities