if i never see your face again ...
then i will find you and love you once more
time after time

Thursday, January 31, 2008

Ang kaibigan kong si Soraya...

Soraya M. Oliveros

SUSA!!! Eto tawag ko sa kanya ngayon. Cute noh?! Haha. Si Soraya, or Susa, ay isa sa mga close friends ko sa Manila Science High School. Hindi ko din malaman ang dahilan kung bakit kami close. Meant to be din ata kami netong babaeng to eh. Maharot siya. Malambing. Mahalay?! Magaling kumanta, mag-drawing, sumayaw?! (* tenenenenenenenenen*) Haha. Ang ganda ng boses nito pramis! Di ko nga alam kung anu sikreto niya eh. Linunok niya ata ung mga singers noong mga 1990's eh. Hayup sa ganda ang boses neto. Feeling ko kumakain siya ng 500 luya araw-araw eh kaya maganda boses. Hehe. Peace tayo Susa!

Si Susa. Mapagkakatiwalaan mo ito. I think?! Di jowk lang. Trustworthy tong taong to. Safe ang secrets mo sa kanya. Ang galing diba? Magaling din siya magbigay ng advise. Mostly ng mga advise niya kinikuha ko pero hindi lahat. Matalino din to. Lalo na sa Computer Science. Kapag may lesson tapos di niya masyado naintindihan magtataas siya ng kamay at sasabihing, "Maam! Bakit walang declaration?! Diba dapat sa dulo pa ilagay ang nested if?! " Matatawa ka sa kanya kasi biglaan eh. Hahaha. Tapos pag-lunch o kaya vacant namin. Ayun. Kantahan kami on the top of our voices. As in!!! Singing marathon kami palage netong babaeng ito kasama ng iba ko pang kabarkada. Bwahaha. Ang gulo namin noh?! Ganyan talaga.

Ang sarap maging kaibigan si Sora. Everyday na kasama mo siya, lagi kayong magtatawanan. Hinding-hindi ka niya papaiyakin. Lagi siyang nandyan para sa akin eh. Kapag umiiyak ako at may kaaway ipinagtatanggol niya ako pwera lang kay *toot* ! Haha. Mamimiss ko din ito. Ang kalokohan, kulitan, asaran, lambingan, kantahan, sayawan, laruan?! at piktyuran. Lagi siyang nandyan. Hehehehe. Tsaka isa pa. Nanay ko to sa paa ko. Haha. I mean my legs. Dami ko kasi nanay sa Masci eh. Astig ba?!

Kay Sora... Hoi! Mamimiss kita pag 4th yr na tayo. Wag mo ko kakalimutan ha. Friends tayo forever ok! I love you SUSA!

i know that i have loved you ... at 6:21 AM
fate crumbled all around 0 identities

To my dear friend.. Kristoffer.

Mr. Kristoffer Sanchez


Si Kristoffer N. Sanchez. Super close kami netong lalaking ito! Lagi mo kaming pinapatawa ng mga jokes mo! Yahoo. Mmmmmbaniban! Bwahaha. Hindi ko alam kung paano kami naging close ng ganito. Siguro meant to be talaga kaming dalawa na maging uber close friends. Kakatuwa ang friendship group namin. Ako, si Kris, Peter, Benjie, Xander, at Andre. Haha. Ang kulet namin kapag magkakasama kami. Hehehe.


Magkaklase kami noong Diligence kaso hindi kami masyadong close noon. Hindi mo kami makikitang laging magkasama. Kahit saan. Noong first year lagi kaming hiwalay. Hiwalay kumain, hiwalay ng upuan, hiwalay sa kwentuhan, at hiwalay sa grupo. May sarili kasi siyang grupo at meron din akong sarili. Pero in good terms naman kami noong first year. Di kami nag-aaway. Wala lang. We're just friends. Just friends... noong first year yon.

Ngayon, kahit saang anggulo mo tignan, lagi ko siyang kasama. Kasama kumain, kasama sa upuan, kasama sa galaan, at higit sa lahat kasama ko siya lagi pag mag-c-CR kami. Haha. Paunahan sa aming favorite cubicle. Super close talaga kami neto! Naiintindihan ko siya, in return naiintindihan niya din ako. Sa kanya ko nilalabas lahat ng saloobin ko, mga problema ko, pati mga kasayahan ko alam niya. Pinagkakatiwalaan ko kasi siya. At alam ko kahit papaano pinagkakatiwalaan niya din ako. Diba Kris?!

Mahal na mahal ko 'tong taong 'to. Siya ang magiting na hari sa tinaguriang SOCIAL FAMILY! Father ko iyan! Matalino, galing mag-english at galing mag-drawing. Haha. Mamimiss ko siya pramis. Ayoko pa ngang mahiwalay sa kanya eh. Ayoko din mawala friendship namin. Gusto ko mag-last ito until forever. Go kaya natin yan Kris!

Kris ang masasabi ko lang sa iyo. Maraming salamat sa lahat! Sa trust sa friendship. Sa lahat. Mamimiss kita talaga! I labyu Kris!

i know that i have loved you ... at 5:10 AM
fate crumbled all around 0 identities

Mini Dili Reuinion!!!


DILIGENCE ^^,

Reunion noong umaga!


Diligence... konti pa lang kami nyan.


Diligence!!! I miss them!

Hindi ko akalain na kahit papaano ay magkakasama-sama kami noong araw na iyon. In fact di rin ako makapaniwala na magsasama-sama kami at all. Hay. Ansaya naman neto. Naganap ang reuinion mga30 minutes or less. Wala naman masyado nangyari. Piktyuran lang at kwentuhan kami! Waaaah! Kahit wala masyado nangyari napaka-meaningful ng araw na ito para sa akin.


January 11, 2008 nangyari ang aming mini reuinion. Actually di siya planado. In fact para siyang on the spot reuinion. haha. Ang kyut nga eh. Pero masaya ako. Nakompleto araw ko noon dahil dito. Sa totoo lang lokohan lang namin ni Kristoffer na magkakaroon ng reuinion ang Diligence. Walang napag-usapang time at place na pagdadausan ng nasabing reuinion. Tapos nang dumaan sila Diana, Almira, Keesha, Chryzl at Aiza, ayun. Sabi namin ni Kris, "Bilisan niyo! Reuinion tayo!" Noong una nagulat sila. Sabi pa nga nila, "Saan?! Dito?!" Tapos tawanan kami lahat. Ayun! Doon na nagsimula ang aming napakagandang reuinion. Kwentuhan kami, tawanan, at binabalik-balikan namin ang mga nangyari noong kami ay first year pa. Akala ko nga nakalimutan na nilang lahat. Pero hindi pala. Ang sarap pala talagang balikan ang nakaraan. Mga pagkakataong kasama mo mga kaibigan mo. Nagtatawanan, naghaharutan, nagkwekwentuhan, naglalambingan at higit sa lahat... NAGCHICHISMISAN!!! Wahahaha! Ang paboritong gawain ng Diligence. Past time namin ito. Kumbaga hobby. Naka-program na siya lahat sa utak namin lahat ng gagawin. Astig diba?!

Ang saya talaga ng araw na ito. Super! Diligence completed my day. I love them! Miss na miss ko na kayung lahat. Sana magkaroon tayo ng maayos na reuinion. This time nasa magandang place tayo. At dapat maraming food! Hahaha.

Ayun, natapos ang aming reuinion, baon ang mga matatamis na alaalang minsang nagpalakas sa aming personalidad. I love and miss you Diligence!!!



DILIGENCE RULES FOREVER!!!!

i know that i have loved you ... at 3:27 AM
fate crumbled all around 0 identities

Wednesday, January 30, 2008

Magic Knight Rayearth

Magic Knight Rayearth

Wheeee! Ang ganda ng anime na ito. Super! Ang ganda ng pagkakagawa at ang ganda ng story. Kahit napakaluma na nito. Noong 1994 pa ata ito nauso pero ang sarap balik-balikan. Ako naadik eh. Ewan ko sa inyo. Basta maganda siya, nirerecoemend ko sa lahat na panoorin niyo ito.

Ang ganda ni Umi Ryuzaki! Ang kyut pa ng kulay ng damit niya!
BLUE!!! Astig pa powers niya! Water. Haha. Wala lang. Nagagandahan lang ako sa kanya. Well... haba ng buhok eh. Bwahaha! Ok lang si Fuu. GREEN!!! Kahit ayoko ng green. Haha. Si Hikaru... BWISIT! Epal siya! bwahahaha. RED!!! Eeeeewwww! Haha. Ayoko lang ng kulay na iyon. Di ko siya type.

Madami akong natutunan dito. Una ... dapat kang magtiwala sa iyong sarili. Magagawa mo lahat ng gusto mo basta magtiwala ka na mangyayari iyon. Ikalawa... Wag masyadong maging pessimistic. Always look on the britghter side of life. Mahirap malulong sa super negative thoughts. Ikatlo... Love makes the world go round. Lahat ng nasa mundo ay pinapaikot ng pag-ibig. Kung wala ito wala lahat nang narito sa daigdig. Kung wala din ito kahit tayo ay wala din sa daigdig. Ang pag-ibig ay ang pinakamagandang lunas sa ating mga problema ngayon. Kung maghahari ito mawawala na ang giyera, away at mga krimen. Lahat tayo ay magmamahalan. Mapayapa ang buong mundo. Walang gulo. Walang away. Tahimik.

Panoorin niyo 'tong Magic Knight Rayearth! Sigurado magugustuhan niyo din. Ang ganda eh. haha. la lang shinare ko lang. kakatapos ko lang kasi panoorin ang buong episodes neto eh. hehe. ^^,


i know that i have loved you ... at 6:27 AM
fate crumbled all around 0 identities

Para kay Jeremae De Guzman

This post is dedicated to Hertz's beloved president...


MS. Jeremae De Guzman


Si Jeremae. 'Emae' for short. Grabe. Super close kami netong babaeng ito. Hindi ko din malaman ang dahilan kung bakit ko siya naging ka-close. Di naman kami magkaklase noong First and Second year. Ah basta. Mahal ko itong babaeng ito.

Mother! Tawag ko ito sa kanya dahil siya ang aking buthiing ina sa Social Family, ito ang pamilyang nabuo para lang sa pinakamamahal naming subject, ang Social Studies. Mahal na mahal ko ang babaing ito. Kung kulang na nga lang magpakasal na kami eh. I love you mother! Siya lang at si Kristoffer, another friend mine, ang nakapalagayan ko ng loob. Sa kanya ko inilalabas ang aking mga saloobin. Minsan nga lang nagkakaroon ng misunderstandings. Isa siya sa aking mga best friends sa klase ko. Super lakas ng trip. Minsan nga lang magugulat ka pag dumaan si "Mr. Pogi" sa harapan namin eh mapapatameme na siya eh. Peace tayo mother!

Mabait naman siyang president. Magaling din mamuno, kaso nga lang minsan siya pasimuno ng ingay. (bakit totoo naman diba?!) Pero mahal ko to. Siya nga mostly ang may alam ng aking mga sikreto eh. Mapagkakatiwalaan itong batang to. At tsaka masarap siyang maging kaibigan. Try niyo. Iba siya magmahal. Pramis di ako nagbibiro.

Jeremae eto message ko sa iyo.... Lagi mong tatandaan na nandito lang ako para suportahan ka sa lahat ng ginagawa mo. Andito ang aking mga balikat para doon mo ilabas ang lahat ng iyong nararamdaman. Wag ka mag-alala mother. Di kita kakalimutan. I love you!!! Mwah!



i know that i have loved you ... at 6:01 AM
fate crumbled all around 0 identities

Tuesday, January 29, 2008

Haist....

I don't know but I believe
That some things are meant to be
And that you'll make a better me
Everyday I love you

I never thought that dreams came true
But you showed me that they do
You know that I learn something new
Everyday I love you

Ang ganda ng message ng song na ito. Medyo nakakarelate. Kahit papaano. Pasikreto lang naman. Ewan ko kung bakit ko siya nagustuhan. Hehe. Ah basta!


Birthday ni Jeremae at ni Georgia ngayon. Happy Birthday to them! Masaya naman ang araw ngayon kaso inaantok pa din ako eh. Lahat ng subjects parang gusto kong matulog. Hindi ko lang kaya kasi baka mahuli ako. Patay kang bata ka. Ang saya kanina sa English. "My Dream Girl" I really enjoyed it. Tawa ako ng tawa buong period. Hahahaha.

Wala naman masyadong interesadong nangyari ngayong araw. Isang normal na araw na naman. Kwentuhan, asaran, lambingan, harutan at kung ano ano pa. Ang saya-saya ko talaga sa Hertz. Parang gusto ko sila din ung kaklase ko next yr. Waaaah! Mamimiss ko iyon! I love you Hertz.

Tsk...tsk...tsk... Wala na akong mailagay. ^^,

i know that i have loved you ... at 4:23 AM
fate crumbled all around 0 identities

` me. ;

    Photobucket
    Welcome to my blog.
    Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
    "Jedd" for short
    I am 15 years old.
    A third year student of Manila Science.
    Diligence
    Kepler
    Hertz
    DILIKEHERTZ

` here.waiting ;

` my music. ;

'let's talk.



^reminds;me*of

  • March 2009
  • December 2008
  • November 2008
  • October 2008
  • September 2008
  • August 2008
  • June 2008
  • May 2008
  • April 2008
  • March 2008
  • February 2008
  • January 2008