Saturday, February 2, 2008
Christmas Party ng Hertz...
CHRISTMAS PARTY...
(although its a little late but ok)
!Hertz!
!Hertz!
Wheeeee! Super late na ng post ko about sa Christmas Party namin! Ahahaha. Pero ayos lang wala akong mapost eh tsaka gusto kong malaman ng mga taong magbabasa neto kung gaano kasaya ang Hertz!
Ok. Game. December 19,2007 naganap ang aming Chrismas Party. Ang daming preparations na ginawa para lang mapaganda ang aming room at siyempre ang party din. Kaya ayun... ayos ayos ng room. Lagay decorations at ayos ng silya. Kahit nakakapagod ayos lang kasi para din iyon sa party. Ehehe. Kakaexcite nga eh. Tsaka after noon bakasyon na. Matagal-tagal din kaming hindi magkikita-kita.
Noong Christmas Party ang pinakanakakagulat ay yung mga pagkain! Grabe... ang dami sobra! Naka-isang plato nga lang ako kasi nakakabusog eh. Nagkaroon din kami ng mga laro. Paborito ko yung "Nakatali ang mga paa at ikot ng buong Masci racing contest." Kagrupo ko nun sila Kris, Patti, Jera, at Jeremae! Waaah! Ang hirap. Hindi kami makalakad ng maayos kaya ayun di na kami tumuloy. Ang hirap kaya tsaka ang sikip ng tali! Ahahaha. Ang daming laro ang ginawa namin! Paborito ko din ung "Ipit ng donut sa labi then Dance Game" Eto iyong isang snapshot:
Ang saya talaga ng Christmas Party. Siyempre may iba't ibang pakulo kami para medyo sumaya ang ang party namin. Nagkaroon din ng ilang mga intermission numbers ung Kwah at yung Kitty Group. Meron nga din kaming fashion show eh. Ang kukyut namin noon. Ahahaha. Eto ung mga snapshots:
After ng Fashion Show!
Bago pa man gumawa na kami ng nominees sa Hertz Choice Awards. Bawat isa samin nominado sa iba't ibang kategorya na kami din mismo ang pumili. May Best Couple, Mami and Dadi ng Hertz, Best Actress, Best Actor, Mr. Macho Man, Angel in Disguise, Super G.C., Most Joy, Best Singer, Best Dancer, Best Artist at madami pang iba. Grabe. Tapos noong dumating na yung awarding nakakakaba yung mga sasabihing nananalo. Ehehe. Eto yung mga snapshots noong awarding:
Naalala ko din pala yung larong "Trip to Jerusalem Then Hawak sa Zipper ng Lalaking Matatapatan mo" Ahahaha. Eto iyong pinakalovely at pinakamasayang laro sa buong party. Medyo matagal tagal bago nagkaroon ng nanalo at sa huli si Patricia Di ang nanalo. Eto pic niya oh.
Nagkaroon din kami ng mini outreach program. Hindi ko ineexpect na magkakaroon kami ng outreach. Nagulat nga ako at wala akong ka-ide-ideya na may plano pala silang ganito. Si Mang Danny at si Ate C.R. ng 2nd floor. I'm happy na nakatulong kami sa nangangailangan. At masaya ako dahil kahit papaano napasaya namin sila. Ang sarap pala talagang tumulong sa kapwa. Ang bait talaga ng Hertz! Eto isa pang pic oh.
Iyan ang piktyur. Although hindi kita sila Ate C.R. 2nd flr. at Mang Danny
Patti holding Jaycee's zipper. A cool picture.
Nagkaroon din kami ng mini outreach program. Hindi ko ineexpect na magkakaroon kami ng outreach. Nagulat nga ako at wala akong ka-ide-ideya na may plano pala silang ganito. Si Mang Danny at si Ate C.R. ng 2nd floor. I'm happy na nakatulong kami sa nangangailangan. At masaya ako dahil kahit papaano napasaya namin sila. Ang sarap pala talagang tumulong sa kapwa. Ang bait talaga ng Hertz! Eto isa pang pic oh.
Ito yung pinakamasaya kong Christmas party sa tanang buhay ko as a Mascian. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw nito. Lagi ko itong maalala hanggang sa aking pagtanda. Lalo na si Maam De Leon na siyang aking adviser at ang tumulong humubog sa aking mga talento.
i know that i have loved you ... at 3:33 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities