Thursday, February 14, 2008
Happy Valentines!
Ansaya ng araw ko! Grabe pala ang Valentine's noh? Hehehe.
Nakakatuwa ang mga style ng mga tao kanina sa Masci. Nakakagulat nga eh. Pagpasok ko puro bulaklak ang mga dala nila. Yung iba Blue Magic na paperbag. Ahahaha. Blue Magic. Nagkabatian na ng Valentine's nung umaga pero alam ko at sigurado ako hindi pa natatapos ang lahat. May kasunod pa. :D!
Angkukyut ng mga strategies nila! Natutuwa naman ako! Super excitement ba nung napapanood mo yung ginagawa nila. Kilig! Hahahaha. Lagi nga akong kasama eh. Diba astig?!
Ang saya nung English! Nakakatuwa. Nabuo yung loveteam namin ni Jeremae!!! "Maekael" WEIRD! Ang saya ng discussion. All about love ang topic. Hehehe. Enjoyable!!!! Ayun lang magandang nangyari. Nagkaroon ng GC jokes nung ABR!!! Ahahaha. Si Anika lang naman ang reyna ng GC jokes. Ewan ko ba. Basta kahit corny matatawa ka na lang. :p!
Uwian na. Happiest part of the day. Nag-usap kami ni Ms. You. Salamat nga pala! Salamat sa oras na inilaan mo sakin kanina. Pasensya sa istorbo. Gusto lang naman kitang makausap eh. Ayos lang ba yun?! Basta napasaya mo ako. Maraming Salamat! Kumpleto na araw ko. Wala na akong hihilingin pa. Although hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa iyo. Pero masaya ako. Salamat Ms. You!
Ayan. Ang saya ng Valentine's Day! Sana next year mas masaya diba?! Kaya natin yan!
i know that i have loved you ... at 4:37 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities