Friday, May 16, 2008
Enrollment.
Kanina naganap na ang enrollment. Maraming magulang ang nagsidalo. Marami ding estudyante ang naroon.
Hindi masyadong maganda ang panahon. Maulan at mamasa-masa ang paligid.
Ako ang pinaka-unang Hertz na dumating doon kasama ang aking lola. Tinignan ko muna sandali ang listahan na nakapaskil dun sa malaking black board sa harap ng Main Building. Totoo nga. Fourth year na ako at hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.
Habang humahaba ang oras... padami din ng padaming mga magulang at estudyante ang dumarating. Ang mga magulang ay dumidirecho sa auditorium samantalang ang mga estudyante ay pumupunta sa kani-kanilang mga kaklase noong third year.
Ilang sandali pa ay may mga dumating na kaklase ko sa Hertz. Tuwang-tuwa ako dahil nagkikita-kita ulit kami. Marami ang nagbago ang itsura. May tumangkad, may nagpakulay ng buhok at kung ano-ano pa. Meron din yung walang pinagbago buhat ng magtapos ang school year.
So ayun. Bonding Moments kaming mga Hertz kasi marahil ito na ang huling araw na kami magkakasama-sama ng buo. Kahit na may kulang masaya pa rin kasi kahit papaano marami-rami kami. Sa tingin ko nga eh kami yung may pinakamaraming estudyanteng dumating.
27 kaming Hertz na nandun. Dami diba? Kaya masaya ako. Ito ang pinakamasayang araw ko ngayong buwan ng Mayo. ^-^
Hapon na ng matapos ang enrollment. Ang tagal nga ng meeting eh. Marami siguro napag-usapan.
Nakuha ko na din yung application form sa University of the Phillipines. Nakakatakot sa college.

i know that i have loved you ... at 12:53 AM
fate crumbled all around 0 identities
fate crumbled all around 0 identities