if i never see your face again ...
then i will find you and love you once more
time after time

Sunday, April 27, 2008

Outing 2. La Mesa EcoPark and PBB House.

"Hindi ko talaga matanggap... Bakit ba kailangan pa tayong magkahiwa-hiwalay..."

Sunday. April 27, 2008.

Nag-overnight kami sa Grotto Vista. Naku! Anliit ng kwarto. Anyways.... Mga 12 ako nagising nun. Di ako nagswimming. Pambata kasi eh. Kadiri. So ayun. S.O.P mode ako. Launching daw ng Dyesebel. Hay. Sana maganda to.

Mga 2:30 ng hapon lang nila napagdesisyunan na umalis na doon. Di na tuloy kami nakasamba dahil doon. Badtrip. Nagkasala na naman ako! Patawarin nawa ako ng Poong Maykapal. Amen. So ayun. Naligo na ako at naghanap ng matinong damit na isusuot. Fashion Disaster! Amp! Buti na lang nakahanap ako ng isang matinong damit! Yes!

3 na kami nakaalis ng resort. Nakopu! Sigurado marami kami pupuntahan neto! Gusto ko nang umuwi ng bahay! Miss ko na yung computer! T_T


"Are we there yet?"

Matapos ng isang mahaba-habang byahe. Napagdesisyunan ng kapulungan... (Naks! May kapulungan pa akong nalalaman dyan oh!) na pumunta kami sa LaMesa Dam/ EcoPark. Yay! Babalik na naman ako sa nature! How I love nature! Ahahahaha.

"Fresh Air!"

So ayun. Nakapasok na kami sa LaMesa Dam area. Andaming puno! Hiyess naman! Ang sarap ng hangin dun. Sobra.

"Ang hangin sa labas!"

Nilibot namin yung compound. Ang sarap talaga. Ang ganda ng scenery. Kakamangha. Sugoi! Andaming puno. Ngayon lang ulit ako nakakita ng ganito kadaming puno. Nasaay na kasi ako sa mga mauusok na syudad, mga naglalakihang building at mga makikipot na mga daanan. Lungsod. Maduming hangin ang bumabalot dito. Hay... Tao nga naman oo. Amp tayo!

"Water Purifying System"

Picturan mode ulit ako. Ang ganda kasi ng kapaligiran eh. Hehehe.

"What a view!"

Mabuti na lang at ako ang tagapaghawak ng camera. Hahaha. I love it.

"Vanity?"

Nakita din namin yung EcoPark. Pero wala na kaming time para mag-stop by. Sayang naman! May next time pa naman daw eh. Sana nga....

"Huwaw!"

Tinahak muli namin ang isang mahabang daan pauwi. Pero bago ang lahat nag-stop-over muna kami sa PBB House. Hindi ako Kapamilya pero ito lang ung program sa ABS na pinapanood ko. Corny kasi ung iba eh. May iba ring tao dun sa tapat ng bahay kaya medyo nahiya ako magpapicture sa harap ng Bahay ni Kuya. T_T

"The Big Gate."

"The Poster."

Umalis na kami at tinahak na muli namin ang daan patungo sa bahay. Mga 1 oras siguro ang nakalipas ng marating na namin ang bahay namin. Salamat! Home Sweet Home.

"What's with the hat?????"

Ito ang aking weekend escapade sa city. Muli ay nakaranas ako ng buhay malayo sa mga syudad. At napakasaya kong nagkaroon muli ako ng ganitong pagkakataon.


"Heal the world... Make it a better place... For you and for me and the entire human race..."

i know that i have loved you ... at 1:52 AM
fate crumbled all around 0 identities

Saturday, April 26, 2008

Outing... Grotto Vista.

"Akala ko tanggap ko na ang lahat, hindi pa pala. Hindi ko pa rin kayang kalimutan kayo..."

Saturday. April 26, 2008.

Maaga ako nagising. May Family Outing kasi. Susubukan ko na lang kahit papaano maging masaya kasama ang aking pamilya. Kasi sa totoo lang mas gusto ko kasama mga kaibigan ko eh. Nararamdaman ko ang feeling of belongingness sa kanila eh. Ewan ko ba. Siguro ganun talaga nararamdaman ng mga kabataan ngayon.

Nung umpisa di pa ako makahanap ng mga damit na isusuot sa so-called outing na ito. Wala kasi ako masyado maayos na damit pang-swimming. Di din ako sanay magswimming ng topless. Lagi akong naka-Tshirt kapag nagsiswimming. Ayoko lang. Tsaka iitim kasi ako. Ayokong umitim. Gusto ko ngang pumuti eh. Hay... Makalipas ng siguro mga 10 minuto nakahanap na ako ng maayos na damit. Dinala ko nga lahat ng pwedeng maisuot eh kasi baka may mga certain rules and regulations na dapat isuot.

Mga 9 ako nagising at mga 11 na kami nakaalis. Ang dami kasing eklat ng mga magulang ko eh. Plano ata nilang dalhin yung bahay namin. Biruin mo. Ang dami dami naming dala... samantalang magsiswimming lang kami?! Grabe. Crowded ang buong kotse. Andami pa naming nakasakay.

"Bagong dating..."

Mga isang oras o higit pa ang byahe. Ang traffic eh. Dumating na kami at medyo naeexcite na ako. Nakita ko na kasi yung pinakamalaking pool. Grabe! Ansaya neto! sabi ko sa sarili ko.

"Ohhhhh. Tanke!"

Pagpasok namin ay marami akong nakitang mga stalls. Meron ding souvenir shop. Hinanap muna namin ang cottage namin. Medyo malaki naman ang cottage dun. Inayos muna ang mga gamit at nagsimula na akong magpalit ng damit pang-swimming. Ang napili kong damit ay yung puti. All white nga ako eh. Para akong anghel! Weeeee.....

"Bago magswimming."

Ilang minuto ang nakalipas at nakatuntong na ako sa swimming pool na pambata. Pinabantayan kasi sakin sandali yung kapatid kong bunso. Kaya nagpictyur muna kami.

"Smile!"

Nagpunta din kami sa malalim syempre. Una kong sinubukan yung slide. Ang sarap! Tapos ang lalim pa ng babagsakan mo. Ahahaha. Marami ngang pumapasok na tubig sa ilong ko eh. Ang hirap humiga. Ayun. Langoy dito. Langoy doon. Makalipas siguro ng 1 oras bumalik ako sa cottage. Umiinit na kasi eh. Baka umitim ako.

"Patuyo muna ako... haha!"

Kumain na ako ng lunch ko at nagpahinga muna ako. Nilalamig kasi ako. So ayun. Wala akong magawa at bigla akong naglabas ng libro. Inkspell. Tapos nakaidlip ako ng sandali. Ang aga kasi nagising eh noh?

"Tulog muna...."

Sandali lang ako nakatulog. Pagkagising ko nakakita ako ng camera at hulaan niyo kung ano ginawa mo? Syempre magpiktyur piktyur ako. Nyahahaha!

"Angel in disguise..."

Ilang sandali pa ay lumusong na ako sa tubig. Ang lamig. Xet! Nilibot namin yung buong resort at nagswimming ulit. Slide at nag-trip-trip kami. Haha. Lulubog na ang araw at saka ko naisipan na magpalit na ng damit. Nagsawa na akong magswimming eh. So ayun. Nagpalit na ako ng damit.

"Bagong ligo...."

Pagtapos kong maligo pumunta na ako sa labas. Bibili ako ng pagkain. Burger Machine. Yam! Matagal-tagal na din akong di nakakakain ng hamburger sa Burger Machine. Masarap pa rin siya.
"Tinatakan ako... Awts."

Gabi na pero marami pa rin ang nagsiswimming. Weeee. Feeling bata sila no? Hehehe.

"Gabi na pero hindi pa nagtatapos ang kasiyahan..."

Dumating na ang oras kung kailan wala na akong magawa. Buti na lang andyan yung camera at ang aking mahiwagang libro para ako ay pasayahin. Ang boring talaga...

"Bored."

Napagdesisyunan nila na dito kami matutulog. Hay. Maliit yung kwarto. Halos di kami magkasaya sa iisang kwarto. Kaya nag rent kami ng 2 kwarto. Haha. Nagkandalito-lito pa nga kami kung saan talaga yung room eh. Badtrip talaga yung mga personnel. Ahahaha!

"Pic bago matulog..."

Tapos na nga ang araw. Nanood muna ako ng kung ano ano sa tv nung gabing iyon. Wahehehe.


"Summer Lovin''

i know that i have loved you ... at 4:55 AM
fate crumbled all around 0 identities

Wednesday, April 23, 2008

Happy....

"Now I understand what they're trying to say to me...."

Yes! Sa hinabahaba ng bakasyon ay ngayon lang ako makakapagkwento ng tungkol sa mga nagaganap sa aking buhay dito sa bahay.

Medyo boring na boring na ako dito. Di kasi ako nagreview dahil naniniwala ako na ni isa wala akong matututunan dun. Ang sama ko no?

Ok. Here it goes.

Simula pa lang ng bakasyon ay hindi na ako tinigilan ni Mama na pagalitan. Hindi ko nga siya maintindihan eh. Lahat naman ginagawa ko para sa kanya. Lahat ng aking makakaya. Lahat ay aking kinakaya para lang mapasaya ko siya kahit sa maliliit na paraan lamang. Alam ko hindi ako ganun kabait na anak para sa kanya. Alam ko naging matigas ang aking ulo. Lagi ko siya kinukunsimisyon. Lagi ko siya ginagalit. At syempre. Lagi na lang ako ang napapagalitan.

Ako. Ako. Lagi na lang ako. Si Jedd na wala na lang ginawa kundi magcomputer ng maghapon. Si Jedd na kahit kailan hindi tumigil sa pakikipag-away sa kanyang mga kapatid. Puro na lang si Jedd. Minsan nga naisip ko na, "Sana invisible na lang ako", o kaya naman ay, "Sana hindi ko na lang sila naging kapamilya", "Sana wala akong kapatid", "Sana ako na lang mag-isa dito sa mundo", at ang pinakamatindi ay, "Sana hindi na lang ako nabuhay!"

Inaamin ko na hindi ko gustong makasama ni isa sa aking mga kapatid. Kasi para bang nagiging balakid sila sa lahat ng gusto kong mangyari sa buhay ko. Kung meron man akong gustong mangyari. Lagi nila akong kinukulit eh. Ni minsan nga hindi nila sinunod ni isa sa mga sinasabi ko. Grrrrrr! Nakakainis!

Moving on.....

Masaya ako ngayong araw kasi despite ng lahat ng pinaggagawa ko sa bahay ay nakuha pa rin akong bilhan ng libro ng aking ina. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayong araw. Basta masaya ako kasi may bago akong libro. Alam ko yung iba ay magsasabing mababaw ang aking kaligayahan. Pero para sa akin. Isa na iyong rason na makakapagpasaya sa akin. Lalong-lalo na't si Mama ang nagbigay sa akin noon. Super saya ko talaga.

Queste. Isang bagong librong makakapagbago sa aking buhay. Isang kabanata na naman ang aking susubaybayan sa buhay ng isang salamangkerong si Septimus Heap. Hay. Pero bago ang lahat... tatapusin ko muna ang isa pang libro.

Inkspell. Medyo mahaba-haba pa ang aking babasahin dito. Pero kakayanin ko ito! Nyahaha.

Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ako masaya. May iba pang factors pero ayoko sabihin. Masyado ng private eh. Sorry.

Past:

Kaka-move-on lang sa pagkakawalay ko sa Hertz. Kagabi napaluha na naman ako. Hirap kasi maiwasan mag-reminisce ng mga memories eh. Nakakamiss talaga eh. Sobra ko talagang mahal ang Hertz at sana ganun din nila ang turing nila sa akin. I love you All! I miss you a lot! ^-^

Currently:

Nakikihalubilo sa aking mga pinsan. Nagbabakasyon kasi sila sa amin. Kaya Good Boy muna ako. Goodluck!

Sa Hinaharap:

Inaasahan ko ang Outing ng Hertz pati na rin ang Family Outing namin. Gusto ko na magswimming! Nakaka-excite! Sana maramdaman ko na yung "Summer" na tinatawag nilang "FUN"

P.S. Napaluha na naman ako. Narinig ko yung kanta na "Best Days" I hate it! T_T


"Someday we'll know why the sky is blue..."

i know that i have loved you ... at 7:38 AM
fate crumbled all around 0 identities

Friday, April 18, 2008

My Hertz.

"I may not have a chance to be with you but wherever I go, you will always be with me...
Years may pass but in my heart you will stay and I will never let those memories fade away..."



Dear Hertz,


I don't wanna say good- bye to all of you my dear friends. I don't want this year to come to an end. I will miss you guys.

Tapos na ang schoolyear 2007-2008 no? Ambilis. Hindi man lang natin namalayan. Napakabilis ng takbot ng oras sa mga panahon ngayon. Kaya nga sa tuwing magkakasama tayo ay sinusulit ko ang bawat minuto na tayo ay buo pa. Hay....

Nung unang araw ng klase, naiinis pa ako sa section ko. Sana Linnaeus ako. Sana Mendel na lang ako. Marami kasi akong kaibigan dun eh. Siguradong hindi ako mao-OP. Yan ang lagi kong iniisip. Noon kasi 3 lang ang kaclose ko sa Hertz. Sina Sora, Benjie, at Annalyn. Tapos ang mga kaklase ko pa ung mga boys na sinasabing mga pasaway sa Masci. Lalo akong natakot nun. Ano na kaya mangyayari sa section ko? Pano na ako? Baka mamaya maging OP na ako dito. Ayoko na sa Hertz! Pero nagkamali pala ako....

Lumipas ang ilang Linggo at natutunan ko na ding mahalin ang Hertz. Marami na akong nakilala. Marami na rin akong naging kaibigan. Pati na rin nakaaway. Hehe. Medyo nahirapan lang ako mag-adjust ng konti. Mahirap kasi makisama sa mga taong mahirap pakisamahan. Pero sa Hertz wala naman mahirap pakisamahan. Lahat naman ay friendly at madaling intindihin.

Lumipas ulit ang ilang buwan ang nagkaroon na tayo ng mga paligsahang lalahukan. Dito ako natutuwa sa Hertz dahil kapag may praktis isa lang ang pupuntahan namin. Bahay nila Anika. Hay. Sobra kong mamimiss ang lugar na ito. Dito kasi nabuo ang mga bonds sa bawat isa sa amin.
Masaya rin ung mga Cash and Carry Moments natin. Hayyy... Nakakamiss.

Da Best din tayo pagdating ng quizzes, summative tests, at lalong-lalo na sa Periodic Test! Astig ung "Arrangement" natin. Nung una akala ko "Circle of Friends" lang ang kasama. Makalipas ng ilang araw naging "Holy Alliance". Medyo dumarami ang mga myembro natin. At nang lumaon ay naging "Continental System" na! Dun ako natutuwa kasi fully support ng buong klase iyon. Tapon papel dito. Arbor test paper. Hanap relic. Gawa relic. Gamit relic. Nakakamiss talaga!

Di ko rin makakalimutan ung mga VANITY MOMENTS natin. Kapag may dalang camera, hala!, pose dito, pose dyan, pose ng pose kahit saan. Hehe. Sobrang VAIN ng Hertz. More than 2,500 na pics natin eh. Hindi pa diyan kasama mga pics ng iba galing sa cellphones. Weeee. Ansaya! Ganyan ka-VAIN ang Hertz.

Hinding-hindi ko talaga makakalimutan lahat ng kalokohang pinaggagawa natin nung tayo'y magkakasama. Ang harutan, kulitan, lambingan, pictyuran, habulan, kantahan, sayawan, kopyahan, asaran, praktisan, lahat na! Lahat ng mga alaala natin ay mananatili dito sa aking isip at puso.

Ngayon napagtanto ko na, ngayon masasabi ko na, eto na! MASAYA TALAGA SA HERTZ.

Sa Hertz ako nakahanap ng mga tunay na kaibigan. Sa Hertz lang ako naging masaya. Sa Hertz ko nakita ang aking mga natatagong talento. Meron ba? At dito ko natutunan ang true meaning of friendship.

Salamat Hertz sa lahat. Sa pagtitiwala, sa friendship, sa camaraderie, sa pagkakaibigan, sa lahat lahat ng nagawa niyo sa akin ngayong taon. Naging makabuluhan ang aking 3rd year life kung di dahil sa inyo. Maraming maraming salamat talaga.

