Thursday, February 7, 2008
Mommy Dhey!
Kembang! Pag narinig niyo ang katagang ito isa lang siguro ang maaalala niyo. Siya lang at wala nang iba. Ang nag-iisang si DHEA!!! *standing ovation*
Mommy Dhey! Ayan ginawan na din kita ng post. Hahaha. Ganda mo kasi!
Si Dhea, tinatawag ko siyang Mommy Dhey, ay isang matalinong bata. Magaling umarte, magaling kumanta, magaling sumayaw, magaling mag-on-the-spot, magaling mamuno, magaling magdrawing, at magaling magmahal?! In short MAGALING siya! Mabait tong babaeng ito. Kahit na malaki ang pagitan ng edad niya mula sa amin ay nama-manage pa din niyang makisama sa mga batang katulad namin. Jowk. Minumulat niya kami sa katotohanan. Isa siyang nanay na ate. Ang mga role na ito ay lubusang niyang ginagampanan para lang sa aming klase. Binibigyan niya kami ng mga payong lubos na makakatulong sa amin. Madami na kasi siyang napagdaanan. Ginagamit niya ang mga experiences niya at itinuturo ito sa amin. Para nga siyang guidance counselor eh. Speaking of counselor. Siya ay nanalo bilang SK Chairman. We are very proud of you! We sure are. :D
Natutuwa ako sa mga kwento neto. Biruin mo kahit nakakatawa yung istorya eh may lesson kang makukuha. Dami ko ngang natutunan sa kanya na ngayon ay inaaply ko na sa aking pang-araw-araw na buhay. Hay. Napakaimportante ng taong ito para sa akin. Siya ang taong hinding-hindi ko makakalimutan sa Hertz. Madami din siyang quotable quotes na ipinamahayag niya sa buong Hertz. "Kembang!" at "Shocking Asia!" Naging catchphrase na yan ng Hertz. Habit na ba kung baga. Lagi namin yan sinasabi. Napakalaki kasi ng impluwensya netong babaeng ito. Favorite line ko na sinabi niya ay yung "It's hard to pretend you're ok even if you're not." Napakalaking tama neto sa buhay ko. Eto nga yung motto ko ngayong 3rd year eh. Hahaha. Pero totoo kung hindi ko siya nakilala siguro hindi kumpleto buhay ko. Drama ko. Pero seryoso ako. Mahal ko tong babaeng to. As a friend.
Napakagaan ng loob ko sa kanya. Kapag kausap ko siya gumagaan at sumasaya ang mood ko kahit na medyo bad trip ako. Ang lakas kasi bumanat eh. Hindi kumpleto ang araw ko kapag wala siya. Ang swerte ko din dahil isa ako sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. Maraming Salamat!
Dhea. Magpagaling ka ha. Lagi mong tatandaan full support ang Hertz sa iyo. Kaya mo yan. Take your time na magpahinga. Nandito lang kami para sa iyo. Mahal na mahal kita as a friend. Isa ka sa mga taong hinding-hindi ko makakalimutan. Salamat sa mga oras na lagi kang nandyan para sa amin. Salamat sa friendship at sa pag-aarugang ibinigay mo para sa akin. Ikinagagalak kong nakilala kita at naging parte ka ng aking buhay. Walang kalimutan ah. I love you Mommy Dhey!
i know that i have loved you ... at 3:52 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities