if i never see your face again ...
then i will find you and love you once more
time after time

Wednesday, February 6, 2008

Ano ba naman yan?!

Salamin ng Katotohanan

Maraming nangyari. Lahat unexpected. Hindi ko nagustuhan ang mga nangyari ngayong araw.

Umpisa pa lang nasira na ang araw ko. Potek na report yan sa English. Naintindihan ko yung topic. Di ko lang siya kaya iexpress in English! Amp. Ang hirap tsaka hindi ako sanay. Pero mahal ko ang History. Period. Tapos kinumpara ba naman kami sa Mendel. Huh?! Hello?! Hertz kami at Mendel sila. Napakalaki ang difference! Quotable quoute="Mendel really improved a lot and you Hertz, you deteriorated a lot." Hmmmmp! Doon ako nainis eh. We're totally different than Mendel. And we're totally different from the other sections. Hertz is unique. And that's why I Love Hertz.

Physics. Hindi ako nakinih as always naman. Nagkape ako buong period at nagbasa ng Perry. Nagkaroon ng problem solving. Wala akong ginawa. Tinamad kasi ako. Sa Chemistry. Experiment. Nakinig ng konti. Nakipag-usap. Tapos. Lunch. Kwentuhan. Kainan. Puntahan sa C.R. Ayun. Masaya ako noong Lunch. Math. May test. Sumubok akong magsolve. May naintindihan ng konti. Ngunit sa huli... kumopya pa din ako. Pagpasensyahan. Wala akong alam sa Math. THE. Tahi. Quilting. Usap. Revelations. Patay. Anu na ba next subject nun?! Ah... MAPEH. P.E. Varsovienne. Practical Test. Patty. Siya yung partner ko. Ayoko talaga ang MAPEH. Social. Napoleon. Quiz. Maam Lazaro. Super recite ako kanina. Sobrang saya ko. GO History. Advance Biology. Aids. HIV. Report. Evaluation. Hay... Last Subject na. Computer Science. Hands-on. Lucas. Partner ko yan. Maam Aniban. Bola ko. Nakakasar! Hanggang ngayon hindi pa rin niya binabalik. Bad trip. Yan ang nangyari buong araw.

May kaaway ako. Kahit hindi ko siya gustong awayin. Natetempt ako. Basta. Eto lang masasabi ko. Hindi niya ako naiintidihan at hindi ko siya naiintindihan. Period. Sana man lang alam niya na nasasaktan din ako.

Buti pa ang salamin... lahat ng makikita mo dito ay totoo. Sa mundong ito maraming peke. At sana hindi iyon ang makita ko. Sana.... sana ang mundo ay parang salamin. Isang malaking salamin na ipinapakita ang katotohanan. Kahit maganda, kahit masakit. Importanteng malaman natin ang totoo. Huwag tayo umasa sa mga panaginip at sa mga pantasya. Lalo mo lang kasing papahirapan ang sarili mo.

Sana.... sana balang araw, mahanap ko din ang tamang salamin para sa akin.



i know that i have loved you ... at 5:56 AM
fate crumbled all around 0 identities

` me. ;

    Photobucket
    Welcome to my blog.
    Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
    "Jedd" for short
    I am 15 years old.
    A third year student of Manila Science.
    Diligence
    Kepler
    Hertz
    DILIKEHERTZ

` here.waiting ;

` my music. ;

'let's talk.



^reminds;me*of