if i never see your face again ...
then i will find you and love you once more
time after time

Thursday, February 7, 2008

Ms. You....

Dear Ms. You,

Siguro naman kilala mo na kung sino ka at kung bakit ko ito sinulat.

Ipagpaumanhin mo ang aking pag-aasal noong mga nakaraang araw. Nadala lang ako ng aking mga nararamadaman para sa iyo. Hindi ko din akalain na sa isang tulad mo ako ma-fafall in love. Siguro nga unexpected ang pagpana ni kupido sa aking puso. Naisipan siguro niyang nangangailangan ako ng inspirasyon at isang tao sa aking buhay na magiging espesyal sa aking buhay.

Alam ko nasaktan kita at sana ipagpaumanhin mo ang mga nagawa ko sa iyo. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Hindi ko din alam kong ano ang dahilan ng lahat ng ito. Naguguluhan kasi ako. Hindi pa din ako sigurado.

Nahihirapan ako. Nasasaktan. Naguguluhan. Hindi ko alam ang mga ginagawa ko. Hindi din ako sigurado sa mga ginagawa ko. Nasasaktan kita. Oo inaamin ko nasasaktan kita. Hindi kasi tayo magkaintindihan. Palibhasa hindi mo rin kasi iniintindi ang nararamdaman ko para sa iyo. Sinubukan kong sabihin sa iyo kaso hindi mo ako pinapansin. Iniisip mo siguro na joke ko lang iyon at hindi totoo ang sinasabi ko. Iniisip mo siguro na dahil nga mahilig ako mag-joke eh lahat ng sasabihin ko ay joke na din para sa iyo. Doon ako naiinis. Sana naman kahit minsan isipin mo na lahat ng pinag-usapan natin dati ay totoo. Akala ko pa naman naintindihan mo ako. Hindi pala. Mali ako nang akala. Labis akong nasaktan. Para bang may isang kutsilyong humiwa sa aking mga puso. Isang kutsilyong matalim ang sumira sa aking puso. Ngayon ko lang naramdaman kong gaano kahirap ang magmahal.

Masakit. Napakasakit. Ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa o kaya nama'y ititigil ko na. Ewan ko ba. Magulo ang mundo ko ngayon. At ayoko nang may dumagdag pang problema. Umaasa na lang ako sa Diyos na sana matulungan niya ako. Tutulungan din niya ako at iyon ang papaniwalaan ko.

Nagmamahal,

Ako....



P.S. Sorry nga pala. Sana bumalik na sa dati ang lahat sa lalong madaling panahon.... ^^,

i know that i have loved you ... at 7:05 AM
fate crumbled all around 0 identities

` me. ;

    Photobucket
    Welcome to my blog.
    Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
    "Jedd" for short
    I am 15 years old.
    A third year student of Manila Science.
    Diligence
    Kepler
    Hertz
    DILIKEHERTZ

` here.waiting ;

` my music. ;

'let's talk.



^reminds;me*of