Sorry sa lahat ng nakaaway ko. Sorry sa mga maling nagawa ko sa inyo. Sorry dahil minsan nagiging prangka ako. Sorry sa pagiging minsang pagkaplastic ko. Sorry sa lahat ng may galit sa akin. I'm really really sorry.

Mahal na mahal ko kayong lahat! Ngayon lang ako nagmahal ng section ng ganito. Super Duper I Love you!

We had so many moments; Some are bad but most are great. I'll always remember the love you gave to me.
And erase the hate that lurks within my heart.


Oy! Walang kalimutan ah. Promise niyo yan sa akin! Di ko kayo makakalimutan! Mamimiss ko kayong lahat! Mwah! Mwah!

Lubos na nagmamahal,

Jedd Jose Mickael M. Hidalgo

P.S. Ang haba ng sulat ko. Sana maapreciate niyo. Hehe. I love you HERTZ!

"Keep smilin' , Keep shinin', Knowin' you can always count on me, for sure, That's what friends are for. In good times And bad times, I'll be on your side forever more. That's what friends are for."

i know that i have loved you ... at 10:46 AM
fate crumbled all around 1 identities

Saturday, April 12, 2008

Hertz. I'll miss you all!

"Hertz is where my heart is!"

Ang HERTZ...

Ito ay binubuo ng dalawampu't siyam na indibidwal. Ang bawat isa'y nagtataglay ng iba't-ibang personalidad at kanya-kanyang pagkatao.

Sa apat na sulok ng M-12 ay nabuo ang kanilang pagkakaibigan. Dito rin nila nailabas ang kani-kanilang saloobin sa bawat isa. Sa apat na sulok din ng kwartong ito naitago ang mga masasayang alaala ng bawat estudyanteng pansamantalang nanirahan dito.

Sila ay pinamumunuan ng kanilang mapagmahal na adviser na si Maam De Leon.

Ako ay mapalad dahil naging parte ako ng sekysong ito.

Hertzshey's Mammals:

John Aurelio Agaton III
"Trigo Friend"

Siya ang pinakagwapo sa pangkat ng Hertz. Alam niyo ung gwapo? Mas gwapo pa dun. Marami rin ang nagsasabi na maganda ang kanyang boses. Totoo iyon. Kaya niya kasing manipulahin ang kanyang boses. Mayroon din siyang malalaking muscles. Para nga siyang wrestler eh. Haha. Ayun. Mayabang daw siya sabi ng mga ibang tao. Kaya medyo natakot akong makipagkaibigan sa kanya pero habang tumagal ang panahon ay mas nakilala ko siya ng lubusan. Hindi siya ganun kayabang na tulad ng sinasabi ng ibang tao. Siya nga pala ang pinakamagaling umarte sa aming pangkat. Astig diba?

Rod Xander Bondoc
"Lollipop"

Magaling sa Math, Magaling sa Trigo, at uhmmm... anong subject pa ba yun? Ah Chemistry pala. Siya ang pinakasweet na lalaking nakilala ko. If you know what I mean? Hehe. Mayaman nga pala siya. Myembro siya ng Social Triumvirate! Wohoo! Malambing siya sa lahat ng taong kanyang nakakasalamuha sa loob at labas ng campus lalong lalo na sa kanyang pusa. Haha. Ayieeeh.

Benjie del Rosario
"Benjo Marudo"

Si Benjo ay ang pinakamatalinong bata sa pangkat ng Hertz. Apat na markahan din niyang prinotektahan ang kanyang trono bilang Top 1 at nagtagumpay siya dito. Siya ang aming supplier ng mga babasahin kada lunch time. Hmmm... Ano kaya iyon? Matalino siya sa Math, Trigo, Chemistry, Comp. Sci., nako naman! Lahat ng subjects matalino siya. Tahimik na bata. Mahirap hulaan ang kung ano man ang nasa kanyang isip. Minsan lang kasi siya naglalabas ng galit eh. At talagang minsan lang iyon. Nakaaway ko din to. Pero nagkabati din kami.

Jedd Jose Mickael Hidalgo
"Jeddisown"

Ako?! Makulit. Madaldal. Maingay. Mabait?! Matalino?! Vain daw. Mahilig kumuha ng mga litrato ng kanyang mga kaklase maging ang kanyang sarili. Magaling sa World History! O come on! Maniwala naman kayo! GC-GChan mode ako lagi. Ayan.

Jaycee Javier
"Kuya Jaycee"

Siya daw ang pinakamakisig, pinakagwapo, pinakamatalino, pinakamacho, at pinaka-uhhmmm... No comment. Napakakulit ng batang ito. Lagi niya kaming pinapatawa sa oras na nagmumukmok ang mga mukha namin sa kalungkutan. Astig din yung mga banat nya kung minsan. Maalaga din siya. Naaalala ko nga nung Family Day ay siya mismo ang nagpapakain ng kanyang mga kapatid. Hay. Ambait no? Di katulad ko. Hehe.

Erald James Laiz
"Brown Sugar"

Ako ang white sugar at siya ang brown sugar. Haha. Isang taon lang kami naging magkaklase nito pero parang magkakilala na kami ng matagal na panahon na. Madali lang siyang kaibiganin eh. Medyo tahimik nga lang na sobrang kabaligtaran ng ugali ko. Masarap siya kasama at ang mga banat nya ay sobrang nakakatawa kahit most of the time ay corny iyon pero kahit papaano ay napapatawa ka niya.

Jake Marvin Benito Matibag
"Jakey"

Makulit at masayahin ang batang ito. Ang tanging napapansin ko lang sa taong ito ay ang kanyang laging pagbanggit ng mga salitang "tae" at "pwet." Nakasanayan na nga ata niya ang pagbanggit ng mga ganitong salita. Hindi ko rin malaman ang tunay na dahilan kung bakit niya ito sinasabi. Masarap siya kasama kaso nga lang kapag kasama ko siya ay lagi kaming nag-aasaran. Hay.

John Arnan Moriles
"Bespren Arnani"

Ay! Hertz pala ito. Pano ba naman kasi napakatahimik sa klase. Lagi rin siyang late. Hari ata to don eh. Hehe. Minsan, kapag sinuswerte ka, makikita mo siyang natutulog sa kanyang desk. Pagod siguro sa lahat ng ginawa noong gabi. Ano kaya iyon? Naging bespren ko siya for 1 week ata. At ano nangyari nun? Hindi ko na maalala.

Renz Jerome Nepomuceno
"Tito Renz"

Kapatid! Pareho kami religion neto eh! Haha. Si Renz ang nagtataglay ng pinakamalalim na boses sa Hertz. Ang kanyang pinakasikat na catchphrase ay ang "Mabuhay Maam/Sir" na may nakakagulat na tono. Noong unang markahan ay mapapansin mo na lagi siyang inaantok pero habang tumatagal ay unti-unti siyang nagbabago. Mas naging aktibo na siya sa klase. Masarap kausap at lagi mo siyang maaasahan sa lahat ng oras. Medyo maikli ang kanyang pasensya pero kaya naman niyang ihandle ang bawat sitwasyon na kanyang napagdadaanan.

Peter Joreden Quetulio
"Donut"

Si Peter ang tinaguriang "Mata ng lahat ng Mata" Siya ang dakilang distributer, maker, at receiver ng mga relics. Pasaway siyang bata. Madali din siyang pakisamahan. Mabait at Maaasahang kaibigan. Siya nga pala ang pina-cute sa Hertz. Haha. Vain din pala tong taong to. Marami kaming mga bagay na napagkakasunduan. Kaya nga makikita mo na siya ang aking laging kasama along with the Circle of Friends. Magaling din nga palang siyang sumayaw at umarte.

Adrian Carl Rivera
"Papa Dri"

Si Adrian ang pinakamatinong tao as KWAH. Lahat ng kanyang sinasabi ay may katuturan pero minsan ay hindi rin. Masarap kausap lalo na pagdating sa mga bagay na seryoso. Siya nga pala ay nagtataglay ng mahiwagang uod sa may bahagi ng kanyang tuhod. Sinasabi niya na ito daw ang kanyang "Lucky Charm" Pero who knows? Baka nga totoo ang kanyang sinasabi.

Kristoffer Sanchez
"Kristofather"

Siya ang aking tatay sa Hertz. Malambing at mapagmahal na kaibigan. Masarap kausap at masaya kasama. Lagi kaming may C.R. Moments pati na rin ang Retail Tour. Lagi mo kaming makikitang magkasama. Sa room, sa corridor, sa canteen, sa retail, pati na rin sa C.R. Hehe. Social Triumvirate nga pala rin siya. Makulit at medyo madaldal din siya. Weeeee.

Andre Gabriel Sandoval
"Kulot"

Siya ang dakilang alien ng Hertz. Marami ang nagsasabi na nanggaling siya sa planetang Yekok at may plano daw siyang pasabugin ang buong mundo. Joke lang. Makulit nga pala to. Kulot ang kanyang buhok. Lagi kami magkatext neto. Mayaman kasi siya sa load. Hehe. Escort nga pala namin siya. Galing no?

Kerf Kenna Babon
"Monkey Gurl"

Si Kenna ay tahimik, unggoy, baboon, ape, basta ayun. Haha. Makulit din tong babaeng to. Lagi niya kasama sila Ianna and friends. Sayaw at kanta lang ginagawa nila kapag sila'y magkakasama. GC daw siya. Ewan ko dun. Hay. Wala akong masabi. Hehe.

Katrina Marie Bertol
"Cupcake"
Si Katrina, maganda, matalino, MAPEH's Child, magaling sumayaw, peborit song is Your Guardian Angel, medyo madaldal pero minsan lang, nanay siya ng nakararami, hmmm... ano pa ba? Masarap din kausap. Mabuti din siyang kaibigan. Siya ang Marimar ng Hertz. Nyahaha!

Jeremae De Guzman
"Jeremother"

Ang aming kagalang-kagalang na presidente. Malapad ang noo. Mahaba ang pasensya. Malinis ang budhi. Huh? Joke lang. Nanay ko to! Weeee. Mapag-arugang ina. Mabuting kaibigan. Masarap kausap. Masaya kasama. Madali lang siyang pakisamahan. Kasundo niya ang lahat. Maganda siya! Ano ka ba!?

Pauline Jane Dela Vega
"ABR Friend"

Siya ay nagtataglay ng pinakamahabang buhok sa pangkat. Siya lang ang lagi kong kausap tuwing ABR. Pano ba naman siya ang aking katabi. Masarap siya kausap. Lagi ko nga din siyang kakontsaba sa pagchecheck ng assignments sa ABR diba? Bhe daw siya ni Jake. Myembro din siya ng Powerpuff Gals. Kanta at sayaw lang lagi ulit ang alam nilang gawin kapag magkakasama sila. Magaling din siyang magkamay-kamay. Yung machine na tawag ay Baila ata. Ayun. Maganda din siya.

Andrea Indah Delgado
"Momy Dhey"
Siya ang pinakamagandang babae sa buong Hertz. Magaling siyang umarte. Mahinhin tong babaeng to noh! Hehe. Lider siya ng KWAH. Nanay din siya ng nakararami. Mapagmahal at maaalalahanin din siya. Masarap kausap at masaya kasama. SiyKembang!

Patricia Di
"Honey"

Honey! Ipinakikilala ko sa inyo ang reyna ng nawawalang dinastiya ng Tsina. Ang Di Dynasty! Weeee. Magaling siya sa History. Sa unang tingin ay aakalain mong tahimik siya pero kapag nakilala mo siya ng lubusan ay malalaman mo na ikaw ay nagkakamali. Joke lang. Masarap kausap. Masaya din siya kasama. Paborito nya si Athrun ba yun? Adik siya dun eh. Magaling siyang gumawa ng mga fics. Lalong-lalo na kapag may chuva sa plot. Hehe. Alam niyo na un!

Ileana Anika Domondon
"Evil"

Si Anika ang pinakaGC sa Hertz. Alam niyo ung GC? Mas GC pa dun! Siya ang aming bise presidente at kadalasan siya ang sumasalo ng mga gawain ng presidente. Hehe. Mabait at concern sa mga taong nakapalibot sa kanya. Masarap kausap kaso mahirap intindihin ang kanyang lenggwahe paminsan-minsan. Annihilation? Haha. Mahal na mahal niya si Zac Efron at walang nakakaalam ng tunay na dahilan. Bespren niya si Mam Correa.

Sylvia Francesca Legarto
"P.S."

Nagtataglay siya ng pinakamatining na boses sa Hertz. Masarap siya ka-jamming lalo na kapag kumakanta kami ng P.S. I Love You. Magaling sa THE. Medyo makulit din. Kasama din siya sa Powerpuff Gals. Siya rin ang pinakatahimik sa girls.

Ianna Christine Lopez
"Sister"

Siya si Sister. Kapatid ko siya sa kilalang pamilya sa Hertz. Ang Social Family. Magaling kumanta at sumayaw. Siya ang lider ng Powerpuff Gals. Adik sa High School Musical Songs. Mahilig din siya sa mga lumang kanta kaya nga naging close kami neto eh. Mahal nya ang baboy niya. Mabait at Maganda siya. Masarap kasama lalo na sa galaan.

Natasha Alekxis Lucas
"Lukaret"

Adik sa Anime. Adik sa Yaoi. Adik sa pagdradrawing. Adik sa pagiging kaibigan? Masaya siya kasama. Natutuwa ako sa kanya kapag nakakakita siya ng Yaoi Moments. Bigla na lamang siyang mag-"chuchuckle" plus "giggles" Masarap din kausap. Dahil sa kanya nahilig din ako sa anime. Labyu Alekx. Siya ung pinakaunang naging close ko sa mga babae sa Hertz.

Beverly Maquiñana
"Honeybunch"

Piki. Kuneho daw? Honeybunch ko. Adik sa Boyhunting. Textmate ko din siya. Lagi niya ako sinasamahan sa lahat ng aking bisyo. Retail at Canteen. First Kiss ko daw?! Yak! Mabait at medyo madaldal. Ay hindi pala. Sobrang daldal. Kaya nga bagay kami magkasama eh. Hehe.

Annalyn Masangkay
"Masang Friend"

Siya ang Maam Correa II. Siya ang nagkaroon ng ultimate makeover sa lahat ng Hertz. Nagmukha nga siyang Egyptian eh. Haha. Makulit at madaldal siya. Maharot din. Malakas nga ang kanyang kiliti eh. Masarap din siya kasama. Siya ang bise presidente ng Powerpuff Gals. Mahilig kumanta at sumayaw.

Georgia Louise Melendres
"Papaya"

Ang pinakamaliit sa buong Hertz. Haha. Malaki ang kanyang papaya. Madaldal to. Lagi ko rin siya niyaya pumunta ng retail at canteen. Madami siyang lalaki. Adik kay Reggie at sa DBAP. Mayaman at supplier namin ng candy, Mentos.

Melysa Maria Paz Miranda
"Cuddler"

Ang aking Cuddler! Masarap siya yakapin. Lagi ko siya niyayakap kapag merong bumabagabag sa aking isip. Lagi siyang nariyan para ikaw ay tulungan niya. Magaling mag-english at magaling sumulat ng mga essays, poems, stories, and other stuffs. Masarap kasama at masaya kausap.

Soraya Oliveros
"Susa"

Nanay ko sa paa. Mapagmahal at maaalalahanin. Mahilig bumanat. Masaya kasama. Masarap kausap. Adik sa green at anime. Siya ang may pinakamagandang boses sa Hertz. Makulit at maharot. Magaling din siyang magdrawing. Mahal na mahal niya ang Computer Science.

Jeralyn Mae Verdejo
"Luntian"

Tahimik at sobrang mabait. Makulit at masaya din siyang kausap. Medyo GC pero marunong makisama at hindi siya Crab. Siya ang aming source pag Physics at Chemistry.

Hertz Forever!

Iyan ang mga estudyanteng bumubuo sa Hertz.

Makukulit, madadaldal, masasarap kasama, at masaya kausap.

Isang perpektong seksyown.

Yan ang Hertz.

"We'll meet each other again..."



"I'll miss you like crazy..."

i know that i have loved you ... at 2:33 AM
fate crumbled all around 0 identities

` me. ;

    Photobucket
    Welcome to my blog.
    Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
    "Jedd" for short
    I am 15 years old.
    A third year student of Manila Science.
    Diligence
    Kepler
    Hertz
    DILIKEHERTZ

` here.waiting ;

` my music. ;

'let's talk.



^reminds;me*of

  • March 2009
  • December 2008
  • November 2008
  • October 2008
  • September 2008
  • August 2008
  • June 2008
  • May 2008
  • April 2008
  • March 2008
  • February 2008
  • January 2008