if i never see your face again ...
then i will find you and love you once more
time after time

Friday, February 1, 2008

Social Family History...

Welcome sa Perryland!

Noong unang panahon, may isang dalagang nagngangalang Jeremae. Si Jeremae ay isang hamak na labandera. Isang babaeng pinagkaitan ng ganda at yaman, ngunit puno siya ng kaalaman lalong-lalo na sa kasaysayan. Napakagaling niya dito. Mahilig siyang magbasa ng mga librong pangkasaysayan. Ang pinakapaborito niya ay ang librong gawa ni Perry.


Isang araw, kakatapos lang niyang mag-trabaho, dumiretso siya sa kanyang "study table" . Ito ay isang munting lamesa na naglalaman ng isang G-tech na ballpen, isang kwaderno, isang baso ng tubig at siyempre ang libro niyang Perry.


Binuklat niya ang kanyang libro sa pahina kung saan inilarawan ang pamumuno ni Reyna Patti "Da Great" Di. Manghang-mangha si Jeremae sa uri ng pamamalakad ng Reyna. Napakalaki ang kontribusyon ni Reyna Patti sa Perryland. Sa kanyang pamumuno naabot ng Perryland ang Golden Age nito. Payapa, maayos, at matiwasay ang paligid. Ang karapatan ng tao ay pantay-pantay. Peasant ka man o isang noble. Walang diskriminasyong nagaganap sa dalawang panig. Pag-ibig ang namumuhay sa puso ng bawat tao. Walang away, walang gulo, walang mga gyerang nagaganap, tahimik ang lahat. Ang mga ibon ay nagkakantahan sa mga malalaking puno ng kagubatan, malayang-malaya ang mga paru-parong lumilipad sa hardin ng palasyo, humahalimuyak ang mga bulaklak, at higit sa lahat ang sariwang hangin na bumabalot sa buong kapaligiran. Iyan ang Perryland. Isang lugar na inaasam ang lahat. Perpekto.

Nang isasara na niya ang libro ay bigla na lamang siyang nagulat ng may malakas na hanging pumalibot sa kanya. Unti-unti siyang umaangat mula sa kanyang pagkakaupo at sa isang iglap pumasok na siya sa loob ng libro. Sumigaw siya ng sumigaw ngunit walang nakakarinig sa kanya. Patuloy siyang nahulog patungo sa kawalan. Nanginginig, nangangamba, natatakot na baka hindi na siya makabalik sa kanyang lugar. Tumigil ang kanyang pagsigaw dahil alam niya na wala din itong patutunguhan.


Nagising na lamang si Jeremae sa harap ng isang magiting na kabalyero, Siya si Kristoffer. Inalalayan ni Kristoffer si Jeremae na tumayo mula sa kanyang pagkakahiga. Natakot si Jeremae kaya hindi siya nagpatulong sa kabalyero. Tumayo siya at biglang tinalikuran si Kristoffer. Nagtaka si Kristoffer kung bakit ganun ang pakikitungo ng misteryosang babae sa kanya. Nagpakilala siya kay Jeremae.

"Magandang araw binibini, Ako nga pala si Kristoffer isang kabalyero." sambit ni Kristoffer habang hawak niya ang kamay ni Jeremae.
"Magandang araw din ginoong kabalyero. Ako naman si Jeremae. Maaari bang magtanong?" sabi ni Jeremae sabay alis ng kamay ni Kristoffer sa kanya.
"Ano iyon magandang binibini?" ani ni Kristoffer.
"Anong lugar ito at nasaan ako?" tanong ng dalaga.
"Kayo po ay nasa Perryland!" masayang sabi ni Kristoffer.
"Perryland?! Wag mong sabihin na ang namumuno sa kahariang ito ay si Reyna Patti?!!!" sabi ni Jeremae na parang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
"Siyang tunay. Paano niyo siya nakilala?" tanong ng kabalyero.
"Wala. Wala naman. Ikwento mo naman kung bakit at paano ka naging kabalyero." sabi ni Jeremae na pawang interesadong malaman ang lahat tungkol sa kanyang kaibigan.

Nagkwentuhan sila. Pumayag na si Jeremae na sumama siya kay Kristoffer sa kadahilanang wala siyang pagtitirhan sa panahon iyon. Kinilala nila ng mabuti ang isa't-isa hanggang nahulog na ang kanilang damdamin para sa isa't-isa.

Naging maganda ang buhay niya sa Perryland. Naging kaibigan niya ang reyna. Binigyan din siya ng mataas na pwesto sa palasyo. Tuwang-tuwa siya sa mga nangyayari sa kanya. Ang pinapangarap niyang magandang buhay ay napasakanya na. Isa lang ang problema niyang kinakaharap sa kasalukayan at iyon ay kung paano siya maakabalik sa kanyang panahon.

Lumipas ang mga panahon at lalo pang naging matagumpay ay pamumuno ng reyna. Ngunit ang kinakatakutang araw ng mga tao ay dumating na. Ang pagkakaroon ng malubhang sakit ng reyna. Alalang-alala si Jeremae sa kanyang minamahal na reyna sapagkat naging matalik na kaibigan niya ito. Nag-aalala din siya sa kalagayan ng Perryland sa oras na mawala ang reyna. Sino na ang papalit? Magiging magaling ba ang susunod na reyna? Ito ang mga tanong gumugulo sa isipan ni Jeremae.

Makalipas ng isang linggo ay ang hindi inaasahan ay naganap na. Pumanaw na ang reyna. Lahat ng tao ay nagluksa sa pagkawala ng kanilang iniidolo at magaling na reyna. Nang mabasa na ng abogado ng reyna ang kanyang huling habilin ay nagulat na lamang si Jeremae sa mga nangyari. Pinagkaloob ng reyna ang kanyang trono sa kanyang "personal adviser" na si Jeremae. Hindi siya makapaniwala. Totoo pala ang lahat. Siya na ang bagong reyna ng Perryland.

Naging reyna na si Jeremae at napangasawa niya si Kristoffer. Silang dalawa ay namuno sa Perryland. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Si Jedd at si Ianna. Pareho silang matalino at may kakayahang mamuno. Sila ay tinawag na "Social Family" dahil sa pagiging malapit nila sa tao at ang kanilang pangunahing iniisip ay ang kapanakan at kabutihan ng lahat nilang nasasakupan.

Naging maayos at matipuno din ang pamumuno ng Social Family kung hindi lang sana dumating ang Evil Priestess Anika at ang kanyang alagad na si Paulo. Balak nilang patalsikin sa trono ang Social Family at gusto nilang sila na ang mamuno sa buong Perryland. Walang nagawa ang reyna kundi isuko ang kanyang trono. Natameme siya dahil sa mga estratehiyang ginamit ng Evil Priestess sa kanya. Hawak kasi ni Evil Priestess Anika ang kapangyarihan ng kadiliman. At walang kalaban-laban ang kapangyarihan ni Jeremae laban sa kanya. Namuno ang Evil Priestess sa Perryland at dumanas ng hirap ang mga tao sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Ang Social Family ay hindi na nakayanan ang pagmamaltrato ng Evil Priestess at ng kanyang alagad na si Paulo sa mga mamamayan ng Perryland. Kaya nagplano sila kung paano nila pababagsakin ang Rehimeng Anika. Tinawagan nila ang diyosa na gumagabay sa Perryland si Nelda. Nanghingi sila ng karagdagang kapangyarihan upang magapi ang Evil Priestess at maibalik ang kaayusan sa buong kaharian. Binigyan sila ng kakaibang kapangyarihan ni Nelda. Kay Jeremae napunta ang kapangyarihan ng tubig, apoy naman ang napunta kay Kristoffer, ang elemento ng lupa ay napunta kay Jedd at ang hangin ay napunta kay Ianna. Gamit ang mga kapangyarihang ito binuhay nila si Reyna Patti para sila ay bigyan ng tulong nito. Nagtagumpay sila sa pagbuhay sa dating reyna at naghahanda na sila para sa pinakamatinding labang kanilang kakaharapin. Ang paggapi sa Evil Priestess at ang kanyang alagad na si Paulo.

Dumatig na ang araw ng kanilang pagsalakay sa palasyo. Ang unang bumati sa kanila ay si Paulo, ang masunuring alagad ni Evil Priestess Anika. Nagkaroon ng maduging labanan sa loob at labas ng Palasyo. Si Jedd at si Ianna ang siyang naging responsable sa pagkatalo ni Paulo. Gamit ang pinagsamang elemento ng lupa at hangin ay natalo nila si Paulo. Si Jeremae at si Kristoffer naman ay dumiretso sa kwarto ng Evil Priestess Anika upang siya ay kalabanin doon.

"Humanda ka Evil Priestess Anika!" pasigaw na sinabi ni Kristoffer.
"Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo!" sabi ni Jeremae.
"dapat Kayow ey humeynda sa akin dahil ang enyowng dugo ay ippeyntura kow sa buowng paleysyow! *evil laugh insert here* " galit na galit ang Evil Priestess habang medyo bulol at hindi maintindihan ang sinasabi.

Nagkaroon ng batuhan ng kapangyarihan, liwanag laban sa dilim. Matapos ng mahaba-habang laban ay nanalo na din ang Social Family. Si Evil Priestess Anika ay ikinulong nila sa isang portrait na kung saan ay wala nang ibang paraan para siya ay makatakas doon. Nakuha na muli ang trono mula sa kaaway. Nagwagi ang kabutihan laban sa kasamaan.

Naibalik muli ang kapayapaan sa palasyo. Namuno uli ang Social Family sa Perryland. Nagbalik na sa dati ang lahat. Perpekto na muli siya gaya ng dati. At namuhay sila ng masaya magpakailanman.

THE END!



i know that i have loved you ... at 6:00 AM
fate crumbled all around 0 identities

` me. ;

    Photobucket
    Welcome to my blog.
    Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
    "Jedd" for short
    I am 15 years old.
    A third year student of Manila Science.
    Diligence
    Kepler
    Hertz
    DILIKEHERTZ

` here.waiting ;

` my music. ;

'let's talk.



^reminds;me*of