if i never see your face again ...
then i will find you and love you once more
time after time

Friday, February 22, 2008

Promade of the Stars...

"I'm ready!"

Prom party! Hiyes! Ang pinakaabangan kong event this year ay nangyari na! Napakasaya ng gabing ito para sa akin. Salamat sa mga kumumpleto ng aking gabi! Eto na yung mga kaganapan nung prom. Game. Here it goes.

Damit ko yan!

Umaga palang ay hindi na ako mapakali. Hindi ko alam ang gagawin ko sa prom. Kinakabahan na na-eexcite. Mixed emotions baga. Hay. Habang papalapit ang oras ng prom ay mas lalo akong kinakabahan. Lalo na't madami akong dala. Panay bulaklak. Pagdating ko dun sa Palasyo de Maynila ay nagulat ako. Whoah! Andaming nakaformal dress. Nakakapanibago. Ang daming gumwapo at gumanda. Hay. Iba na nga talaga nagagawa ng mga salon.

Harapan ng Palasyo de Maynila.

Pagdating ko dun nagparegister muna ako at nilagay ko muna sa baggage counter yung napakadami kong bulaklak na dala. Grrrr. Andami! Nagpapicture kami kay Manong Photographer dun sa malaking promenade of the stars. Tapos picture mode din kaming Hertz. Nakakatuwa damit ni Annalyn at ni Pauline. Kakaiba. Astig! Daring din damit ni Beverly at ni Katrina. Grabe sobra! Ang gagwapo din ng mga Hertz na boys! Hahaha! Eto mga samples:

Ilang minuto ang nakalipas ay pinapasok na kami sa mismong venue. Wow! Ang ganda ng loob. Kakaiba! Ang ganda ng table, mga bulaklak pati na rin yung stage! Table 21 yung nakuha naming upuan. Yey! Favorite number ko! Kasama ko sila Peter, Kris, Benjie, Adrian, Sora, Alekx, at Katrina. Super ganda! Ang cute nga ng taas eh. Eto yung hitsura oh.

Palasyo De Maynila sa loob.

After ng ilang minutong paghihintay nagsimula na rin ang prom. Ang galing ni Claude at ni Eishrine mag-host! D best. Matapos ang mga mahahabang speeches dumating na din ang parte na iniintay ng lahat. Ang pagsayaw ng cotillion people. Muntik na ngang hindi makasama si Adrian eh. Buti na lang last minute dumating siya. Hehe.

Cotillion Dancers.

Ayun. Pagtapos ng cotillion, kainan na! Yes! Sa wakas kakain na din ako. Gutom na ako nun eh. Harhar. Masarap naman yung mga pagkain. Natikman ko din naman lahat ng putahe. Yum! Nakadalawang balik nga kami sa buffet eh. Pano masarap. Haha.

First Batch ng dinner ko.

Second Batch!

Nagkaroon din nga mga banda. Yung unang banda ay, sorry for the term, napakapangit ng pagkakapresent. Yung pangalawa medyo maayos. Yung huli ang pinakamaganda. Pano vocalist yung kaklase ko eh. Go Xander! Ang galing mo kumanta!

Nice one Xander!


Ayun. Habang may nagkakantahan sa stage. Pumila muna kami sa may Chocolate Fountain. Masarap naman yung chocolate. Masarap din yung marshmallow. Buti na lang hindi siya natapon kundi napakadumi ko na! Haha.

Yummy!

Ilang minuto makalipas nagsimula ng ipakilala ang bandang imbitado. Ang KRAEONZ. Hindi sila masyadong sikat pero magaling ang kanilang performance. Two Thumbs up! Ayun. Vain mode na naman kami. Haha. Piktyuran with other people. Nagkaroon ng mini reuinion. Diligence at Kepler. Hay. Miss na miss ko na sila. Sobra! Bonding moment naman ang Hertz. Waaaah! Ayoko pang mahiwalay sa inyo! I love you Hertz! Sobra-sobra!

Ako at si Kenneth Roger Buri.

Ako at si Patricia Mae Bonife.

Ako at si Peter Joreden Quetulio.

Ayan. Sayawan party na. First dance ko masaya ako pati din Last dance. Haha. Ewan ko ba. Basta masaya ako. More than 20 din nakasayaw ko eh. Kwentuhan din kami nung kung sinoman ang makasayaw ko. Hay. Napakasaya talaga. Nagkaroon din n moment yung mga magsyota. Kilig naman yun diba?! Hehe.

Ako at si Maria Clara?! Joke.

Muntik ko nang makalimtan yung awardees ng aking section. Siyempre Best Dressed Junior Female si Ms. Andrea Delgado at ang Best Dressed Junior Male ay si Mr. Jake Matibag. Super proud ako sa inyo. Siyempre sa Hertz din. Tayo na lang lagi ang naghahakot ng awards! Sa contests sa may Masci pati ba naman sa prom meron din?! Oh well. Section ko to eh. Go HERTZ! Kaya natin yan! Hakutin lahat ng prizes! HaHa!

Best Dressed Male Junior.

Best Dressed Female Junior.

Ayun. Medyo matagal din ang sayawan. Hay. Nakakapagod. May achivement din akong nakamit ngayong gabi. At iyon yung nakapag-papicture ako kasama si Best Friend. Maam Okafor! Wohooo! Diba Kris?! Hahaha! Love it!

Best friends?!


Nabigay ko na din yung bulaklak kong dala kay Maam D at sa buong Hertz. Hay. Sa wakas. Nawalan na ako ng bagahe. Haha. Medyo malaki kasi yung bouquet eh. Super Big. Pero ayos lang. Maganda naman siya eh at mabango. Hmmm...

Ako at si Mrs. Evangeline De Leon.

Mga 3 oras din yung sayawan. Hay. Nakakapagod at sobrang saya ko! Ang sakit nga ng mga paa ko eh. Basta masya ako. Ilang beses din pala kaming pabalik-balik ng C.R. Haha. Routine?! Ewan ko lang.

Ang salamin ng C.R. Haha.

Mga 12 na din natapos ang prom. Hay. Pagod na pagod na ako. Napakasaya ko ngayong araw. Salamat talaga sa mga taong nag-contribute na pasayahin ang araw ko. Sana sa susunod na taon ay mas masaya pa. Kaya natin yan Manila Science High School!

For you...

Masaya, Happy, Feliz. Ito ang pinakasamaya kong gabi sa buhay ko sa Masci!

Bangag!

"Thanks to you!"

i know that i have loved you ... at 8:58 PM
fate crumbled all around 0 identities

` me. ;

    Photobucket
    Welcome to my blog.
    Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
    "Jedd" for short
    I am 15 years old.
    A third year student of Manila Science.
    Diligence
    Kepler
    Hertz
    DILIKEHERTZ

` here.waiting ;

` my music. ;

'let's talk.



^reminds;me*of

  • March 2009
  • December 2008
  • November 2008
  • October 2008
  • September 2008
  • August 2008
  • June 2008
  • May 2008
  • April 2008
  • March 2008
  • February 2008
  • January 2008