Sunday, February 17, 2008
Spiderwick Chronicles The Movie
Introducing:

Niyaya ako ng aking tatay na manood ng sine. Noong una hindi ko mapili ang magandang film na papanoorin. Hanggang napili ko yung Spiderwick Chronicles The Movie. Ayun. Nanood kami.
Maganda ang storya ng Spiderwick. Tungkol ito sa 3 magkakapatid na sina Jared, Simon, at Mallory Grace. Lumipat sila ng bahay dahil naghiwalay ang kanilang mga magulang. Kay Jared umikot ang kwento. Siya ang nakadiskobre ng libro na gawa ni Arthur Spiderwick. Ito ay naglalaman ng mga sikreto ng mga faeries, goblins, sprites, brownies, at ogres. Ang librong ito ay ipinagbabawal basahin ninoman dahil maraming masamang mangyayari. Maraming mga creatures ang gustong umangkin sa librong ito lalong-lalo na si Mulgarath. Isa siyang ogre na planong patayin lahat ng mga faeries. Ngayon ang dapat gawin ni Jared ay protektahan ang libro at huwag niyang hayaan mapunta ito sa masasamang kamay. Madami silang napagdaanang mga pagsubok. Sa bandang huli ay nagampanan din niya ang kanyang tungkulin na protektahan ang libro.
Ang galing ng special effects. Parang totoo yung mga goblins, ogres, at mga fairies! Da best! Napagaling na nga talaga ng technology ngayon. Naisasabuhay na ang mga creatures na gawa lang ng ating mga imahinasyon.
Si Jared at Simon Grace ay ginampanan ni Freddie Highmore. Magaling siyang umarte at napakagwapo niya pa. Ahahaha! Ang galing niya talaga umarte. Superb! Hindi mo aakalain na kaya niya ang dalawang roles na magkaiba ang personalidad. Hehe! Ang galing mo Freddie! Saludo ako sa iyo!
Naiyak nga ako nung pagkatapos kong manood eh. Nakakatouch yung story. Super ganda. Akala ko nga nung una panget eh. Kasi may mga goblins at ogres na kasama. Pero iba na pala siya kapag napanood mo na talaga! Ipinakita dito ang pagmamahalan ng isang pamilya sa isa't-isa. Ipinakita din ang matatag na pagsasamahan ng mga kapatid. Hay. Ang daming moral lessons kang makukuha dito.
Ayun. Panoorin niyo tong movie na ito. Sigurado magugustuhan niyo ito! Promise! ^^,

i know that i have loved you ... at 5:14 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities