Tuesday, February 5, 2008
Masang Friend!
Masang Frend! Yohoooo! Hiyess.. turn mo naman ngayon para gawan ng post. Nga pala. Ang cute mo diyan sa pic na yan. Feeling bata! Hehe.
Si Annalyn, pwede na din siyang tawaging Masang Frend kasi mas komportable ako pag ito tawag ko sa kanya, kaklase ko siya simula pa noong 2nd year, Kepler. Tapos ngayon akalain mo nga naman. Kaklase ko ulet. Hehe. Bati tayo Masang Frend! Ayun. Inaamin ko naging crush ko 'tong babaeng ito sa ewan ko ba kung anong reason. Pero dati iyon ah. Wala ng malisya ok?!
Mabait to at medyo GC. Hindi kami masyadong close last year. Siguro nakakapag-usap na lang kami kasi lagi kami magkatabi dahil pareho kami ng class number. Teka sinabi ko atang medyo GC. Mukhang mali na yata iyon. Pag Chem at may test nako. Puntahan sila ng kanilang grupo sa harapan at nagsisimula ng maghalungkat ng sagot. Aminin mo man o hindi totoo yun diba??? Magaling to kumanta at sumayaw. "Everybody makes mistakes that's right." Yan Favorite song niya yan e. With matching choreography pa nga yan eh. Hehe. Kasapi din siya sa "Yawning Gang" na nabuo kani-kanina lang eh. Sarap maghikab noh? Anggaling din niya sa question and answer portion noong A.B.R. very informative. Ano nga ba ulet topic naten nun?! Haha. *Censored*
Natutuwa naman ako kay Annalyn dahil naasahan ko siya lagi kahit minsan eh napakataray niya. Malakas ang kiliti neto. Mababaw din ang kaligayahan. Pag tumatawa yan parang wala ng bukas. Lakas bumanat nitong babaing to. Kaya ko nga siya naging kaclose eh. Yipeee!
Masang Frend. Wui. Salamat ha. Sana ang friendship natin ay magtagal. Labyu Masang Frend!
i know that i have loved you ... at 3:50 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities